7

624 15 2
                                    

"Happy birthday, la!" Sabay-sabay naming bati ng mga pinsan ko kay lola... Nagulat pa ito at tumawa ng marealized nya kung ano ang nagaganap. 

"Salamat, mga apo!"masayang sabi nya at isa isa kaming humalik sa kanyang kamay at yumakap sa kanya. Huling huli si Mikmik at Karl na may hawak ng cake dahil si MikMik ang paboritong apo habang si Karl ang pinakapasaway sa amin.

Then sinabihan kami na maggroup picture kami ni ninang. Agad kaming nagakbayan at nakangiting humarap sa camera...

"Say, SEX" sigaw ni Karl

"SEX!" /"Aw" kasunod ng mga click ng camera na ikinatawa naming lahat... Dahil nakuhanan ang pagkurot ni lola sa tagiliran ni Karl habang kami ay nakangiti ...sa nga sumunod na larawan pa ay nakatawa kaming nakatingin sa mga ito... Habang pinagahalitan ni lola si Karl...pero ang huling shots ay maayos na at masayang nakangiti ...

Kasunod nito ay pinicturan namin sina mama at mga kapatid nya kasama ang lola for family picture. Patay na kasi ang lolo...Grade 1 palang ako ...matapos ay kaming lahat kasama ang mga manugang ni lola ... Matapos nun ay nagpatuloy na sa paghahanda para sa birthday lunch ni lola... Tumulong kami sa paghihiwa at paggawa ng matamis. Habang ang mga lalaki  ay sa ihawan at pagseset ng inuman nakatoka. Naririnig ko na rin ang malakas na tugtog ng videoke na nirentahan ni tatay... Nagkakantahan na sina Lae, Joy at Eula roon...

"Cla, yung bang nobyo mo ay nasabihan mong dumating ngayon?" Napatingin ako kay lola at nagulat sa tanong nya.

"La, hindi ko pa po sya boyfriend. At... Opo, pupunta ho sya... Dahil nagbilin na din po si mama na pumunta sya dahil pinasabi ho ninyo." Sagot ko at nagpatuloy sa pagtimpla ng coffee jelly.

"Aysus! Bata ito... Hindi pa ba? Akala ko ay kayo na... Mabait sya. At gusto ko para sayo." Anya na ikinapula ko. Hindi na lamang ako sumagot para hindi na humaba ang usapan.

"La... Pakipot pa si Cla... Maria Clara e!" Anang Ate Josefa na ikinahalakhak ng mga tita naming nakarinig maging nina Ji at Mikmik na tulad ko ay tumutulong sa pagluluto.

"Nako! Ate Cla! Boto rin ako sa kanya... Ang generous e!" Sabi ni Ji habang naggagayat ng sibuyas.

"Sus! Ji! Pinasasalubungan lang tayo lagi ng pagkain e boto agad! Nako! Nakakain kasi ng pizza nung huling dalaw ni kuya Al dito!" Buska ni Mikmik kay Ji na agad na ikinasimangot ng isa at nagsimula na silang magasaran.

Tumungo ang lola sa labas para raw bantayan sina Eula, Lae at Joy sa pagkanta... Fan kasi namin yang si lola kahit mga wala sa tono kami kung kumanta...

"Pero, nak... Gusto din namin ang batang yun... Marespeto at talagang mabait. Ipinagpapaalam pa ang panliligaw sayo, amin. " Ani mama.

"Tama ang mama mo, Clara... Kung ibang lalaki iyan ay liligawan ka ng patago... Tapos buntis ka na bago pa malaman na naging kayo... " Ani tita Junnifer, pangalawang bunsong kapatid ni mama...mama nina Ji at Lae... buntis ito ngayon ...

"Atsaka, ang batang iyon ay marunong makisama... Halatang may kaya sa buhay pero hindi mo kakakitaan ng ere. Gusto siya ng mga tito mo... At kahit ng mga pinsan mo... Sa lahat ng ipinakilala ninyong magpipinsan pinsan siya ang pinakanagustuhan ko. " Ani tita Vi , asawa ng panganay na kapatid nina mama na si tito Ton... Mama nina Nik, Mikmik at Joy. Pangalawa kasi mama sa magkakapatid... Sumunod ay si ninang, si Tita Jin, si tita Junnifer at bunso si tito Ric.

Napatingin ako kay ate Josefa na alam kong nasaktan dahil doon sa tinuran ni tita Vi... Natahimik ito at nagiwas ng tingin...

"Nako... Tigilan nyo na nga si Cla... Hayaan nyo ang bata ang magdesisyon... Atsaka, pag-aaral muna ang focus nya dapat. " Ani tita Jin na inayunan ni ninang.

Stavros 5: I Remember the BoyWhere stories live. Discover now