25

590 18 0
                                    

"Hello Alejandro, pasakay na ako sa jeep... Nakabangon ka na ba? You'll be late for work..." Bungad ko rito ng sagutin nya ang phone call ko sa kanya. Routine naming dalawa ito. I have to call him para magising ito. Alas-otso kasi ang pasok nya ako naman ay alas-syete kaya 6am palang umaalis na ako ng bahay.

"Good morning too, ma amour. I'm awake already. Hinihintay ko lang ang tawag mo bago ako maligo. Kumain ka na ba? I hope you are not skipping your breakfast..." Anito sa akin sa seryosong tinig.

"Kuya, bayad po...isang San Lorenzo po." Abot ko ng bayad bago sinagot si Alejandro ."Oo... Kumain na ako ... Ikaw din, magbreakfast ka okay? Kung hindi nakapagprepare diyan sa inyo, magtake out ka ng food mo. Maligo ka na... Malelate ka pa. Text mo ko pag nasa office ka na okay? I love you."

"Yes I will, text me if you're already at school okay? Take care, my Maria Clara. I miss you. Mahal na mahal kita, malalim, umaapaw at higit pa sa pagkatao ko." Buong pagmamahal nitong sabi na nakapagpabilis nghusto ng tibok ng aking puso.

Damn, Alejandro.

Napatingin ako sa mga katabi ko sa jeep. Alam kong pinakikinggan nila ako. Alejandro talaga....
"I-ikaw din, ingat ka sa pagdadrive." And I ended the call. Pilit kong kinakalma ang puso ko. Tsaka ako ng tipa ng mensahe para rito.

To: Alejandro Detumon

Mahal na mahal din kita, Alejandro. Sobra sobra. I miss you too, mon amour. Ingat.

Huminga ako ng malalim at isinilid sa bag ko ang aking phone tsaka inaliw ang sarili sa panonood ng dinaraanan namin . We've been working for almost four months. Alejandro took the board exam last month ako naman ay kakatake ko lamang last Sunday. Kung tama ang tantya ko ay aabot naman ako sa passing score but still there is chances of failing .

Di nagtagal ay nakarating na ako sa SOH... Naglog-in ako at binati si kuya Guard. May mga students na bumati sa akin ng Good morning at dumiretyo na ako sa faculty room. Dinatnan ko roon ang aking mga coteachers na maagang dumating. We greeted each other. Napangiti na lamang ako ng lapitan ako ng mga close kong coteachers kasama na roon si Marcus. Nagexcuse muna ako at chineck ang phone baka may message si Alejandro.

Stavros 5: I Remember the BoyWhere stories live. Discover now