"Pinsan, fiesta ngayon kina Gibson. Iniimbitahan tayo," sabi ni Jeff sa pinsang si Vanessa. "Di ko feel gumala ngayon," sagot niya habang abala sa pagne-net surfing. "May racing, nood tayo," pang-eengganyo pa ni Jeff. Alam kasi nitong mahilig siyang manood ng motocross.
"Ok. Ligo lang ako tapos alis na tayo," sabi niya at iniwanan ang pinsan sa sala. Nagtungo siya sa kwarto niya. May sarili naman siyang banyo doon kaya dun na siya naligo.
After 30 minutes ay ready na siya. Sakay sila ng kotse ni Jeff. "Daanan muna natin si Rosebud," sabi ni Jeff habang nagbibiyahe sila. Di naman malayo ang bahay ng girlfriend ni Jeff mula kina Vanessa. Di nagtagal ay nasa tapat na sila ng bahay ni Rosebud. Bumusina si Jeff at ilang saglit lang ay nasa labas na si Rosebud. Sumakay ito sa front passenger seat. Hinalikan nito sa pisnge ang nobyo at binati naman nito si Vanessa. Tapos pinaandar na uli ni Jeff ang kotse.
After an hour drive ay nakarating na sila sa bahay ni Gibson. It was already 12 o'cklock then kaya marami ng tao. Ipinark na ni Jeff ang kotse sa harap ng bahay ni Gibson at nagsibaba na sila tapos pumasok. Sinalubong sila ng lalaki at iginiya patungo sa garden kung saan may mga pabilog na mga mesa. Di masyadong marami ang tao sa banda doon sapagkat dun ang v.i.p section.
"Enjoy lang kayo rito guys, may aasikasuhin lang muna ako," sabi ni Gibson nang makaupo sila. "Sige pare, wag mo na kaming aalahanin pa," tugon ni Jeff. Tapos iniwan na sila nito. Sila naman ay kumuha ng food sa buffet table.
Nauna kay Vanessa ang dalawang kasama. Naisip niya tuloy na para siyang third wheel ng mga ito. Kukuha sana siya ng chicken cordon blue nang may makasabay siya sa pagkuha ng serving fork. Nagkadikit pa ang mga kamay nila. For the first time, para siyang napaso sa kamay ng lalaki. Agad niyang nabawi ang sariling kamay at awtomatikong napaangat ng tingin. Ganun na lang ang pagkagulat niya nang mapagsino ang nagmamay-ari ng kamay na yun.
Walang iba kundi ang super crush niyang motocross racer na si Jake or popularly known as 'J' in the motocross world.
He gave her a killer smile which makes her feel like melting and she's caught off guard. Buti na lang nakontrol niya ang paglaglag ng panga niya. She's tounge-tied. She doesn't know how to react or what to say. Then she heard him made a fake cough.
"Miss, ganyan na ba talaga ako kagwapo at napatulala ka diyan?" sabi nito na may nakakalokong ngiti. Natauhan naman siya bigla. Umarko ang kilay niya at inirapan ito. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkuha ng pagkain. Napailing na lang si Jake sa ginawa niya.
Habang kumukuha siya ng pagkain ay pinagmamasdan siya ng lalaki kaya naasiwa siya bigla. Pilit niya itong inignora at minadali ang pagkuha ng pagkain. Ang pinsan niya at ang girlfriend nito ay nauna na sa kanya. Kaya mabilisang lakad ang ginawa niya.
"Oh, ba't parang hinahabol ka? Relax Nessa," sabi ni Rosebud sa kany nang makaupo siya sa mesa nila. "Ah...eh...wala," sabi na lang niya dahil di niya alam kung ano ang sasabihin. "Kain na nga lang tayo," sabi ni Jeff.
![](https://img.wattpad.com/cover/20969705-288-k341413.jpg)