"Hi! Vanessa, right?" bati niya sa dalaga nang makapasok ito sa mall. Nakita naman niyang nagulat ang babae pagkakita sa kanya at natulala. Tumikhim siya at natauhan naman si Vanessa.
She showed a smile which makes his heart beats so fast. Para kasi itong anghel dahil sa kagandahang taglay. "J, nice seeing you again."
"Are you busy?" he asked. "No, I'm not. Bakit?" ganting tanong nito. "Pwede ba kitang maimbitahang magmeryenda?" tanong niya na kinakabahan. Baka kasi i-turn down ni Vanessa ang paanyaya niya. But he felt relieved when she smiled again. "Sure!"
Dinala niya ito sa Gelateria, a famous gelato shop here in Tagbilaran City.
Noong una ay nagkakailangan pa sila habang magkatapat na nakaupo sa mesang pandalawahan. Pero di matiis ni Jake na manahimik.
"Ilang taon ka na nga pala?" He just wanna make a conversation with her and he can't think of any topics to talk with so he asked that. "I'm 26, ikaw?" tanong nito. "What do you think?"
Tinitigan naman siya nito na para bang sinusuri siya. "Hmmm... I guess you're 28?" sabi nito. He smirked. "Wrong,"
"Bakit? Ilang taon ka na ba?" tanong nito. "I'm 30. Actually, I'll be turning 31 next month," sagot niya na nagpamangha sa babae. "Really? I never thought that you're in 30's already. Hindi halata," sabi nito. "Talaga? If that's a compliment then, thanks," he flashed his killer smile. Napaiwas naman bigla ng tingin si Vanessa sa kanya pero huli pa rin niya ang bahagyang pamumula ng mukha nito.
"May boyfriend ka na ba?" tanong niya. He silently prayed that she would answer no. "Wala. Ikaw?" Napalunok siya bigla. "Wala din. Naghahanap nga ako. Pwede bang mag-apply diyan sa puso mo," sabi niya. Napatawa naman si Vanessa. "Ang corny but cute naman,"
"So, pwede ba akong manligaw sa'yo?" he's tensed. "Manliligaw lang pala eh, pwedeng pwede. There's no harm naman siguro kung manligaw ka sa'kin," sabi nito na ikinalundag ng puso niya. Gusto nga niyang mapatalon sa tuwa pero pinigil niya ang sarili at baka magmukha pa siyang katawa-tawa sa harap nito. "Thanks," sabi na lang niya. Tapos madami pa silang napagkwentuhan. Mas lalo siyang na-aatract, no, it looks like he has fallen for her already kahit sandali pa lang silang magkakilala ni Vanessa. Ewan niya kung bakit pero that's what he really feels. Parang ayaw na niyang matapos pa ang mga sandaling iyon. Parang ayaw na niyang pakawalan ang babae.
"Nessa," that's her nickname. "Mauna na ako sa'yo ha?" paalam niya. "Sige! Ingat," sabi nito. "Birthday nga pala ng kapatid ko, punta ka ha?" sabi niya. "Hindi ba nakakahiya?" sabi nito. "Sige na, punta ka. Dalhin mo na rin sina Jeff at Rosebud," sabi pa niya. "Ok. Tanong ko sa kanila if free sila that day," sabi nito. "Sige, text me na lang if nag-confirm sila." She nodded. "Sige, alis na ako. Ingat ka ha?" bilin pa niya. "Salamat, ingat ka rin!" Tapos lumabas na siya ng mall.
![](https://img.wattpad.com/cover/20969705-288-k341413.jpg)