CHAPTER 16

7.5K 197 2
                                    

KUMATOK ako ng ilan beses bago bumukas ang pintuan.

"Babe."

"Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit ako sa kaniya. "I just want to say sorry for being asshole to you."

Umiwas siya ng tingin, hinawakan ko siya sa pisngi para tumingin siya sa akin. "Babe, I'm sorry."

Bago pa man makapagsalita si Rancey ay may nagsalita mula sa likod niya.

"Rancey, sino yan?" Tanong ng ginang.

Napatingin ito sa akin. Tinitigan niya ako. "Good Morning, Ma'am."

Tumingin siya kay Rancey. "Siya yung boyfriend mo di ba?"

"Opo mama."

"Papasukin mo at mag-uusap sila mamaya ng papa mo." Sabi nito bago tumalikod.

Niluwagan naman ng pagkakabuhay ni Rancey yung pintuan. Nilapitan ko siya lalo at pasimpleng hinalikan sa labi bago pumasok sa loob ng bahay nila.

***
"IKAW ba ang kasintahan ng anak ko?"

Napatayo ako. "Yes sir." Sagot ko.

"Tatay ang itatawag mo sa akin."

"Sumama ka sa akin, may pupuntahan tayo."

"Magpaalam lang po ako kay Rancey, Tay."

"Huwag na, alam naman din niya nyan. Hindi ka naman dito baka biglang sumagi sa isip ko iligaw pa kita."

"Tay naman."

Tumawa ito pero bumalik din sa seryosong mukha. Weird

"Usapan lalaki nga. Bakit ka lumuwas dito?"

"I–gusto ko lang na mag-usap kami ni Rancey, Tay. Hindi kasi kami ayos."

"Dahil sa ginawa niyong pareho?"

Tumango ako. "Opo, Tay."

"Mga bata nga naman. Pasalamat ka at tanggap kita dahil ikaw ang unang naging kasintahan ng anak ko. Mag-usap kayo mamaya."

"Opo tay. Saan pala tayo pupunta?"

"Sa kabilang bayan, pupuntahan natin ang lola ni Rancey."

"Malayo ba, Tay?"

"Hindi naman masyado."

"Gusto mo po ba na sumakay na lang sa kotse papuntang kabilang bayan?"

Umuling ito. "Huwag na, para maranasan mo na sumakay ng tricycle." Saad nito.

Tumango lang ako. "Tay nga pala, kung pakakasalan ko na si Rancey sa edad namin 'to papayag ka ba?"

"Ang bata niyo pa. Pero Oo, kung aalagaan mo ang anak ko at maghihintay ka bakit naman hindi di ba?"

Napangiti ako. "Salamat, Tay."

"Pero dapat tanungin mo pa din ang anak ko, alam mo na siya lang ang nag-iisang anak ko na babae."

"Opo naman, Tay. I can wait, patiently waiting for my future wife."

"Mabuti naman."

RANCEY
Pagkababa ko hindi ko nakita si Aaren, kahit saan hindi ko siya makita.

Hindi kaya umuwi na?

"Mama, nasaan po si Aaren?"

"Kasama ng papa mo, narinig ko na pupuntahan daw ang lola mo."

"Ganon po ba? Salamat, Ma."

Dalawang oras ang lumipas bago dumating sina Papa na mukhang ang saya nilang pareho.

"Aaren."

"Hi Babe." Namumulang sabi nito.

Napakunot-noo ako ng maamoy ko siya, nang makalapit siya sa akin.

"Nakainom ka?"

Tumango ito. "K–konti lang."

Nanlalambing na yumakap ito sa akin. Tinignan ko si Papa na ngayon ay nakaupo.

"Pa, bakit nama po pinainom niyo to? Hindi naman to umiinom."

"Tinakot ko lang, pag hindi siya tatagay himdi siya tutuntong sa bahay."

Napailing na lang ako at inalalayan si Aaren paakyat papunta sa kuwarto na kinaroroonan niya kasama ang dalawang kapatid ko.

"Babe."

"Hm?"

Ihiniga ko siya sa kama at kinumutan habang nakahawak ito sa braso ko.

"Sorry for everything."

"It's okay. Now take some rest, ilan araw lang ay uuwi na tayo sa manila."

"Kiss mo muna ako."

"Hindi."

"Please?"

"Hindi."

"Please?"

Napabugtong hininga na lang ako at hinalikan siya sa labi, ang kulit.

Humiwalay ako sa kaniya at sinuklay ang buhok niya.

"I love you, Babe."

"I love you too, Aaren."

"Kiss mo nga ulit ako." Paglalambing nito.

"Heh!"

Natawa na lang ito bago pumikit. Tinamaan talaga ang loko

She Was Pretty ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon