V: Follow, Unfollow

66 11 9
                                    

Big deal ba talaga kung ilang tao ang nagfo-follow sa 'tin?

Sa iba oo. Sa iba naman ok lang. Sa iba naman lampake sa followers kung 'di naman nagbabasa ng stories. Sa iba kahit konti lang ang followers basta hindi naman nag-unfollow.

Ako ok lang. I mean maganda nga 'pag marami kang followers kasi mas malaki exposure ng mga works at posts mo.

Why do I follow people?

●Watty friends - sila yung mga nakikilala ko sa wattpad world at mga clubs na lagi kong nakaka-usap at nahihingan ng opinyon. Kadalasan sila rin ang mga unang sumusuporta sa mga updates ko at gano'n din ako sa updates nila.

●LODI! - sila 'yong mga users na di mo na ma-reach ang level at umaabot libo-libo ang followers at isa ka na sa kanila. Lodi eh. Kailangan updated ka sa bawat galaw niya.

●Forced - ito 'yong mga users na kailangan i-follow para makapasok sa org, contest, club. Sila ang mga users na ngayon ko lang talaga nakita ang UN at wala kang idea kung sino sila pero nangangailangan na 'ko at nangngailangan din sila. Kaya follow mo na bes!

●Earned- Sila ang mga users na hindi naman gaanong sikat pero hindi rin ghosts. Sila ang mga taong iisang circle lang ang ginagalawan namin. Like  magkasama sa contest or club or pareho kayo ng mga interest. Then I would check out their profile and hit follow. Kasi they earned my respect and curiosity. Hindi na rin naman ako nagcare kung mag-follow back siya o hindi kasi nga habol ko talaga ang content niya as a person not just another plus 1 in my follower list.

●Kulit - sila ang halos lahat ata ng user sa circle mo binisita na ang profile at nagpost na please follow back!  Kaya naman nagfollow back ka na rin kasi baka sabihan ka ng snob.

●Grateful - sila ang mga user na malaki ang pinapasalamat mo sa kanila. Like sila ang gumawa ng cover mo o nag-critique ng gawa mo o tinulungan ka in some way at you feel like you need to follow them. Not as forced payment but because you genuinely feel greatful.

Kadalasan 'yan ang mga sa following ko. At oo aaminin ko naganyan din siguro ang sa followers ko. May iba na kilala talaga ako at mga malapit na kaibigan ko dito sa watty. May iba naman na napwersa lang magfollow dahil admin ako sa isang org.

Anyway marami rin naman akong unfollowers. Uso 'yan ngayon. Marami nga ang ngumangawa dahil sa kanila.

Anyway ikaw ba sa tingin mo ba't nag-uunfollow ang mga tao?

●Siguro nakuha na nila ang kailangan nila. Natapos na ang pa-contest, nakuha na nila ang reso mo. 'Yon lang ang habol nila bes. At wala silang isang salita. Ang sakit sa heart 'di ba.

●Sila 'yung nag-aasta na too cool for you mudblood! Sila 'yong mga dati mong kasama sa org or dati mong kaibigan sa club or dati mong kabatch sa pa-contest. Tapos nang dumami na ang follow back nila akala nila super VIP na. Aba aba!  Nag-unfollow na bes!  Pero lahat kayo inunfollow na!  Tapos ang tinira niya 'yonh kalevel ni jonaxx, kib, ventrecard, at jf. Na akala naman niya ganun na ang kasabayan niya. Eh 'di pa nga umaabot ng isang libo ang nagbabasa sa gawa niya at dumami lang ang followers dahil mostly dun FORCED pa. Tapos ang lakas ng apog talikuran ang mga tao sa likod ng journey niya. Like luuhhh kinain ka na ng sistema bes? 

● Sila 'yong pinatamaan mo sa isa mong post tapos they felt attacked kaya unfollow na. At gagawa sila ng fake acc para magkalat ng chismis tungkol sayo.

●Nag-unfollow kasi 'di ka na naman active. Matagal ka nawala at well ang kwento at post mo ang habol nila. Hindi ikaw. I mean medyo acceptable ang ganitong reason kasi kahit sino naman ata pwede mag-unfollow kung sa tingin nila ay namatay na ang account mo.

●Tapos na ang commenting task bes. Di ka na niya kailangan i-tag sa mga forms niya kaya naman unfollow ka na. HAHAHAHA

●Wala lang. Sila itong medyo topakin na kapag bored siguro ang nagbobrowse sa following list at nagbabawas ng tao randomly.

I mean wala akong anything against people follow then unfollow me. Hindi naman sila kawalan. Medyo nadidisappoint lang siguro ako minsan na may iba na kapag nakuha na ang kailangan ay magkakalimutan na. Well I can't stop them really. At honestly ako nag-uunfollow din naman ako ng mga tao.

Waaooo right. Pero I only unfollow people because of specific reasons. Ito ang mga reason ko.

●Unfollower ka rin so bahala ka na sa buhay mo. Di ka naman nagbabasa ng mga kwento ko at di rin tayo close. Kinuha mo lang ang kailangan mo at sumibat. Di ka kawalan.

●You post stupid shit on your MB like,  "Wao ang laki ng kulangot ko!" "Kinamot ko ang tenga ng aso ko kanina at inamoy ang kamay ko tangina ang baho pala!" "Hi. Pansinin niyo ako lahat" (mga 30 times a day).  I mean bumati ka na ng good morning at good night isang beses ayos lang 'yon. Magpromote ka at mag-announce ng updates mo ok lang 'yon. Magsabi ka ng damdamin mo at magpatama sa isang acc isa at dalawang beses kaya ko pa basahin 'yan.

Pero beeeeehhh mga 50 siguro ang post mo sa isang araw at puro pa nuisance lang. Hindi ba uso ang twitter at fb diyan sa inyo?

●You've been dead for quite a while at nag come back ka pero ibang acc na. Kaya unfollow muna at dun kita sa kabila ifofollow.

●Katulad ka ng mga feeling cool na kinalimutan na lahat ng undiscovered mortals like me. Akala mo naman peym na peym ka na. 'Di ko kailangan ng ganyan sa acc ko. Akala ko pa naman dati kaibigan kita.

So iyan. Bale ganyan na siya. May iba ba diyan na nakarelate?  Or natamaan?  Hahaha lampake. Kung na follow kita dati at ngayon ay hindi na malamang sa malamang isa ka sa mga namention ko sa taas. Pesensya na po. Pero hindi ako fake. Some ppl may think that I'm harsh or rude even. Well pananaw niyo po iyan. Bahala na kayo. Pero minsan oo aminado ako na harsh ako at no filter.

I won't sugar coat a shit and feed to you making you think that it's cake. I would throw shit right on just as it is.

Actually I'm really a kind person sabi ng iba pero minsan parang 'di ako convinced hahaha. I'm nice and sweet to people I that deserve that side of me. Kaya naman iyon nga sa mga unfollowers diyan geh bahala na kayo hindi niyo naman ikakayaman 'yan. Sa mga na unfollow ko sensya na ayoko po makipagplastikan at magising na may 50 notifs sa watty ko galing sayo. 

Hehe. Kk bye.

~Love,
Dyosa

Dan's Random RantsWhere stories live. Discover now