Chapter 41

13.6K 440 29
                                    


Niyakap ako ni nanay at ng mga kapatid ko.

"Ang ganda ganda mo anak."Umiiyak na sabi ni nanay.

"Syempre mana ako sayo." Sabi ko habang humahagolgol ng iyak.

"Galit pa ba sa akin si tatay.?"

"Hayaan mo yun, Nagtatampo lang yun. Hindi ka rin naman matitiis nun."

"Nay ate mamaya na kayo magkwentohan at namumutla na si kuya Vince sa kahihintay sayo ate."

Pagtingin ko sa unahan nakita kong nagpupunas ng mata si Vince.

Umiiyak din ba sya.

Hinawakan na ko sa siko ni nanay at kinuha ni dex ang isa kong kamay at pinaikot sa braso nya.

Nagsimula ng pumailanlang ang kantang God gave me you at nagsimula na kaming humakbang papunta sa altar kung saan naghihintay ang lalaking pinakamamahal ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig ang mga tuhod ko.

Wala na ngang urungan to.

Magiging Mrs.Muller na ako.

Ng nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad papunta sa altar ay biglang nagkagulo ang mga tao ni vince na nakatayo sa gilid ng topdeck.

Nakita kong may paparating na mga speedboat.

Pagtingin ko kay vince ay may binubulong sa kanya ang daddy nya, biglang nag panic ito."

Inilang hakbang nya lang ang pagitan namin.

Hinapit nya ako sa beywang.

"Fuck baby... dumating si tatay at may dalang malalaking tao bilang re enforcement. We have to make this quick."

At halos kaladkarin nya na ako papunta sa altar.

At dahil sa taas ng heels ng sapatos ko ay halos madapa na ako, bubuhatin nya na lang sana ako ng marinig namin ang boses ng tatay ko mula sa megaphone.

"Muller!... Binabalaan kita pasasabugin ko talaga yang ulo sa pagitan ng hita mo para tuluyan ng hindi tumayo yan oras na itinuloy mo yan binabalak mo ng wala ako. "

Nagkatinginan kami ni Vince.

Tapos sabay din kaming napatingin sa pagitan ng kanyang hita.

"Shit!" Pagmumura nya.

"Lintik ka! Anak ko yan, ako ang may karapatang maghatid nyan sa altar."

Bago pa kami makapag react ay may nagsalita uli.

"At apo ko yan. oababagsakin ko lahat ng negosyo mo Antonio Muller oras na ikanasal yang apo ng wala ko, hindi na nga ako nakadalo sa kasal ng anak ko pati ba naman kasal ng apo ko wala pa ako."

At sino naman yun.?

Pagtingin ko kay nanay umiiyak ito.

Paglingon ko sa kaliwang bahgi ng ship ay nakita kong paakyat si tatay naka barong at sa likuran nya ay isang matandang version ni tatay na naka coat and tie.

"Sino sya.?" Tanong ko kay Vince.

"Francisco Lopez isa sa pinakamayamang tao sa Asia. Mas mayaman pa sa akin at sya lang naman ang lolo mo."

"What.?"

Mabilis ang mga hakbang ni Tatay palapit sa amin, itinago ako ni Vince sa kanyang likuran.

Humarang naman si nanay sa harap ni Vince ganun dun si tito franco at tita vinice.

"Tito Francis... Franco pare hayaan na natin ang mga bata nagmamahalan sila." Sabi ni tito Antonio.

"Kakausapin ko lang ang anak mo bago ako pumayag sa kalokohang ito." Mariing sabi ni tatay.

Binitiwan ako ni Vince at pumunta sya sa unahan sa harap ni tatay.

"Tito Franco, mahal na mahal ko po si Mary Franchesca hayaan nyo po akong patunayan ko yun sa inyo."

"Marami pang pangarap yang anak ko bata pa sya. Kaya wag mo muna yang bubuntisin.!"

Natawa ang ilan sa nga nakarinig sa sinabi ng tatay ko.

Pero si Vince seryoso.

"Kung yan po ang gusto nyo, paguusapan namin ni Chesca."

"Wag na wag mo yang paiiyakin."

"Hindi ko po yan maipaoangako kasi baka madalas syang umiyak sa akin dahil sa kaligayahan. Pero sa sakit napagdaanan nya na po yun at kinaya nya naman."

Nagsalunong ang kilay ng tatay ko

Peri yung ibang naintindihan ang ibig sabihin ni vince ay natawa uli.

"Tito Franco, sa harap mo at sa harap ng mga taong naririto ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para mapaligaya ang anak nyo hindi ko sya sasaktan intensionally, hindi ko maipapangako na magiging perpekto akong asawa para sa kanya pero sisikapin kong maging isang mabuting asawa sa kanya. Mamahalin ko sya ng higit pa sa buhay ko hanggang sa aking huling hininga.”

Nagsimula na naman akong umiyak.

Ano ba ang nagawa kong kabutihan sa mundo para bigyan akong Diyos ng isang lalaking katulad ni Vince.

Humakbanang ako palapit sa kanila tumayo ako sa tabi ni Vince, hinawakan ko ang kamay nya tumingin sya sa akin, may luha sa kanyang mga mata.

Hawak ang aking kamay ay dhan dahan syang lumuhod sa harap ng tatay ko.

“Tito Franco please let me have her, I love her so much, more than my life, just like you I can give up everything just to be with her. Tulad kong papanong iniwan mo ang lahat para lang makasama si tita. Please tito… sabihin mo lang kung ano ang kaiangan kong gawin ipagkatiwala mo lang sya sa akin at gagawin ko.”

Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

Dahan dahan din akong lumuhod katulad nya.
“Tay… patawarin mo po ako kung hindi man ako nakinig sa inyo kung naging matigas man ang ulo ko, mahal na mahal ko po si Vince ikamamatay ko po kung mawawala sya sa akin.”

“Fuck baby… you just make me the happiest man on earth.” Pabulong na sabi ni vince sabay hapit sa beywang ko.

Niyakapa nya ako ng mahigpit at isinubsob sa kanyang dibdib habang kapwa kami naka luhod.

“Tito Franco… pumayag man kayo o hindi I will have Mary Francesca I am ready to fight for her in any way you want. Muller VS Lopez. Oo nga mas mayaman kayo kay sa akin pero alam nyo kung ano ang kaya kong gawin, ikaw na rin ang may sabi kilala mo ako. So now now are you gonna give us your blessing or I will do it my way.?” matapang na sabi ni Vince.

“ Dickhead asshole!” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong pagmumura ni tatay.

Sa buong buhay ko noon ko lang sya narinig na nagmura ng ganun.

“Lets do it again… this time ako ang maghahatid sa anak ko sa altar.” Malakas ang boses na sabi ni tatay.

My Assistant, My Woman 3 Vince Anthony MullerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin