FILWALP -39

1.4K 25 3
                                    

Lycka POV

Nakakainis 😑
Oo totoong nanawala yung cellphone ko at di ko alam kung sino yung kumuha nun , nagulat na lang ako nung nalaman ko na ginamit yung cellphone ko at nagtext kay Patricia kang hindi ko alam .

At nung nawala si Patricia nang isang-araw sobra kami nag-alala lahat lalo na si Kian , buti na lang di pa namin naisipan na tumawag sa Pulis para tulungan kaming maghanap Kay Patricia , Sinubukan muna naming ipagtanung kung meron bang nakakita Kay Patricia nung araw na yun , hanggang sa may lumapit samin na Classmate ni Patricia at sinabi na nagtext nga daw ako at pinapunta ko daw sa Gym .

Kaso pano ko magagawa itext si Patricia kung wala nga saken yung cellphone ko ?
Tsaka di ko naman kailangan itext pa si Patricia pwede ko naman sya kausapin ng personal .

Aytss 😑

Sumasakit yung ulo ko sa kakaisip kung sino ba talaga yung kumuha nung cellphone ko .
Andun pa naman lahat nung contact ko eh , Paano na lang kung tumawag sila Mom at Dad ?
Ayts , ano ba naman yan .

Nakalimutan ko nga pala sabihin ,

Sshhh , wag kayo maingay ah 😉

Andito ako ngayon sa Cr , dami ko kasing satsat eh 😁✌

Maya-maya may mga pumasok na Estudyante , pero parang kilala ko na kung sino yung mga pumasok na to .

Si Ella at ang mga Alipores nya .

Hindi na muna ko gumawa nang ingay para di nila mahalata na may ibang tao dito sa loob ng Cr .

Pinapakinggan ko yung usapan nila at nagulat ako sa mga narinig ko .

Ella - hahaha , Ewan ko lang kung di pa layuan ni Kian si Patricia dahil sa mga ipinakita kung picture sa kanya .

Tanya - ang galing talaga nang mga idea mo Ella , akalain mo yun nag-uumpisa pa lang yung relasyon na meron si Patricia at Kian nakuha muna agad sirain , hahaha .

Lovely - at di lang yun , buti na lang nakuha mo yung cellphone ni Lycka kaya napa punta mo si Patricia sa Gym nang walang kahirap hirap .

Tin - haha haha , tanga den kasi si Lycka eh kung san lang nilalapag yung cellphone niya kaya nakuha agad naten .

So ? Sila pala yung kumuha nang cellphone ko at dahilan kung bat pumunta ng Gym si Patricia .

Ella - enough na girls , successful naman yung Plano , ang kailangan na lang naten antayin eh yung hiwalayan ni Patricia at Kian 😊

Hanggang sa narinig ko na lang yung mga yabag at pagbukas nang pintuan at nawala na sila Ella .

Bwesit na Ella na yun .

Kailangan malaman ni Patricia at Kian to , Kailangan nilang nalaman na si Ella yung may pakana nang lahat nang to .

Dali-dali na kung lumabas nang Cr at kailangan mahanap yung dalawa ..

Hindi ko na hahayaan na may gawin pang iba si Ella kay Patricia , di ko hahayaan na saktan pa nya ulet si Patricia .

Dahil kapag nanyare yun ako na ang makakalaban ni Ella .

Dahil tinuring ko nang parang kapatid si Patricia kaya ganto ako maging protective sa kanya ..




























-seanagabriella-

Falling In Love With A Lesbian Prince (FILWALP)Where stories live. Discover now