KABANATA 16

4.9K 118 6
                                    

KABANATA 16

Madison

"Hindi kapani-paniwala ang mga nangyari. Base sa nakunan ng CCTV camera, halos tumilamsik na ang babae dahil sa lakas ng impact ng sasakyan na bumungo sa kaniya," paliwanag ng pulis habang isinasalaysay ang nangyari sa napanood sa CCTV.

Nag kakagulo sila, dahil walang naniniwala sa mga nakapanood ng CCTV. Anila ay matapos nila itong panoorin ay bigla nalamang daw itong nabura. Kung kaya't wala silang matibay na ebidensya sa tunay na nangyari.

"Isa pa sa nakakapag taka ay wala manlang siyang bali o sugat na natamo. Isang malaking palaisipan iyon. At isa pa kung ganoon ang lakas ng impact, dapat ay nakunan na ang babae. Sapag kakatanda ko ay humarap pa amg babae sa sasakyan, kaya tiyak akong tiyan niya ang napuntira sa lahat."

Yes, I admit. Kataka-taka talaga ang nang yari pero bakit ba nila pinalalaki pa ang gulo? Hindi ba dapat ay maging masaya nalang sila dahil ligtas yung tao at yung pinag bubuntis ni Ella?

Wala sa sariling nag simula akong mag lakad patungo sa kwartong inuukupa ni Ella. Hindi ko pa siya nakikita simula ng mabalitaan ko iyon kaya medyo kinakabahan pa din ako.

Satingin ko naman ay ayos lang siya, base sa mga kwento ng pulis?

Nang maka- rating sa ikalawang palapag ng gusali, mabilis kong tinungo ang kwarto nya. "Ohmayghad!" bulong ko at dali-dali nang lumapit sa kaniya.

Para lamang siyang natutulog ng mahimbing, at parang wala ding nangyaring masama sa kaniya. Wala manlang siyang mga sugat o bali sa katawan kagaya ng mga sinabi ng pulis.

Malaki ang pasasalamat ko, pero nakapag tataka pa din talaga ang nangyari.

"I-I'm sorry," Biglang bumukas ang pinto sa likod ko at iniluwa nito ang isang matangkad na lalake, he's wearing a white longsleeves. Magulo ang buhok at sobrang gwapo!

Shit? Forever ko na ba 'to?

"Ako ang naka bangga sa kaniya," Paliwanag niya habang ako'y na hihipnotismo sa ka-gwapugan nya.

"Is she fine?" Tanong niya at bahagyang sinilip si Ella sa likod ko.

Gago ba siya? Siya kaya bangain ko tapos tatanungin ko kung okay lang sya?! Adik din pala ito eh! Naturingang gwapo tangahin naman.

Kinilatis ko ang bawat sulok ng muka niya. Ang perperkto talaga ng muka! Nag papaderma siguro 'to?

Itim ang mga mata nito, Ilang segundo pa akong napa titig sa kaniya at doon ko napansin ang mabilis na pag babago ng kulay nito ng bumaling sa tiyan ni ella. Mabilis na naging kulay dilaw ang maga niya! Pero tila lamang ako namamalikmata dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.

He smirked.

Otomatikong tumaas ang kanang kilay ko. Nahingi ba talaga siya ng paumanhin? Bakit parang labas naman ata sa ilong niya?

I glared at him.

"I'm so sorry for what happenend. Ako na ang bahala sa lahat ng magagastos at sa mga kakailanganin niya," umamba itong hahawak sa tiyan ni ella kaya mabilis akong lumapit dito.

"Excuse me" sabi ko sabay tabig sa kamay niya. Tila nang aasar ang muka nito nang bumaling sa akin, pero nang kagatin niya ang kaniyang labi ay nag muka ulit itong suplado.

Naalimpungatan si Ella sa kaunting ingay namin nitong lalake. Nag histerikal agad ang gaga!

"Ang anak ko!?" Malat ang boses na tinanong niya sa amin sabay hawak sa kaniyang bilugang tiyan.

"Calm down miss. I am so sorry for what happened. Nag mamadali lang talaga ako at hindi kita agad nakita," nag papaliwanag yung lalake kay Ella, pero okyupado ito sa pag dama sa batang nasa kaniyang sinapulunan.

Unknown

"Walang babalik dito ng hindi dala ang mag ina ko! Or else mamatay kayong lahat!" Sigaw ko sa mga inutil kong tauhan.

Ilang buwan na ako nag hahanap sa kanila. I'm connected with my child, kaya kong malaman kung nasaang lupalop sila mg mundo ngayon. Pero dahil mas konektado ito sa ina, si Ella ang sinusunod niya.

Ella wants to hide. Kaya pati anak ko ay nag tatago din sa akin. Sa tuwing gagamitan ko nv utak ang pakikipag usap at pakikipag konekta sa kanila ay tila may nakaharang na kung ano para magawa ko iyon.

My child is fucking stronger than me!

"I swear, my child is stronger than me. Siya pa lamang amg sumubok sa akin ng ganito! I always get what I want. At ngayon dahil sa kaniya hindi ko makita ang asawa ko!" Inis na tinulak ko ang babasaging vase sa gilid ko.

Pasalampak na umupo ako sa couch ng library.

"Makaka patay ako ng wala sa oras. Get ready Ella once na mag pakita ka sa akin you'll get your fucking punishment!"

I can feel what's happening to them. Kaya kanina pa ako nag wawala dito. Ako ang pinupuntirya sa tuwing may masakit sa kanila. Saakin lahat napupunta.

"Are they okay?" Tanong ko ulit at napa hilamos nalang sa muka ko dahil sa sobrang pag-aalala.

Muka namang maayos sila dahil kung hindi. Dapat kanina ko pa sila nasundan. Kita ko rin sa pulsuhan ko ang tibok ng puso ng anak ko at ni Ella kaya siguradong ayos lang sila.

Ella

Kabuwanan ko na ngayon. Napangiti ako ng makita ang mga gamit na binili ni Ares para sa anak ko.

Si Ares ang lalakeng naka bunggo sa akin dalawang buwan na ang nakalilipas. Nag pupumilit siyang tutulungan niya ako sa lahat kabayaran ng nagawa niya sa akin.

Noong una ay hindi ako pumapayag pero dahil talagang hindi siya papa-awat wala na akong nagawa.

Halos inaaraw-araw na niya ang pag punta dito, tumutulong din siya sa mga kailangan kong gawin, lalo na kapag wala si Madison.

"Food for the pregnant," si Ares sabay abot sa akin ng malaking paper bag. Ngumisi ako. At nakita ang hawak pa niyang pulang rosas.

Sinubukan kong bumangon sa pag kakahiga sa sofa. Hirap na akong gumalaw dahil sa umbok ng aking tiyan kaya tinulungan pa niya akong maka upo.

"Nandito nanaman yan?" Pag tataray ni Madison habang naka ngusong bumaba sa hagdan. Pero imbis na mapahiya si Ares ay natawa lamang ito at iniabot ang mga rosas kay Madison

"Good morning miss taray." Pang aasar ni Ares. Dahilan para mas lalong malukot ang muka ni Madison. Pakipot lang naman 'to pero baliw na baliw naman kay Ares.

At dahil doon, nag simula na namang mag landian ang dalawa, habang ako naman ay abala sa pag lamon ng pagkaing dala ni ares.

"Ssshhhh!! Tama na yan!" Sigaw ko ng mag bangayan naman sila. Abala pa din sa pag kain.

Maya maya pa ay napahawak ako sa tiyan ko ng maramdamang humihilab ito. Kanina ko pa ito pinakikiramdaman dahil panay ang pag hilab pero hindi ko naman masyado pinapansin.

Patuloy na nag babangayan at nag aasaran ang dalawa. Kaya ng mas sumakit ang tiyan ko ay umusok na ang ilong ko sa inis.

"Enough! Mangananak na ata ako!" sigaw ko ng maramdamang may likidong dumaloy na sa pagitan ng hita ko.

"Shit! OMG!" Sigaw ni madyson ng mapa baling siya sa akin. Mabilis naman akong binuhat ni Ares habang si Madison ay kinukuha ang gamit ng baby.

-kimmy-

A/N: baka po malito kayo, kasalukuyan ko po siyang ineedit. Binago ko po yung pangalan ni Quin. Sya na po si Madison, kaya sa mga susunod pong kabanata, kung Quin ang mababasa nyo, hindi pa po iyon edited. 😅 THANK YOU! 😘

THE UNKNOWNS CHILD ✔Where stories live. Discover now