KABANATA 18

5.1K 144 14
                                    

KABANATA 18

Naalimpungatan ako ng maramdamang parang may humihimas sa dibdib ko. I am so sleepy, kung kaya'y wala na akong panahon para isipin sa nangyayari sa paligid ko.

Pero nang maramdaman kong may lumalapa na sa dibdib ko ay napamulat na ako ng mata. Dinedede na ni Hailer ang aking dibdib ng mabungaran ko siya. Kunot na kunot ang noo habang abalang abala sa pag dede.

Kahit antok na antok ay nagawa kong ngumiti at pang gigilan ang mapupula at matambok niyang pisngi.

Gigil nitong isinubsob ang muka sa dibdib ko. Masakit na sya dumede, pero dahil ayaw uminom sa bote ay wala akong nagagawa kundi padedehin siya.

Galit siyang dumedede sa akin. Tila may ginawang kasalanan ang dede ko sa kaniya sa paraan ng pag suso nito.

Ngumuso ako habang pinag mamasdan ang muka niya na walang nakuha sa akin. Madalas ay tinatanong ako kung may lahi ba ang anak ko. Base pa lamang sa kulay ng mga mata nito at sa itsura ay masasabing may lagi nga ito.

Pero dahil wala akong alam kung anong lahi ng ama nito ay ngumingisi nalang ako sa mga nag tatanong. Tuwang tuwa sila sa kulay ng mata ni Hailer. Sino ba namang hindi? Kahit ako ay namamangha sa mga mata nito.

Ano ba kaseng lahi ng ama nito? Ni hindi ko nga alam ang itsura at pangalan nito eh.

Bumalik ako sa reyalidad ng halikan ako ni Hailer sa pisngi. Gulat ako sa ginawa ng anak, pero ng humagikgik ito ay sinimulan ko siyang  kilitiin.

Napuno ng maliliit niyang hagikgik ang buong kwarto. Hanggang sa napag desisyonan kong kumain na ng umagahan.

Matapos mag umagahan at gawin ang mga gawaing bahay, inihanda ko naman ang sarili para mamili ng pagkain namin dito sa bahay. Wala si Madison kaya wala akong choice kundi bitbitin din si Hailer sa pamimili.

Mabilis kaming nakapunta sa super market. Medyo nahirapan pa ako dahil buhat buhat ko lamang si Hailer. He can walk, pero natatakot akong kung ano ang gawin niya kapag ibaba ko siya.

"I want that!" Biglang turo niya sa isang laruan. Nabigla pa ako dahil deretso siyang nag salita.

Seryoso at naka kunot ang noo niya. Bahagya pang nanunulis ang nguso habang nakaturo sa bola.

Wala akong nagawa nang mag pumilit na siyang bumaba sa bisig ko ng hindi ko pag tuunan ng pansin ang sinabi nya.

Kahit medyo hirap pa bumalanse ay patakbo niyang kinuha ang bola. Natakot ako sa ginawa ng anak. He can walk, pero hindi yung lakad na sunod sunod.

"Hailer!" Mahinang tawag ko dito at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan niya. Gulat ako sa pag takbo niya, pero isinantabi ko muna iyon.

Hindi ordinaryong tao ang anak ko.

Ayan ang katagang tumatak sa utak ko habang kinakarga si Hailer kasama ang bolang hawak hawak niya.

"Let's buy this mama! Let's buy this!" Masigla niyang sigaw habang yapos yapos ang bola. Tumango ako at minadali na ang pamimili.

Okyupadong-okyupado na so Hailer sa bolang hawak niya kung kaya't inilagay ko na siya sa upuan ng bata sa cart. "Mama," Tawag niya sa akin at may itinurong tsokolate sa gilid habang nanunulis muli ang nguso.

Tumango ako at kinuha iyon. Baka mag tantrums pa ito dito, napaka-hirap patigilin si Hailer sa pag tatantrums.

Nang matapos mamili, dumaan na din muna kami sa pharmacy para sa vitamins ni Hailer. He was so busy with ball, kaya sinulit ko iyon para maka-bili mg vitamins.

"250 po," sambit nung babae kaya sandali kong binitawan ang kamay ni Hailer para bumunot ng pera sa wallet ko.

"Mama ball!" Sigaw ni hailer ng tumalsik ang bolang pinag lalaruan niya sa may kalsada. Nag madali na akong ibigay sa babae ang bayad pero huli na ang lahat.

Mabilis na naka takbo si hailer para pulutin ang bola "shit!" Sigaw ko at tinakbo na ang distansya naming dalawa.

"Hailer!" Sigaw ko at mabilis siyang kinarga. Mabilis ang sasakyang paparating pero agad naman itong naka preno, ilang dangkal ang layo sa amin.

I glared at the black car in front of me. Itim na itim ito, at sobrang tinted din ng mga salamin kaya halos hindi na makita ang nag mamaneho noon.

"You okay baby?" Masuyong tanong ko kag Hailer. Nag susumiksik ang ulo nito sa leeg ko ng marinig ko ang kaniyang mahihinang pag hikbi. Marahil nabigla sa biglan kong pag buhat dito. He nodded and hugged me tighter.

"Ssshhh" pag papatahan ko sa kaniya at hinagod pa ang likod niya bago tumawid kung nasaan ang mga pinamili kong naiwan.

Narinig ko ang pag bukas, sara noong kotse kaya mabilis ko iyong nilingon. Mabilis na nag tama ang aming mga mata, pero isa ang sigurado ako. Tila ako nahihipnotismo noon kaya mabilis akong nag iwas ng tingin dito.

He looks familiar, tila nakita ko na noon ngunit hindi ko matukoy kung saan at kailan ko nakita. I was about to leave but the man wearing a dark blue longsleeves, rolled up to his forearm grabbed my wrist.

Halatang kagagaling lang nito sa trabaho. He has a brown hair, matangos na ilong, moreno, at mapupungaw ang mata. Ay ano ba yan? Bat ko pa pinupuna!

His jaw clenched. Kaya napa tingin ako doon hanggang sa mapadako ang mata ko sa manipis, at mapupula niyang labi.

Ngumiwi ako sa sakit ng humigpit ang hawak nito sa pala pulsuhan ko. "Teka, aray! Ang sakit! Ano ba?!" Sigaw ko dito bago hinaklit ang aking pulso.

Mahigpit na yunakap sa akin si hailer at mas lalo pa niyang isinisiksik ang ulo sa leeg ko. Nabigla ako ng ang lalaking may hawak sa pulso ko ay inisang kamay ang mga pinimili ko at kaladkarin ako kasama si Hailer patungo sa sasakyan niya.

"S-sandali!" Poprotesta ko at pilit paring binabawi ang pulsuhan ko. Masyado siyang malakas, sobrang tangkad din niya at malaki ang pangangatawan. Kahit natatakluban ng damit ay masasabi kong makisig na tao ang nasa harapan ko. kaya kahit anong hila ko sa pulso ko ay mas lalo lamang iyon humihigpit.

Wala na akong nagawa ng sapilitan na niya kaming ipinasok sa loob ng sasakyan nya. Idagdag pa na buhat ko si Hailer kaya mas lalo akong hindi nakapanlaban.

Sumalubong sa pang amoy ko ang mabangong amoy ng pabango ng lalaki sa pag pasok na pagpasok namin sa sasakyan. The smell is so familiar, naamoy ko na ito dati.

"Mama," bulong ni Hailer habang kinukusot ang mata na napuno ng luha kanina. Naka upo siya paharap sa kandungan ko. Nang marinig nito ang pag bukas ng pinto ng Driver seat, isiniksik nito ang ulo sa leeg ko kaya hinagod hagod ko ang likod niya.

Pang patulog niya talaga ito lalo na kapag may pagkakataon pumasok na ang lalaki sa loob ng sasakyan at mabilis na nag lagay ng seat belt. Ng mapansing hindi ko na isuot yung akin dahil nasa kandungan ko nga si Hailer ay siya na ang nag lagay nito samin.

Nag katinginan pa kami sandali kaya mas lalo kong nakita ng malapitan ang kulay ng mga mata niya. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan ng maayos na kami.

Parang kilala ko na kung sino ang taong ito. Dahil sa kyuryosidad para masiguro ang hinala ko, tinignan ko ang isang bagay na naaalala ko sa taong iyon at ganoon nalamang ang panlalaki ng mata ko ng makita iyon!

This cant be!

-kimmy-

THE UNKNOWNS CHILD ✔Where stories live. Discover now