Chapter 32- Si Voucher

12.6K 390 52
                                    

London

Maghapon kaming nag-jamming at nagkulitan. Mukhang okay na ang mood ni Jolens. Nakikipagbiruan na rin siya. Daig pa namin ang naka-inom ng Red Bull sa kulit.

Kaya ngayon, nasa Greenbelt kami. Kasama na namin si Chase. Kumpleto kaming magtropa. At hindi kami makapaniwala na nandito kaming apat nila Ralph, Jaxx, Chase at ako sa Victoria Secret para hintayin silang mamili ng underwear ni Jolens.

"Kapag ako namukhaan ng media, sinasabi ko sa inyo." Banta ni Jaxx na nakashades at cap. 

"Sanay ka naman sa chismis." Sagot ni Ralph sa kanya.

"Jolens... ito maganda. Ano ang size mo?" Itinaas ni Summer ang dalawang pair ng bra. 

Hinahanap ni Jolens ang tag price. 

"Huwag kang maghanap ng tag price. May voucher ako." Sabi ni Violet. 

"Ma'am hindi po kami tumatang..." Sasabat sana ang sales lady pero tinitigan ni Summer kaya hindi na kumibo.

Napa-iling na lang si Chase sa asawa.

"We will call you when we need assistance." Sabi ni Summer. 

Dumistansya ang Sales Lady sa grupo nila.

"Sungit ni buntis." Sabi ko kay Chase. 

Napuno ang basket ni Jolens kakalagay nila ng mga underwear... Ngayon, ano ang gagawin ko sa imagination ko na ito ng underwear niya? Kapitan...matagl-tagal ka pang maghihintay!

When they finished torturing me sa mga underwear na pinili nila, sinimplehan ni Sakura si Jolens. 

"Jols, samahan mo ako sa toilet." Sabi ni Sakura. 

"Sama ako. Hirap ng buntis laging naiihi." Inakay na si Jolens ni Sakura at Summer kaya wala na siyang nagawa.

"Ahhh... hindi niya alam na ikaw ang magbabayad?" Tanong ni Jaxx sa akin na mukhang amuse na amuse. 

"May voucher ako na pwedeng ipanglibre kay Jolens." Sabat ni Violet sabay turo sa credit cards ko. Kumuha ng isa at binigay sa cashier. 

"Para-paraan talaga." Sabi ni Chase sabay fist bump.

Sumunod naming niraid ang Levi's dahil mukhang ito talaga ang brand niya. Again, nakaupo na naman kaming apat at naghihintay sa kanila. 

"Meron ba kayong pangbuntis?" Tanong ni Summer. 

"Wala po Ma'am." Sagot ng Sales Lady. 

"Bakit hindi pa kayo magsara?" Sarcastic na tanong ni Summer.

Natawa kaming tatlo lalo na nung mayuko si Chase at nailing na lang. 

"Hon... huwag ka namang magsungit." Chase warned his wife. 

"Wala na akong damit eh. Sila nakakapag-jeans, ako hindi." Reklamo ni Summer.
Nagdadabog na umupo si Summer sa tabi ni Chase.

"Cute ka naman sa mga dress. Tingnan mo ang dress mo ngayon, para kang garden. Daming flowers." Pinapangiti ko si Summer, akalain mong mas lalong nagalit. 

"Ok na ang bouquet sa akin pero garden talaga? Ha? Ganoon ako kalaki? Kasing laki ng garden?"

Hinampas ako nito sa braso. Wala na akong sinabing tama sa kanya.

"Psssttt...Voucher." Tawag ni Violet. Nakapila na pala sila sa cashier. 

"Kala ko may Voucher ka?" Tanong ni Jolens kay V. 

"Meron nga." Sagot nito.

"Sir, lahat po ng sa kanila?" Tanong ni cashier sa akin.

Lahat sila may binili maliban kay Summer na walang kasya. Napanganga si Jolens ng binigay ko ang card ko. 

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now