CHAPTER 38: Preparation

193K 4.1K 245
                                    

Kiss Back and You're Mine is available in Shopee and Lazada for php. 160 ONLY.

What are you waiting for? Add to cart na and check it out!

Please visit Psicom Publishing Inc. shop.

Thank you so much for your unending support!

-------------

Tristan's POV

"SUS 'YAN ba ang magaling?" narinig kong sabi ni Elvin. Nandito kami ngayon sa Jaguars quarter pinapanuod namin ang huling laro ng Adaipmil University. Pinag-aaralan namin ang bawat kilos nila.

"Mas magaling pa akong shooter dyan e." pagmamayabang naman ni Jason, aba nagmamayabang na din ang gago, palibhasa inspirado.

"Palagay ko ngayon pa lang talo na sila, pagwapuhan pa lang wala na silang gawa e, di ba?" sabi naman ni Johnny sabay, apir pa kay Joel. Tapos sabay silang tumawa.

Napapangiti na lang ako sa kayabangan ng mga gago.

Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa flat screen TV. Di maipagkakaila ang husay ng Adaipmil University sa larangan ng basketball. Halos sa number na lang namin sila tinatandaan dahil puro Adaipmil ang apelyido ng mga players, ilan ba ang pinsan ni Hannah? Puro lalaki lang ba mga pinsan nya?

Nalaman namin na wala pang talo kahit isa ang Eagles, kami din naman, sa nakikita ko ngayon sa laro nila palagay ko mahihirapan kami. Dahil bawat kilos ng mga paa nila pinag-iisipan nilang mabuti, pati na rin ang dribble technique, same with their passing the ball.

"Hoy Turner, laway mo tumutulo wag mo masyado pagnasaan ang players ng Eagles aba!?" maya maya ay.narinig kong sabi ni Xevier.

"Bwahaha oo nga Turner sinong crush mo sa kanila? Ang lagkit mo kasi makatingin e hahaha" dagdag pa ni Miller. Aba't mga gago 'to ah!

"Bakit Montereal at Miller selos kayo? 'Yaan nyo sa inyo lang ang katawan ko kaya wag na kayong magselos sa Eagles kung tingnan ko man sila ng malagkit" pang-asar ko din at nginisian sila.

"Bwahaha wengya may di ba kami alam sa inyong tatlo?" tanong ni Howard.

"Tang*na Turner, kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo!" asar na sabi ni Xevier.

"Gago ka Turner, sarap mong ibaon ng buhay" sabi naman ni Miller.

Nagtawanan kaming lahat maliban kay Xevier at Miller, pikon na pikon ang mukha ng dalawang gago hahaha.

"Enough assholes!" maya maya ay narinig naming sabi ni captain, mabilis pa sa alas kwatro na tumikom ang bibig ng lahat. At binalik na ulit ang tingin sa malaking tv na nasa harap namin.

Si Zachary Adaipmil ang team captain ng Eagles, medyo serious type of person din sya. Tss.

"Ok Jaguars listen up!" sabi ni coach at tumayo sa unahan naming lahat tapos na ang pinapanuod namin.

"We all seen, how the eagles play a game, smooth and clean at kapansin.pansin ang husay ng bawat isa sa kanila alam ko na walang dahilan para kabahan kayo dahil alam nyo na sa sarili nyo na magaling kayo, we will make sure and prepare more that we may be able to win against them, are you ready?"sabi pa nya.

"Ito na ang hinihintay ko, magandang laban! " sabi ni Anthony.

"Sigurado ako mag-e-enjoy tayo sa game na 'to!" sabi naman ni Xevier.

"Okay so I'll give you 30 minutes to prepare and let's proceed to the gym." anunsyo ni Coach.

"Yes coach!" sagot naming lahat. At sabay sabay na kaming nagsitayuan at naghanda.

Kiss Back And You're Mine (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon