CHAPTER 65: This is Not the END

208K 3.9K 496
                                    

Joel's POV

"WENGYA, wala na bang ibibilis itong elevator na 'to?" reklamo ni Howard habang nakahawak sa tiyan nya. Kakauwi lang namin galing sa bahay nina Captain, di ko pa ba nasasabi sa inyo na nasa isang condominium building lang lahat kaming Jaguars, halos magkaka-dikit lang ang condo unit namin, sa isang buong floor kami lang Jaguars ang nag-o-occupied. Pag-aari ni Dela Cruz itong buong building, nasa real estate ang business ng gago.

Tiningnan ko ang ibang jaguars, halos lahat sila pinagpapawisan na ng malamig, sa pagpipigil, taeng tae na kasi ang mga 'yan, di kasi nila natanggihan yung pinakain sa kanila ni Hannah kanina.

FLASHBACK

KATATAPOS lang i-anounce nina Captain ang balita na buntis si Hannah, nandito pa rin kami sa living room.

"Kainis yung mga taong, nalulunod sa dagat o sa pool, tapos ang lakas sumigaw ng di ako marunong lumangoy! Di ako marunong lumangoy! Badtrip" napatingin kami kay Howard.

"Bakit tol?" tanong ko, mukha kasing asar na asar sya.

"Ako nga, di marunong mag-piano, sinisigaw ko ba?" sagot ni Howard

Napa-face palm na lang kami, suko na kami sa taong 'yan..

Magsasalita pa sana ulit si Howard kaya lang, pumasok na sa eksena ang mga girls, may dala silang avocado na nasa baso na.

"Pinapabigay ni Hannah." sabi ni Greshel. Bigla akong natakam dahil sa amoy no'n.

"Gusto ko kumain ng avocado pero mas gusto kong makita na kayo ang kumakain." sabi ni Hannah at naupo sa tabi ni Captain.

"Wow! Avocado, sana lagi ka na lang naglilihi Hannah para laging umuulan ng pagkain." Sabik na sabi Howard.

Binigyan kami ng mga girls ng kanya kanyang baso na may laman na avocado. Pero laking gulat ko ng makita kung ano pa ang kasama ng avocado na nasa baso.

Wengya, naka-move on na nga ako sa champorado na may kalamansi, pero heto na naman ang nakakasukang itsura ng pagkain, may ketchup, pamintang durog, asukal na pula at halimuyak ng patis.

Halatang pinipigilan lang ng mga babae ang tawa nila.

Tiningnan ko ang Jaguars, tangina, nilalantakan na nila yung nakakasukang itsura ng avocado. Parang naduduwal ako habang pinapanuod ko sila.

Napatingin ako kay Captain, ang sama ng tingin nya, kaya naman pala nilantakan agad ng Jaguars, wala akong nagawa kundi ang maluha luhang kainin din yun.

"pffftt hahahaha" lakas makatawa ng babae ni Turner at Dela Cruz.

"Ang sarap, meron pa ba? Punong puno ang bibig ni Howard." inabot ko sa kanya yung hawak ko. Kinuha naman nya yun, ako ang sinasamaan ng lasa sa nakikita ko langya.

END OF FLASHBACK

"Lalabas na tungunu!" impit na sigaw ni Gibson.

"Babe okay ka lang?" di na matanong ng ayos ni Greshel si Dela Cruz. Umakbay lang si Dela Cruz sa kanya.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator kumaripas agad ng takbo palabas ang Jaguars.

Nadaanan ko pa si Fisher, di magkaintindihan sa pagpapasok ng susi.

"Ano brad? Kaya pa?" pang aasar ko.

"Poooooot!" isang malakas na utot lang ang sinagot nya sa'kin.

"Katakawan nyo!" sabi ko na lang at tumuloy na sa sarili kong unit.

"Fvck!" napamura ako ng bigla na lang padarag na pumasok si Freeman sa unit ko, at dahil nagmamadali sya, bumangga ako sa pader.

Kiss Back And You're Mine (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now