II • CHAPTER FOURTEEN • II

25.6K 783 24
                                    

Anya's POV

Inihatid lang ako ni Dale sa apartment niya tapos ay umalis din. May kailangan lang daw siyang i-meet na client dahil may pinapa - revise na web content. Ewan ko kung ano naman 'yun.

I also received a text from Emma na nagawa na rin daw niya ang request ko. Napangiti pa ako ng makita kong may picture pa ang mag - amang tinulungan ko na nakasakay sa bus pauwi sa probinsiya nila.

Ang sarap ng feeling. Ang sarap tumulong.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon. Sino kaya? Napairap ako ng maisip kong baka 'yung Angel na naman na syota nitong si Dale. Napangiwi ako. Hindi man lang marunong pumili ng maganda. Seksi lang siya 'no. Nakakapag - suot lang siya ng shorts na labas ang singit pero mas maganda ako sa kanya.

Wait. Did I just compare myself to that ugly bitch? Ewww. No. I won't compare myself to her. Ever. Saka excuse me. Wala akong pakielam kahit na mukha pang alien ang mga babae nitong si Dale.

Para akong tanga na nakikipagtalo sa sarili ko ng buksan ko ang pinto. Pero hindi si Angel ang naroon. Isang lalaki ang nabungaran ko. Hunky. Guwapo. He is smiling at me and he is holding a small basket of assorted chocolates.

"Hi. I am Nikko. Nikko Ovedo. Bagong tenant ako sa kabila," at itinuro niya ang pinto na katabi ng apartment ni Dale. "I just want to introduce myself to my co - tenants and make some friends," nakangiting sabi niya sabay abot ng basket sa akin.

Hindi agad ako nakasagot. Ang guwapo kasi niya. Ang ganda ng ngiti. Pantay - pantay ang ngipin. His boy next door look is really mesmerizing. Bumagay pa ang suot niyang eyeglasses. Lalo siyang nagmukhang hot.

"I - I'm Anya." Shocks! Ano ba? Kinakabahan naman ako. Ang cute niya kasi.

Nagulat ako ng kuhanin niya ang kamay ko at nakipag - shake hands.

"It is so nice to meet you, Anya. Tama nga ang balita ko. May maganda nga daw na nakatira sa unit na 'to," hindi maalis ang ngiti sa labi niya.

I know I am blushing and I want to pull my own hair para matigil ang kaartehan ko.

"I'll be having a house warming later. I hope you could join me and my friends."

"Talaga? Sige. I'll try. Thanks for this, Nikko." Sabi ko at ipinakita ko ang ibinigay niyang basket of chocolates.

"See you later," at kumaway pa siya sa akin bago tuluyang umalis.

Kulang na lang ay magtitili ako habang paalis siya. He is so cute! So hot! Kailangang pumunta ako mamaya.

Kinuha ko ang phone ko at idinayal ko ang number ni Emma.

"Guess what?" Bungad ko sa kanya.

"What?" Balik - tanong niya.

"The new tenant is hot! His name is Nikko Ovedo. I am searching his facebook na," sabi ko habang sini - search ko ang fb account ng lalaki.

"Mas hot pa kay papa Dale?" Sabi pa ni Emma.

"Talagang may pagnanasa ka dito sa pinsan mo 'no? Ano ka ba? Well, magkaiba sila, eh.
Guwapo si Dale. Mysterious. Alam mo 'yun. Medyo dark. But Nikko, he is hot. Ang cute. He looks like a commercial model. Mukhang approachable. Magaang ang dating.  Mga ganoon," paliwanag ko.

"Well, cutie nga siya, ha? And mukhang rich boy. Pero bakit diyan nag - apartment? Walang condo?"

"'Wag ka ngang ano diyan. Malay mo katulad ko lang din siya. He just want to try different things. Look, o? Galing lang siya ng Amsterdam last week." Isa - isa kong bina - browse ang pictures ni Nikko.

Wicked Escape (COMPLETED)Where stories live. Discover now