3. MYSTERIOUS GIRL WITH TREMENDOUS EYES

1.8K 62 8
                                    

REBEKAH’s POV

Hinugasan muna namin ang sugat niya bago ginamot at nilagyan ng bendahe. “Masakit pa rin ba?” Tumango siya. Pansin kong kanina pa siya hindi nagsasalita ang tanging sagot niya lamang sakin ay ang pagtango o pag-iling.

“Gusto mong magpahinga?” Pinag-isipan niya muna bago tumango. “Asan ba dito ang kwarto mo?” Nag-isip uli siya. “Malayo ba?” Tumango siya. “O sige, ituro mo ang daan at aalalayan kita sa paglalakad.” Umiling-iling siya at tumayo mag-isa. Tiningnan ko lang siya habang paika-ikang naglakad palayo sakin.

Binuksan niya ang pinto at lumabas. Isasara niya na ito ng bigla siyang nawalan ng balanse mabuti na lamang mabilis siyang nakahawak sa isang lamesa sa labas. Tumakbo ako palapit sa kanya para tulungan siya ngunit winakli niya ako.

Nilingon niya ako at nagkabangga uli ang mga tingin namin. 'Nakakatikom ng bibig ang kulay ng mata niya.' Umiling-iling siya. Tumango ako pero di siguradong susundin ang gusto niya. Sinubukan niyang tumayo uli ng tuwid. Naglakad ng ilang hakbang bago tuluyang matumba *ULI*. ‘Ang lampa. Naku, kung hindi ka lang maganda at ganyan ang katawan pagkakamalan talaga kitang pulubi na palaboy-laboy sa daan.’

Walang salita akong lumapit sa kanya inabot ang kamay at ipinatong sa balikat. Sinubukan niyang tanggalin ang pagkakahawak ko ngunit hinigpitan ko ito. Tiningnan ko siya at ganon rin siya sakin. “Sabi kasing magpatulong, nagmamagaling!” Galit na saad.

“Saan banda ang kwarto mo!” Padabog na tanong. Tinaasan niya ako ng kilay, nginiwi ko lang ang ulo ko. Bumigay na siya at tinuro na lamang ang daan imbes na makipag talo. ‘Hindi lang pala siya maganda, matalino rin.’ Pagpupuri sa kanya.

Di naman ganon kalayo ang nalakad namin ng ituro niya na ang kwarto niya. Malapit na kami ng mapansin kong parang mawawalan siya ng malay. ‘Kapag nagpatuloy itong pagpilit niya sa sarili na maglakad ay mawawalan talaga siya ng malay. Isip ng paraan Rebekah!’

Tinanggal ko ang kamay niya na nakapalibot sa balikat ko at pumwesto sa harap niya sabay baluktot ng tuhod. “Aba.” Utos ko. “Pfft.” Umiling-iling siya at naglakad mag-isa. ‘Ayaw mo hah?’ Dali kung ipwenesto ang kaliwang kamay sa likod niya at ang kanang kamay sa ilalim ng tuhod niya at binuhat.

THIRD PERSON’s POV

Tiningnan ni Rebekah ang babae ng may galit sa pagmumukha. Sinubukang mag reklamo nong babae kaso napatigil siya ng maramdaman ang pagkirot ng ulo. “Sumasakit ulo mo? Pasaway ka kasi eh, pinipilit mong maging matatatag kahit na alam mong bibigay kana.” Sermon nito.

Hindi na naisipang magsalita ng babae dahil alam niyang tama ang sinabi nito sa kanya. Nagtiwala na lamang siya dito. Ipinaghawak niya ang dalawang kamay sa likod ng leeg ni Rebekah para kahit papano masiguradong hindi siya mababagsak kapag nabitawan.

Dahil sa kunting hilo na nararamdaman ay ibinaon niya ang ulo sa balikat ni Rebekah. “Thanks.” Hindi alam ni Rebekah kung anong sinabi nito at masyado ring mahina para marinig niya ngunit napangiti siya sa di maipaliwanag na dahilan. Iniisip niyang ‘Siguro dahil iyon ang unang beses na narinig niyang nagsalita ito.’

SA KABILANG BANDA…

“Rebakah, asan kana ba!?” Nag-aalalang sigaw ni Paullo na patuloy parin sa paghahanap. Iniisip niyang ‘Baka kasalanan niyang nabagot si Rebekah at umalis. Na kung sana hindi niya iniwan sa labas ng mag-isa ay magkasama parin sila  ngayon at napakilala nya na sana sa Tito niya.’

“Miss Herma may nakita po ba kayong babaeng ganito ang tangkad at mga 17-20 po ang edad niya?” Tanong sa bawat nakakasalubong na tauhan ng palasyo. Ngunit laging walang alam ang mga ito.

MY WORSE LOVELY NIGHTMAREWhere stories live. Discover now