Chapter 32

11.1K 226 1
                                    

My Fake Wife
By: CatchMe

Chapter 32

​"GOOD afternoon Ma'am," magalang na bati ni James. Yumuko lamang siya at nginitian ito. "Sandali po, Ma'am," pigil pa nito nang akma niyang hawakan ang doorknob ng private office ng binata.

​"Bakit? Wala ba dito ang boss mo?" lingon niya sa hindi mapakaling binata.

​"Nan'dyan po, Ma'am. Kaya lang po ay may bisita si Sir."

​"Okay lang, gusto ko lang siya makita at mag be-behave naman ako sa loob," biro pa niya rito at tuluyan nang binuksan ang pintuan.

​Ngunit bigla siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan sa nadatnang eksena. Kaya pala at hindi nakauwi ang peke niyang asawa dahil busy ito sa kahalikan nitong babae. At hindi na iginalang ang opisina nito at doon pa gumawa ng milagro!

"Wow! What a pleasant surprise!" aniya nang makabawi at pinilit na huwag bumasag ang kanyang boses.

​"Izabelle!" bahagyang naitulak ni Carmilo ang kahalikang babae at napatayo ito nang makita siya.

​"Babe.."

​"France, I'm sorry but-"

​"France?" ulit niyang pinaglipat ang paningin sa dalawa.

She's France? France Maristel, his ex-fiancèe! sigaw ng kanyang utak.

At ito rin ang babaeng kasama ng binata na nakita niya sa restaurant ng hotel. Bakit hindi ito sinabi ng binata sa kanya? Bigla siyang sinalakay ng takot sa maaring mangyari. Paano kong babawiin na nito ang binata? Paano siya?

​"Izabelle, I can explain-" si Carmilo na halata sa mukha ang pagkalito.

​"Who is she?" agaw niyang pilit pinipigilan ang pagbulwak ng kanyang luha. Kahit alam na niyang ito ang babaeng papakasalan sana nito noon.

​"Izabelle..." napabuntong-hiningang sambit nito nang yumakap dito ang katabi nitong babae.

​Mas lalo siyang nasaktan sa nakita. Ni hindi man lang umiwas ang binata mula rito. "Is she's y-your f-fiancèe Carmilo?"

Hindi na niya napigilan ang paggaralgal ng kanyang boses nang tanungin ito. Dahil pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay sinaksak ang puso niya ng pinong-pino.

​"Izabelle, how did you know that?" pabiglang tanong nito.

​"Just answer me, dammit!"

​"Y-yes.." napabuntong hiningang sagot nito.

​Mabilis siyang napatakip sa kanyang bibig nang tila bombang sumabog sa kanyang tainga ang sagot nito. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Mabilis siyang tumalikod sa mga ito at agad na binuksan muli ang pintuan 'tsaka patakbong lumabas ng opisina.

"IZABELLE, wait!"

Mabilis na sinundan ni Carmilo ang kakalabas lang na dalaga. Pinagtitinginan na sila ng kanyang mga staffs nang may kalakasan niyang tinawag ang pangalan nito.

Ngunit hindi na niya ininda iyon. Kailangan niyang makausap si Izabelle. Kailangan niyang magpaliwanag!

Shit! What I've done?

"Izabelle!" muling tawag niya rito ng tuluyan na itong nakapasok sa elevator at hindi na niya ito naabutan.

Kaya marahas siyang napahampas sa kakasara lang na elevator. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang bumukas ang elevator sa kabila. At agad din siyang pumasok doon at pinindot ang lower ground button.

WALANG pakialam si Izabelle kung pinagtitinginan man siya ng lahat dahil puno ng luha ang kanyang mukha nang lumabas ng elevator. Agad niyang tinungo ang exit door ng hotel ng biglang may humawak sa kanyang braso.

​"Izabelle, please. Let's talk," si Carmilo na bakas sa mukha ang pag-alala. Ngunit isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nito.

​Nanlaki ang mga mata ng lahat na nakatunghay sa kanila dahil sa pagsampal niyang iyon kay Carmilo. Sabay-sabay pang napa-oh ang iba dahil sa pananampal niya sa presidente ng hotel.

​"Hanggang kailan mo itatago ang katotohanan Carmilo? Hanggang kailan mo ako lolokohin at gagawing tanga?" lumuluhang tanong niya. "Hanggang sa magsawa ka na sa akin 'tsaka mo ako itatapon na parang basura? Iyon ba ang gusto mo? Ha? Iyon ba ang gusto mo?"

​"Izabelle, I'm sorry. I didn't mean to hide this to you. In fact, sasabihin ko na sana sa'yo ang tungkol kay-"

​"Enough, Carmilo!" putol niyang mas lalong napaiyak. "Hindi mo naman kailangang magsinungaling sa akin eh. Kasi sa umpisa pa lang alam ko naman ang estado natin sa isa't isa. Sana.. sinabi mo nalang sa akin ang katotohan para alam ko. Hindi 'yung pinagmumukha mo akong tanga!"

​"Izabelle, no. I suppose to tell you the truth but-"

​"Don't try to explain anything, 'cause I don't want to hear it, Carmilo. Kung gusto mong bumalik sa fiancée mo, then go. Hindi ko hahadlangan ang inyong kaligayahan," aniyang patuloy sa pag-agos ang kanyang luha.

​"Izabelle-"

​"Don't touch me!" piksi niyang napaatras dito.

​"Pinoproblema mo ba na baka lalabas kang masama sa mata ng mga empleyado mo pag bumalik ka sa fiancée mo? Dahil akala nila ay totoong asawa mo ako? Huwag kang mag-alala, Carmilo. Lilinisin ko ang pangalan mo."

​"Izabelle, stop it! Please, I love you, pag-usapan natin ito."

​Napailing lamang siya at humarap sa lahat. Ni hindi na nga niya namalayang maraming tao na pala sa paligid ang nakatunghay sa kanila.

Marahas niyang pinunasan ang kanyang luha at lakas loob na nagsalita. "Gusto kong ipaalam sa inyong lahat---"

​"Izabelle!" matigas ang boses na pigil nito at hinawakan siya sa braso.

​"I told you, don't touch me!" piksi niyang muli at ibinalik ang paningin sa lahat. "Gusto kong sabihin sa inyong lahat, that I'm his fake wife!" malakas na sambit niyang nilingon ang binata. Napapikit ito at napahilamos sa mukha gamit ang palad nito.

​Mas lalo namang lumakas ang bulong-bulongan ng lahat na hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

​"Oo! Tama ang narinig ninyo, hindi kami mag-asawa ng inyong presidente. At wala siyang kasalanan sa kumakalat na rumors noon! Ako!" turo niya sa sariling pinunasan muli ang luha. "Ako ang pasimuno ng lahat nang ito. Ako ang may kasalanan at idinamay ko lang ang inyong presidente. Sana huwag sumama ang tingin niyo sa kanya, dahil isa siyang inosente at nabiktima ko lamang siya," napahagulgol nang wika niya. Kaya't muli siyang nilapitan ng binata ngunit mabilis siyang umatras palayo rito. "Goodbye, Carmilo.. and I'm sorry," aniya at mabilis na tumalikod dito palabas ng hotel.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon