Chapter 8

2K 64 5
                                    

Deanna

Nabigla ang mga kaibigan nya sa sinabi nya. Medyo natagalan bago nakarecover ang mga ito.

"Uhm. Guys? Hello? May kausap pa ba ako?" Natatawang tanong ni Deanna sa mga kasama.

Nagsalita bigla si Bea.

"What do you mean sa sinabi mong 'we're going out'? Explain."

"Eh kasi di ba.. I feel so guilty about sa staredown incident na nangyari.. i apologized na rin naman pero i feel na parang kulang pa.. so i asked her kung pwede akong bumawi sa kanya by treating her lunch tomorrow." Mahabang paliwanag ni Deanna.

"So.. you two will be going out on a date?" Bea smirked.

"It's NOT a date ate Bei. Ito talaga. Sabi ko babawi lang ako. After nun, okay na. Tapos na." Pagdedefend ni Deanna sa sarili.

"Sus, Wong. You and your 'the moves'. You have a crush on the Queen Falcon ano? Ha? Aminiiiiin!" Asar ni Ponggay kay Deanna habang sinusundot ang tagiliran nito.

"Stop it Pongs. Issue ka."

"Hahahahaha. Kung issue si Pongs, then why are you blushing?" Asar pa ni Kat.

"Huuuuh? I'm not blushing!"

"Yes you are! Hahahaha." Gatong pa ni Maddie.

"Pati ba naman ikaw Capt?" Naiiling na sagot ni Deanna.

"Wala naman kasing masama if aamin ka. Hahahaha. It's kinda obvious. The way you look at her sa court aaaaand the way you react about sa staredown nyo. Hahahah" pagpopoint out ni Bea.

"I agree. And nung nakikipag usap ka kanina sa kanya, you cant stop smiling." Ponggay said while wagging her eyebrows.

"I cant believe you guys! Bahala kayo sa iisipin nyo. Basta ako, gusto ko lang bumawi. That's it." Pagmamatigas ni Deanna.

"Hahahaha. Pikon na sya guys. Tama na." Natatawang awat ni Maddie sa mga ka team.

"Buuut. I will bet you 500 bucks, marerealize mo after nyong lumabas na crush mo sya." Nangingiting sabi ni Bea.

"Not that soon Bei! Hahahah. Deanna here is soooo dense kaya. Baka matagalan pa." Natatawang sabi ni Kat.

"I agree with ate Kat, ate Bei. Hahahaha. Baka 1month pa bago nya maamin sa self nya." Sabat ni Ponggay.

"Grabe kayo sa akin! I thought you were my friends!" Sigaw ni Deanna. "At nagawa nyo pa talagang magpustahan in front of me!" Di makapaniwalang wika nya sa mga kaibigan.

"Yes. We ARE your friends Deans. That's why we know you so so well." Pag ismirk pa ni Ponggay.

Nagtawanan silang lahat.

"Aaaaarrrrgghh. You are soooo frustrating. I'm going out for a bit." Tinapunan nya ng tingin ang mga kaibigan at naiiling na lumabas ng gym.


Jema

Oh my gosh. Deanna just asked me out! Di makapaniwalang sabi ni Jema sa sarili. Assuming ka mare. Babawi lang. Ni hindi nga kayo matawag na friends tapos mag aassume ka dyan na date yun? Naiiling na kausap ni Jema sa sarili.

"Ano bang nangyayari sayo capt? Iiling-iling ka dyan?" Tanong ni Chiara. Nasa Adamson gym sila ngayon, nagwawarm up.

"Ahhh ehhh... wala naman Chiara. May naalala lang kasi ako. Hehe. Tara na. Mag drills na tayo?" Pag iiba ni Jema ng usapan.

Tiningnan ni Chiara si Jema. Hindi sya naniniwala sa sinasabi ng babae pero di na rin ito umiimik.

"Oka-ay capt. Sabi mo eh." Kibit balikat na sagot ni Chiara.

Nakahinga ng maluwag si Jema. Hindi pa sya magkukwento hanggat wala pang nangyayari sa pagkikita nila ni Deanna. Ay bakla. Ano palang dapat mangyari? Kakain lang naman kayo ah? Natatawa nyang sabi sa sarili.

Lumapit na si Jema sa mga teammates nya at nagsimula nang mag spike. Iba amg sigla nya ngayong araw. Parang hindi sya nauubusan ng energy. Napansin ito ng mga teammates nya pero hindi na lang nila binigyang malisya.

After ng mga drills, pumunta na sila sa bleachers para magpahinga. Habang nagpupunas si Jema ng pawis eh bigla na lang may nag abot sa kanya ng gatorade. Inangat nya ang kanyang tingin at nagulat sya ng makita nya kung sino ang nag aabot sa kanya ng inumin.

"Oh? Bakit Fhen?" Tanong nya sa babae.

"May extra kasi ako. Ayaw mo ba?" Tanong pabalik ni Fhen sa kanya.

"Ah. No thanks. May tubig ako dito." Tanggi ni Jema.

"Hindi enough ang tubig lang. Tanggapin mo na. Wala namang lason yan." Sabi ni Fhen.

Kahit na nagdadalawang isip si Jema eh tinanggap nya rin ang offer ng babae.

"Okay. Thanks." Sagot ni Jema at tipid na nginitian si Fhen.

"No problem." Sagot nito at tumabi kay Jema. Medyo na awkwardan si Jema kaya umurong ito ng konti palayo sa babae.

"So... kumusta ka naman?" Tanong ni Fhen kay Jema.

"Okay naman. Ikaw?" Sagot ni Jema.

"Okay lang din. May itatanong lang sana ako Jems." Nakatingin ito sa malayo. Nabigla naman si Jema sa sinabi ni Fhen kaya nilingon nya ito. Sasagot na sana sya nang biglang nagvibrate ang phone nya.

"Ah. Sorry Fhen ha. Excuse lang. May tumatawag kasi." Sabi nya rito at saka tumayo at binitbit ang bag papuntang shower room.

Tiningnan ni Jema kung sino ang tumatawag sa kanya. Napangiti na lang ito nang mabasa kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello?" Nakangiting sagot ni Jema sa telepono.

"Hi. Busy ka ba?"

"Ah. Hindi naman. Katatapos lang ng training namin eh. Bakit ka pala napatawag?" Takang tanong ni Jema sa kausap.

"Wala naman.. heheh.. baka kasi di mo ako siputin bukas."

Napangiti si Jema sa sinabi ng babaeng kausap.

"Hindi no. Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa akin, Ms. Deanna Wong."

"Ay grabe sya. Hahahah." Natatawang sagot ni Deanna.

"Oh bakit? Hahahah. Anong nakakatawa?" Tanong ni Jema. Kinakagat nya ung lower lip nya dahil pinipigilan nyang mapangiti.

"Wala. Wala. Hahaha. Sige Jema. Yun lang. Just making sure na sisipot ka bukas." Casual na sabi ni Deanna.

"Oo naman, Deanna. Sisipot ako. See you." Sabay baba ni Jema ng phone.

Hindi kita iindianin, Wong. Hinding hindi.

ALWAYS (ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora