Chapter 11

2.1K 63 1
                                    

Deanna

Nandito kami ngayon sa Vikings. Lumipat kami sa the Block dahil wala kaming magustuhan na kainan sa annex, plus I'm really hungry na rin talaga.

"Uy Deans. Mahal dito ah? Sure ka ba na dito mo ako ititreat?" Nababahalang tanong ni Jema.

"Yep. Dito tayo kakain. And what are you saying. Babawi ako di ba? Wag ka nang mag alala dyan. Tabs on me." Sagot ko sa kanya sabay wink.

Nailing naman si Jema at natawa.

"Ikaw ang bahala. Basta uunahan na kita. Malakas ako kumain." Sagot ng babae.

"No problem. Buffet tayo. And baka magulat ka, pang tatlong tao ang kaya kong kainin in one sitting." Pagmamalaki ko rito.

"Sa payat mong yan?!" Gulat nyang tanong sa akin.

"Uy grabe ka! Di ako payat no! Normal kaya ang BMI ko!" I acted as if I was offended by her remark.

Tumawa sya ng mahina.

"Ito naman. Joke lang po. Tara na. Kuha na tayo ng food." Yaya nya sa akin at humawak sa aking braso.

Nagulat ako sa ginawa nya. Napansin nya siguro ang pagkagulat ko kaya tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Ay sorry Deanna. Hehehe. Feeling close ko ba?" Aalisin na nya sana ang kamay nya nang hawakan ko ito.

Umiling ako.

"No. Just put it right there. Okay lang." Nginitian ko sya.

Ngumiti rin naman sya at sabay naming tinungo ang mga ibat ibang putahe na nakahain. Parang batang paslit si Jema na excited tikman lahat ng pagkain.

"Uy Deans kuha tayo nito, mukhang masarap to."
"Halaaa. Favorite ko toooo. Kuha rin tayo nito."
"Ito pa Deans. Dali. Akin na plato mo."

Natatawa ko syang pinapanood. Halos sya na ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko dahil sa dami nang gusto nyang kainin.

Bumalik na kami sa aming assigned table. Nagsimula na kaming kumain. Galit galit muna kami dahil parehas kaming gutom.

Sa sobrang focus ko sa pagkain, di ko namalayan na huminto na pala si Jema sa pagkain at nakatingin sa akin.

"Ang cute mong kumain Deans." She said then chuckled.

I was stunned sa sinabi nya. Out of nowhere kasi bigla na lang sya nagsalita kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Huh? Wha--what did you just say?" Tanong ko sa kanya. Shit. Ba't nauutal ka Deanna? Not cool.

Lalong lumawak ang pagkakangiti nya.

"Sabi ko. Ang cute mo kumain. Gutom na gutom lang? Hahahahaha." Tawa nya.

Feeling ko uminit ang mukha ko sa sinabi nya. Nahiya ako.

"Uy Deans. Hala sorry. Naoffend ba kita? I didnt mean it that way. Natutuwa nga ako sayo eh.." sabi nya sabay abot sa kamay ko.

Di pa rin ako umiimik. Tiningnan ko lang ang kamay nya na nakapatong sa kamay ko. Not that I didnt like it, I actually like the feeling of her hand in mine. Isip ko sa sarili.

"Uy Deanna. Sorry. Hala. Hindi ko talaga sinasadya. Nacute-an lang talaga ako sayo kasi sobrang focused ka sa food tapos hindi tayo nag iimikan. Tingnan mo nga oh. Di mo napansin na nauna na ako sayong matapos..."

Tiningnan ko ang mukha nya. Halatang worried sya sa naging reaction ko.

Umiling ako.

"No Jema. It's okay. Nahiya lang ako. Hahaha. Para kasing masyado akong comfortable sayo kaya ganun." I chuckled.

Nakita ko naman na umaliwalas ang mukha nya.

"Kinabahan ako run. Kala ko masisira na mood mo." She took a deep breath and smiled at me.

Dear Lord. She's so adorable.

I smiled back at her. "Tapusin ko lang to, then lakad lakad muna tayo. Okay lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah sure. Take your time." Sabi nya.

"Baka may lakad ka or something."

"Ano ka ba Deans. Hindi ako sasama sayo kung may ibang lakad ako. Ikaw lang ang naka book sa akin ngayon." Tawa nya sabay wink.

Natawa na lang ako sa ginawa nya. Umiling ako at tinuloy ang pagkain.

Nang matapos kqmi ay napagpasyahan namin na maglakad-lakad muna. Nasa may Sky Graden kami banda nang maalala ni Jema na may gusto pala syang bilhin sa Trinoma.

Habang naglalakad ay nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan.

Uuuggh. Great. Buti na lang may dala kong jacket. Isip-isip ko. I looked at the girl beside me. Pansin ko na parang tumahimik sya at mukhang nilalamig.

Hinubad ko ang jacket ko at inoffer sa kanya.

"Here oh. Isuot mo." Sabi ko sa kanya. Nagulat sya at tiningnan lang ako.

"Paano ka? Baka lamigin ka.. okay lang naman ako Deanna.. malapit na rin tayo sa entrance ng Trinoma." Pagtanggi nya sa akin.

"No I insist. Sige na isuot mo na to. Baka sipunin ka." Sabi ko sa kanya. Parang ayaw nya pang kunin kaya hinawakan ko ang kamay nya at isinuot sa braso nya ang manggas ng jacket ko.

"Th--thank you." Pabulong nyang sinabi.

Nginitian ko lang sya at halos patakbo na kaming pumasok sa Trinoma.

Pagkapasok namin, pinuntahan na namin ang shop na gusto nyang puntahan. Nagcacanvass lang pala sya ng pwede nyang ipang regalo sa kapatid dahil nakapasok ito sa UST Women's volleyball team. Nang makapili na sya, niyaya nya akong magkape. "My treat." Sabi ba nya at iniwan ako sa table.

I watched her as she made her way towards the counter. She's so simple yet ang lakas ng dating. Even my jacket looks so good on her. Mas gumanda pa lalong tingnan yung jacket ko nung sinuot nya.

I dont know why, pero there's something about her na naka caught ng attention ko. May be because ang sarap nya kausap at kasama. May be kasi anv gaan sa feeling pag kasama ko sya. Kaya nung nakabalik na sya sa table namin dala ang mga inorder nya, di ko na napigilan ang sarili ko.

"Uhm. Jema?"

"Yes? Bakit, Deans?"

I fidgeted. I havent thought this through pero bahala na.

"Busy ka bukas?" Napapikit ako when I said those words. Kinakabahan ako. What if isipin na weird ako? Or bakit ko tinatanong?

"May morning training lang kami. Why?"

"Ano kasi.. hang out ulit tayo?" I opened my eyes and looked at her. She's so beautiful, I cant help but stare at her.

She smiled.

"Sure, Wong. But tomorrow, ako ang masusunod."

ALWAYS (ongoing)Where stories live. Discover now