Chapter 2 | Mystical Academy

14 0 0
                                    

ENJOY READING!

Harley's POV

Nakaupo ako ngayon sa sofa tapos yung tatlong babae nasa harapan ko. Nakakailang.

Nung binuksan nila yung pinto kanina muntik pang sumubsob yung isa.

"Hey! What's your name? Saan ka galing? What's your magic? How old are you?" (Sierra) Sunod sunod na tanong nung light blue yung buhok. Napakunot naman noo ko.

What's my magic?

"Yes, what's your magic?" Tanong naman nung green yung buhok. (Thea)

Did she just read my mind? Ohmy.

"What the hell?" Naguguluhan 'kong sabi.

"Let me guess! Wala 'kang alam about magics?" Tanong naman nung yellow yung buhok. (Kyra)

Napatango ako. Ano ba itong pinasukan ko?

"Well, dito sa Mystical Academy lahat ng students may magic. Hindi ka makakapasok ng gate pag wala kang magic kasi may portal dun. Bawal makapasok ang mga walang magic at yung mga may black magic kaya imposible nawala 'kang magic. Siguro meron ka pero hindi mo alam kung ano." Paliwanag nung kulay yellow yung buhok. (Kyra)

Lalo kumunot yung noo ko. Is this real?

Nakatingin lang sila sakin. I should talk to Miss Agatha about this. Kaya pala yung mga tanong niya kanina about magic. Pati na rin si Luke.

Don't get me wrong ha. I'm still in shock. Grabe alam ba ito nila daddy?

Tumingin ako sa mga babae na nasa harapan ko.

"I'm Sierra Gavin. My ability is Technology and Ice." Pakilala niya sakin. "About my hair, inborn na."

"I'm Kyra Carter. My ability is Healing and Ice tapos inborn na rin yung kulay ng buhok ko."

"I'm Thea Molly. Earth and Technology. Inborn na din sakin"

"Ylona Sawyer. Water and healing."

Pakilala nila sabay ngiti sakin ng malapad.

"I'm Harley Taylor." Pakilala ko din. Niyakap naman agad nila ako. Pagtapos nila akong yakapin umupo na din sila. Si Ylona umakyat saglit sa kwarto niya.

"Asan ba si Alessia?" Tanong ni Kyra kay Thea.

"Ewan ko dun. Baka nasa canteen." Sagot naman ni Thea. "Mag luluto lang ako. Anong oras na din."

11:15 am.

Nagpaalam muna ako sa kanila na aayusin ko muna yung gamit ko. Tinuro din nila sakin kung saan yung kwarto ko.

Pag pasok ko I was amazed kasi ang ganda. Pagtapos 'kong ayusin yung mga gamit ko lumabas na'ko ng kwarto. Nakasalubong ko si Ylona kaya sabay na kaming bumaba.

Umupo na kami sa dining table kasi nakahain na yung pagkain tapos sinimulan na namin kumain.

"Saan ka pala galing, Harley?" Tanong ni Kyra kaya napatingin ako sa kanya.

"Uh sa mundo ng mga mortal." Simpleng sagot ko sabay inom ng juice.

Napatingin ako sa kanila kasi tumigil silang lahat sa pagkain nila.

"What?" Takang tanong ko.

"Dun ka galing?!" Sabi naman ni Ylona. Nalaman ko din na bata pala samin ng isang taon si Ylona.

Napatango naman ako. "May problema ba?"

"Gustong gusto namin makapunta dun! Parang ang saya kasi." Sabi ni Sierra habang nakangiti.

Napatawa naman ako sa mga reaction nila HAHAHA.

Hanggang sa natapos kaming kumain tanong lang sila ng tanong sakin tungkol sa mundo ng mga mortal.

Nakaupo ako sa sofa ngayon tapos katabi ko si Ylona.

"Harley, nasan parents mo?" Tanong ni Ylona.

"Uh nasa mundo ng mortal." Simple 'kong sabi.

Nabigla kaming dalawa ni Ylona nang biglang umakbay samin si Sierra.

"Tara gala tayo! Tour din natin si Harley." Excited niyang sabi.

Tumango naman si Ylona.

"Harley, okay na yang suot mo! Maganda ka pa rin naman." Sabi ni Sierra.

Nakita ko sila Thea na nakabihin na din.

Lumabas na kami.

Pagkalabas namin natanaw ko yung dorm ng mga boys. Tapos sa pang 16th floor nila malaki din. Parang dorm namin. Bakit kaya ang laki?

"5 buildings yung nandito. Girls dorm, boys dorm, hospital, mall tapos yung pinaka school natin." Sabi ni Thea.

Wow! Kumpleto sila.

"Tapos si likod ng school may secret garden kami dun. Tatambay tayo dun bukas."

Naglakad kami papasok ng mall.

"Kailan daw ba babalik sila Wayne?"

"Baka bukas pa sila makabalik."

"Sino sila?" Tanong ko. Hindi ako maka relate eh.

"Kaibigan namin sila. May mission kasi sila kaya sila wala." Sagot ni Kyra.

Pagpasok namin sa mall ang daming nakatingin samin.

"Sino yan?"

"Maganda siya ah."

"Bakit kasama niya sila Thea?"

Hindi nalang namin sila pinansin.

Sabi ni Sierra sakin kanina dito daw sa kanila pag may gusto kang bilihin ipambabayad mo yung magic mo. For example bumili si Thea ng bag. Gagawa siya ng maliit na tangkay kasi Earth ang magic niya. Maliit na tangkay lang yung ibibigay mo pero dapat yung tangkay na yun galing mismo sa magic mo. Hindi pwede yung kinuha mo sa mga puno.

Habang naglalakad kami nag aaway si Ylona tsaka si Sierra kung saan sila unang pupunta.

"Uy sila Blake na yun ah?" Sabi ni Kyra habang nakaturo sa malayo.

Napatingin naman ako sa grupo ng lalaki.

"BLAKE!!" Thea shouted.

Napatingin naman samin yung grupo ng lalaki. Tapos kumaway na sila. Pati si Ylona tsaka si Sierra.

"Akala ko ba bukas pa uwi nila?" Tanong ni Ylona. Nagkibit balikat nalang si Kyra.

Nasa harap na namin ngayon yung mga lalaki tapos napatingin sila sakin.

"Hoy mga kupal! Iniwan niyo ko dun!" Sigaw nung babae na nakayuko ngayon sa sobrang hingal.

Nagulat naman ako nung tumingala siya.

"Rylee?!" Sigaw ko. Bakit nandito si Rylee?!

"Uhm hehe hi?" Alinlangan niyang sabi. Nagtataka naman yung muka nila Thea. "Explain." Sabi ko.

"Eh kasi naman dito talaga ako nakatira. May ability din ako. Sorry na! Alam ko din na ililipat ka na dito nila tito. Sabi kasi nila bantayan daw kita kasi nga may powers ka din." Paliwanag ni Rylee.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Harley, sorry na!" Pagmamaka awa niya sabay hawak sa kamay ko. Tumango nalang ako. Wala naman na akong magagawa.

Niyakap niya naman ako.

"Ehem." Pekeng ubo ni Ylona. "We need an explanation too."

Nagkatingin kami ni Rylee sabay tawa. HAHAHAHA.

Umupo muna kami sa upuan dito sa gitna ng mall tapos kinwento na sa kanila ni Rylee or should I say Alessia.
Ayun pala yung totoo niyang pangalan at siya pala yung hinahanap nila Thea kanina.

"Pano naman kami? Hindi pa namin kilala yan." Natatawang sabi nung kulay red yung buhok.

"I'm Harley Taylor. Nice to meet you all." Pakilala ko. Nagpakilala din naman sila sakin.

Yung isa lang yung hindi ko nagustuhan yung pakilala niya. Badtrip siya.

MYSTICAL ACADEMY: THE LOST PRINCESSWhere stories live. Discover now