Chapter 4 | Mortal World

7 0 0
                                    

ENJOY READING!

(Their rooms in the multimedia.)

Harley's POV

Hindi na'ko nag dala ng maraming gamit kasi may gamit pa ako sa bahay namin. Dun nalang kami tutuloy sa bahay para hindi na kami mag rerent ng apartment.

Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok. "Pasok." Tapos biglang bumukas yung pinto.

"Ready ka na ba?" Kyra ask me. I nod.

Bumaba na kaming dalawa. Nandun na silang lahat pwera lang sa boys. Nasa gate na daw kasi yung boys.

Natanaw ko sila Wayne na nag aabang samin. Nasabi ko na ba sa inyo na sobrang daming dala nila Thea? Lalo na si Ylona at Sierra. Dalawang maleta yung dala nila tapos si Kyra at Thea isa lang.

Pati yung sa boys isa lang din.

Alam na nila Thea na sa bahay kami tutuloy kaya wala akong dala na gamit.

Yung mga boys naman nagtataka na nakatingin sakin.

"Bakit wala 'kang dala?" Tanong sakin ni Blake.

"Uhm kasi dun tayo sa bahay namin tutuloy kaya hindi nako nagdala ng mga gamit. May mga gamit pa naman akong naiwan dun." Sagot ko sa kanya. Napatango naman sila sakin.

"Hoy babae! Bat ang dami mong dala? Isang linggo lang tayo dun. Pang isang buwan yung dala mo." Sabi ni Dylan kay Ylona. Nag pout naman si Ylona tapos tinarayan kuya niya.

Nagtilian naman yung mga girls kasi excited na talaga sila makita ang mortal world.

Pumasok na kami sa karwahe. Ang astig. Sa sobrang malas nga naman katabi ko si Dylan. What a good start.

Katabi ko si Dylan tapos sa harap namin si Thea at Blake. Bale magkaharap yung mga upuan namin tapos sa labas yung nag papaandar sa kabayo. Gets?

I'm wearing a pants tapos sando tapos may jacket ako na suot. Naka messy bun din yung buhok ko.

Hindi ko pinapansin si Dylan. Bahala siya dyan.

Inaantok talaga ako. Gabi na din kasi.

Dylan's POV

Sungit sungit ng babaeng 'to. Si Thea tulog sa balikat ni Blake. Mag bestfriend silang dalawa pero si Blake mahal niya si Thea. Hindi lang niya inaamin. Torpe kasi. Yung iba nasa kabilang karwahe.

Papunta kami dun sa dulo ng gubat. Nandun kasi yung portal tapos pag labas namin ng portal deretso na yun sa tapat ng bahay nila Harley. Dun na kasi dineretso ni Miss Agatha para daw hindi kami mahirapan.

Naka higa yung ulo ni Harley sa balikat ko.

"Bro, ganda din ni Harley 'no?" Napatingin ako kay Blake. Tinitigan ko naman siya ng masama kaya natawa nalang siya.

Nang makarating kami sa gubat gigisingin ko na sana si Harley pero gumalaw na siya. When she notice that her head is on my shoulder she immediately stand up.

"Aww!" Sigaw niya. Pagkatayo niya kasi nauntog siya sa bubong ng karwahe.

Hawak niya ulo niya ngayon. Nakita ko pang namumula yung pisngi niya. Cute. Wait a minute. Sinabi ko ba na cute siya? Joke lang yun tss.

Nakababa na kaming lahat. Si Harley nakahawak pa rin sa ulo niya. Tanga tanga kasi.

"Oh bakit ka nakahawak sa ulo mo?" Tanong sa kanya ni Sierra kaya napatingin din sa kanya sila Wayne.

"Ah kasi nauntog ako kanina sa loob hehe." Sabi niya.

"Hala! Baka nagka bukol yan! I will kiss it nalang." Sabay lapit ni Ivan sa kanya tapos hinalikan yung ulo ni Harley. Ang haharot.

MYSTICAL ACADEMY: THE LOST PRINCESSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora