Odds in Favor

1.3K 14 2
                                    

Warning: mature content

------------------------

Sunday.

"Tara na you look fine!" I was fidgeting with my dress.

"Bakit ba kasi hindi mo sinabi na buong pamilya mo pala nandito sa lunch na to?" inis kong sabi sa kanya.

"Eh I forgot. Sabihin nalang natin I saw you sa lobby kasi nakacheck-in ka dito." Hatak nya sa akin papunta sa isang area ng restaurant.

"Forgot? Pwde mo ba ma-forget yun family lunch? Eh every week kayo..." my voice faded.

"Anak, late ka." Bati ng isang may edad na lalaki na nas matanda sa Dad ko. Parang older version ni Coral na pinaghalong Zeke at Daisy. Nakatingin siya sa akin. Head to foot. Pati ang may edad na babae sa tabi niya.

"Dad, Mom sorry. I wanna introduce Freyja Zelene Ongkiatco."

Agad agad? Walang pasabi?

"Hello po. I'm sorry to intrude on your family lunch. Si Killian po kasi."

"I saw her sa hotel lobby, naka check-in siya dito so I dragged her to join us. Friend ni Julianne at Jordan si Zelene from school. Okay lang di ba, Dad?"

"Of course, anak. Come join us, Zelene." Zeke pulled up a chair and I sat. Umupo na siya sa tabi ko. Right across his Dad.

"Ongkiatco? Like the hardwares or the jewelers?" Inquire ng Dad niya.

"Both po. My Dad owns the hardwares, my mom naman po the jewelry shops." I answered.

Zeke started putting food on both our plates.

"Ayoko ng abalone." As he was about to put some on my plate.

"Akin na lang." I was putting some of the vegetables from my plate into his.

"So how come you seem to be close with Zeke, di ba si Jordan ang friend mo."

"Dad, palagi kami nagkikita ni Zelene sa mga lakad nila Jordan. Even sa weddings and birthdays nagkikita kami nito. Minsan bigla ko nalang siyang nakikita kahit bihira ako sa mall." Oh naubos yun mushrooms sa plato ko?

His dad paused, he was looking at the both of us. I just started eating.

"Really? So are you two dating?" Biglang salita ng Dad niya.

Halos mabilaukan ako sa shrimp na kakasubo ko lang. Naramdaman ko nalang sinasapo ni Zeke ang likod ko at inaabutan ako ng tubig.

"Dad, wag mo naman takutin si Zelene. We're very good ... friends."

"Yes, Uncle. We're not dating." I smiled at his Dad. He just gave us a doubtful nod.

"Oh ayan na pala sila Jordan." Sabi nito. Lumingon ako at kumaway kay Julianne at Jordan. May konting shock sa mga mata nila na mabilis nilang tinago.

"Hello." Umupo si Julianne sa tabi ko. Bumulong. "Kaya pala nagtext ka na wag ako magugulat pag nakita kita ngayon. Akala ko new hairdo. Buti nalang nasabi ko kay Jordan agad. Mahabang kwento ito."

Na-survive ko ang mga kwentuhan at tanong ng 3 hours na lunch with Zeke 's family. Walang kamatayang daldalan kay sa mga kapatid nya. Si Julianne naman todo support sa sabi niyang 'meet the parents' scene ko daw. Baliw.

They had a private area for their family, mga 4 tables sila. There was music and there was dancing. Etong Zeke na ito, niyaya na naman ako sumayaw dahil tinutulak siya ng sisters niya na isayaw ako, to the tune of Wouldn't It Be Nice ng The Beach Boys. Hiyang-hiya kaya ako kasi ang Dad at Mom nya tuwang tuwa sa pagpapanood sa amin at nagsasayaw din. Theme song daw nila ito. Umiiling-iling lang ako sa pagsasayaw namin ni Zeke kasama ang mga younger nieces and nephews nito.

All Strings Attached (taglish)Where stories live. Discover now