Chapter 6

15 3 0
                                    

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang kwintas.

Flashback.

Papunta ako noon sa bahay nila Rey para makipaglaro sa kaniya. Ang dami ko na naman ikukwento sa kaniya ngayon. Patalon talon pa ako noon dahil sa tuwa. Ngunit napawi ang ngiti ko ng mapansing ang tahimik ng bahay nila. Pumasok ako sa loob at nakita ko na wala na silang gamit na natira

"Rey? Rey? Nasan kana??" Sabi ko sa sarili habang naluluha.

Naglibot-libot pa ako sa bahay at nagbabaka-sakaling makikita ko siya pero wala na talaga. Napatigil ako sa paglalakad ng may maapakan akong kung anong bagay. Pinulot ko ito at tinignan . Mas lalo akong napaluha ng makita ko na kay Rey ang kwintas na ito.

"Rey pangako hahanapin kita" sabi ko sa sarili at isinuot ko ang kwintas. Magmula noon ay pinagkaka-ingatan ko ang kwintas niya.

"Pasensiya na kung nawala kita ah. Magmula ngayon lagi na kitang isusuot" sabi ko habang nakatingin sa kwintas. Isinuot ko na ito at nahiga ulit sa kama. Nakangiti ako habang nakapikit hanggang sa makatulog na.

*****

" Anak gising na! Mala-late kana sa klase mo!"

Naalimpungatan ako dahil may yumuyugyog sa katawan ko. Minulat ko ang mga mata ko at dumapo ito sa wallclock Oh my! 7:30 na! 8:00 pa naman ang firstsubject ko! Nanlaki ang mga mata ko at dali - dali ng nagtungo sa Cr . Sobrang bilis ko na rin na naligo . Para akong naging si flash dahil sa pinaggagagawa ko. Palabas na sana ako ng kwarto ng may maalala ako.

" Naku yung kwintas!" Sabi ko at dali dali itong kinuha sa ibabaw ng cabinet at sinuot ito. Bumaba nako at naabutan ko si mama na nagliligpit na ng pagkain.

"Ma ! Bakit hindi niyo ako ginising agad?" Bungad ko kay mama.

"Anong hindi ginising ha kiela? Naka-ilang beses na kitang ginising pero hindi ka parin bumabangon" balik na sagot ni mama

"Ay hehe ganun po ba? Sige po ma alis nako ah! Dun nalang po ako kakain sa cafeteria!" Sigaw ko kay mama dahil nagmamadali na akong lumabas ng gate. Sumakay nako sa taxi papuntang campus. Napatingin ako sa wristwatch ko at meron nalang akong 10 minutes bago magklase.

"Manong eto po bayad" inabot ka ang 200 pesos sa kaniya at umalis na.

Takbo lang ako ng takbo papuntang building namin. Pinagtitinginan nako ng ibang estudiyante pero wala akong pakialam. Nasa tapat nako ng room at kinakabahan ako na baka nandiyan na ang prof namin. Sumilip muna ako ng konti at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong wala pa ito.

"Oh bakit ngayon ka lang girl?" Tanong saken ni marie pagkaupo ko.

" Nalate kase ako ng gising . Mabuti nga at wala pa si prof eh" sagot ko sa kaniya.

"Ay kiela! May tsismis ako sayo!" Sabat naman ni Shiela Lakas talaga ng radar ng babaeng to pagdating sa tsismis

"At ano na naman yan?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya. Dahil kase sa sobrang ka-chismosa niyan eh pati tungkol sa hayop chinichika niya.

" Natatandaan mo ba si Mark Alexander Ferrer? " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sino bang hindi makakakilala sakaniya eh siya ang hearthrob sa past school namin. At siya rin ang ultimate crush ko kyahh! . Nahinto naman kami sa pag-uusap ng biglang dumating si Prof Lim ang teacher namin sa Thesis.

"Huy bruha! Ituloy mo chika mo mamaya ha" bulong ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang sagot. Napapa-ngiti nalang ako kapag naiisip ko si Mark. Ang huling balita ko kase sa kaniya ay mag-aaral ito sa States.

Iniwasan ko munang isipin si mark dahil baka madistract ako. Nakinig nalang ako sa tinuturo ng prof namin. Habang nagsusulat si prof ay biglang bumukas ang pinto ng classroom at mayabang na naglalakad ang isang lalaking kinaiinisan ko.

" Your late for 30 minutes Mr Andrei" sabi ng prof namin sa kaniya. Napatigil naman siya sa paglalakad at humarap kay Prof

"Isn't it obvious ?" Bored na sagot nito at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa tabi ko. Kahit kailan talaga walang modo! Kung sabagay anak siya ng may-ari ng campus na to.

"Tss napaka-walang modo" bulong ko habang nakatingin sa board.

" What did you say?" Iritang sabi niya

"Bakit? Problema mo? Nananahimik yung tao dito kung ano ano sinasabi mo" pa-inosenteng sabi ko at nagpipigil na mapatawa.

"Tss " singhal niya at hindi na nagsalita.

Nagpatuloy nalang ako sa pakikinig ng mga lectures namin hanggang sa mag-lunch time na.

" Hey ! Tara na sa cafeteria!" Masiglang sabi ko at inakbayan sila papunta sa cafeteria.

Humanap naman muna kami ng vacant na table at doon naupo .

"Oh bakit ang saya mo diyan Kiela?" Tanong agad ni marie pagkaupo naman.

"Mukha ba? Hehe hindi naman masyado" Hindi ko lang kase talaga makalimutan si Mark.

"Baliw kana! Tara na nga Shiela iwan muna natin yan diyan at umorder na tayo" sabi niya at nagsimula nang pumunta sa counter.

Bumalik naman agad sila at naghintay sa order namin.

" Uy shiela! Ano nga ulit yung tsismis mo?"tanong ko agad sa kaniya . Kilala ko na tong babaeng to eh bukod sa chismosa eh makakalimutin pa.

"Ay oo nga! Nakalimutan ko hehe peace!" Sabi niya at nagkamot ng batok . Sinasabi ko na nga ba tsk

Inirapan ko muna siya bago magsalita. " Oh ano na nga? Sabihin mo na pasuspense pa kasing nalalaman kanina eh"

" Hihi Eto na nga nakinig ko kase sa mga estudiyante dun sa STEM building na ....." tapos bigla siyang humagikhik at di tinuloy ang sinasabi niya. Binatukan ko nga kaya napatigil siya sa pagtawa.

"Hoy! Lecheng babae to ituloy mo na nga sinasabi mo!" Bulyaw ko!

" Para kang baliw Shi! Magkukwento pero may pagtigil pa. Kung hindi lang kita kaibigan nabugbog na kita!" Dugtong naman ni marie. Napa-pout naman si Shiela na parang nagmamaka-awa. Pero inirapan ko lang siya at naghihintay sa sasabihin niya.

" Balita ko kase si Alexander daw nag-enroll na siya dito sa Montemayor's college! So ibigsabihin lang nun e-" napatigil siya ng biglang sumingit si Marie

" Dito na siya mag-aaral sa campus?! Omg! Girl kinikilig ako!" Kinikilig na sabi ni marie with matching paghampas pa sa table. Napatingin naman ang ibang students sa kaniya kaya tumigil siya.

Pero totoo ba talaga na dito na siya mag-aaral? Ito na ba ang chance ko para mapansin niya ako? Matutupad na ba ang pangarap ko na magkaboyfriend ngayong college? Kyahhh I can't wait!

See you soon Mark Alexander!

To be continued

The Road To Love [On-Going]Where stories live. Discover now