Chapter 15

8 1 0
                                    

Andrei's PoV

She's really funny. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko yun kanina. Actually muntik ko na siyang mahalikan nung makita kong ipinikit niya ang mga mata niya. Mabuti nalang at mabilis na iminulat niya ito at naitulak ako kaagad.

Naglalakad lang ako ngayon papuntang counter nang may mahagip ang mga mata ko. Napakuyom agad ang mga kamao ko dahil sa taong nakita ko.

"What the hell are you doing here?!" I shouted the man in front of me.

"Woah easy man! I'm just drinking" at itinaas pa nito ang hawak niyang tequilla.

"I don't care! Just leave the hell out of here! " hindi na ako nakapagtimpi at hinawakan ko na ito sa kuwelyo dahilan para mapatayo ito sa upuan niya.

"What's your problem Andrei? Bakit ka ba nagkakaganito? Matagal nang nangyare yun pero hanggang ngayon galit ka parin?" Sabi ni Alex na bakas ang lungkot sa mga mata niya. Pero wala na akong pakialam dahil sobra ang ginawa niya saken noon.

"Just leave. And don't you dare come back here. Ever again." Mahinang sabi ko ngunit may diin sa bawat pagbigkas. Binitawan ko na ang kuwelyo niya at tinalikuran siya.


Kiela's PoV

"Nasaan na ba si kuya? Baka mamaya lasing na yun eh! Kainis naman argh!" Sabi ko at nagpagulong gulong sa sofa. 10:45 na kase pero wala parin ito. Sabi niya mabilis lang siya pero hanggang ngayon eh kahit anino niya hindi ko makita . Ayoko namang lumabas dahil kung ano-ano lang ang makikita ko dun.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng VIP room kaya dali-dali akong umayos ng upo. Tinignan ko kung si kuya ang pumasok pero si Andrei pala. Magsasalita sana ako para tanungin kung nasaan si kuya nang mapansin kong tiim ang bagang nito at nakakuyom pa ang mga kamao. Itinikom ko nalang ang bibig ko kahit kating-kati na ang dila kong magtanong dahil baka mamaya ay ako pa pagtuunan ng galit nito.

At dahil wala naman akong magawa at naiinip nako dito ay naisipan ko nalang na kumanta

Mga kinang ng yong mga mata't
Lamig ng titig~~
Hubog ng labi mo't ngiting sakin nagpapakilig~~
Mahal ko ang lahat sayo alam mo ba~~
Saksi buong mundo heto't marami pa~~


Nakapikit lang ako at dinaramdam ang bawat nota na binibigkas ko. Hindi ko kase matiis ang katahimikan kaya't ako na rin ang bumasag nito.

Andrei's PoV


He's really getting into my nerves. Iniwan ko nalang siya doon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Ayoko rin naman na gumawa ng eskandalo sa bar nila james. Naisipan ko nalang na pumunta sa VIP room para magpahinga.

Nasa pintuan pa lang ako ay naririnig ko na si kiela na nagsasalita. Teka sinong kausap nito?. Binuksan ko na ang pintuan at tumambad saken si kiela na gumugulong-gulong sa sofa. Nababaliw na ba to? Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Mukhang natauhan naman siya at umayos na siya ng upo sa sofa. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang maglakad paupo sa isa pang sofa.

Nakahiga lang ako at nakapikit ang mga mata . Pinipilit kong pa-kalmahin ang sarili ko dahil bumabalik na naman sa ala-ala ko ang nangyare noon.

Flashback:

I was driving that day heading to Sofia's house. Ngayon ang 4th monthsarry namin kaya't may balak sana akong sorpresahin siya. Excited akong nagdadrive at patingin-tingin sa regalong ibibigay ko sa kaniya. Isa itong set of jewelries na gustong-gusto niya . Kaya naman sigurado ako na magugustuhan niya ito.

The Road To Love [On-Going]Where stories live. Discover now