VII. Captured

421 19 0
                                    

Jaki's POV

Napamulat na lang ako ng mata ng biglang pinitik ni Vice ung noo ko. Nakita kong may kausap sya sa cellphone nya at sumenyas na kakausapin nya lang kaya pumunta sya sa may kusina. Nakahinga naman ako ng maluwag ng mawala sya sa paningin ko. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at sa sobrang lakas din ng pintig nito na parang kumakalabog ay hindi ko na namalayan na may tumawag na pala kay Vice. Ni hindi ko narinig na tumunog ito dahil tanging ung nakakabinging tibok lang ng puso ko ung naririnig ko ng mga oras na un. Ni hindi ko na rin nagawang gumalaw at napako na lang ako sa pwesto ko kanina.


'Ano ba 'tong nararamdaman ko ?! Bakit bumibilis tibok ng puso sa tuwing magkakalapit kami ng husto ni Vice ? Bakit ganito na lang ang epekto sakin ng lalak- teka teka mali ! Hindi nga pala lalaki un kundi bakla ! Tama bakla nga sya ! Pero bakit ganun ? Ung mga kinikilos nya kakaiba ? Parang hindi naman kilos ng bakla un ! Hay naku naguguluhan na talaga ko !' Napahinto naman ako sa pagiisip ng lumabas na sya ng kusina at mukhang tapos na silang magusap nung tumawag sa kanya.


"Sinong kausap mo ?" paguusisa ko pero di sya sumagot. "Huy tinatanong kita kung sino kausap mo ?!" mataray kong tanong sa kanya pero ang loko nginitian lang ako na kinainis ko. Sinamaan ko sya ng tingin at nagtanong ulit. "Sino nga ung kausap mo ?!"


"Uy si Jaki gustong malaman kung sinong kausap ko" nang-aasar nyang sabi. "Bakit selos ka ?" sabi pa nyang ng napakalapad ng ngiti at pataas taas pa ng kilay.


Aba't talaga namang baklang 'to ! Ako ? Magseselos ?! Over my sexy body !!! At akmang hahampasin ko sya ng pigilan nya ko. "Oh teka teka si direk lang ung kausap ko ! Tinatanong ko kung papasok ako ngaun sabi ko hindi !" dire-diretso nyang sabi. Ayun sasabihin rin pala gusto pa mahampas. Takot din pala haha !



"Eh bakit di ka papasok ?" takang tanong ko.




"Eh kasi kasama kita !" nakangiti nyang sabi sabay kindat.




My ghad ! Ang gwapo ! Uminit naman ang pisnge ko sa sinabi nya kaya bigla akong tumalikod para di nya makita.





"Uy si Ate Girl kinikilig" pangaasar nya.




"Hindi ah ! bakit naman ako kikiligin ?!" tanggi ko sa kanya.




"Eh kasi.. kasi.. kasi.." putol putol nyang sabi.





"Eh kasi crush mo ko" sigaw nya na nakapagpaharap sakin.




"Anong sabi mo ?!" sigaw ko din sa kanya.




"Crush mo ko ! Crush mo ko ! Crush mo ko !" paulit ulit nyang sabi habang patakbong lumayo sakin.





"Hoy ang kapal mo hindi kita crush !!!" habol ko sa kanya. Para kaming mga bata na naghahabulan sa may sala.



"Aminin mo na kasi na crush mo ko !" sabi nya pa. Binato ko naman sya ng unan pero nakaiwas sya. "Waaahh blehh miss hahahaha !!!" sabi nya sabay dila.




"Ang kapal mo talaga !!!" habol ko pa rin sa kanya.




Maya-maya tumigil na ko sa paghabol dahil napagod na ko at umupo na sa sofa. "Ayoko na ! Pagod na ko ! Grabee kabayo ka talaga ang bilis mong tumakbo !!," hingal kong sabi sa kanya. Umupo lang sya sa tabi ko na tila napagod na din.



"Hay grabe pinagpawisan ako dun ! Para tayong nagmarathon !" natatawang sabi nya. Tumayo naman ako para kumuha ng inumin at inabot sa kanya. Inubos nya muna 'to bago nagsalita. "Jaki may lakad ka ba ngaun ?" biglang tanong nya.



INFINITY 💫Where stories live. Discover now