XXV. In-denial

238 18 2
                                    

Jaki's POV

Nandito ako sa cr at naghihilamos dahil kakagising ko lang. Well actually di naman talaga ko nakatulog dahil di mawala sa isip ko ung nangyari kagabi. Pagkapasok ko pa lang ng kotse nagpanggap na lang akong tulog para di ako maawkward sa kanya. Hanggang sa naihatid nya na kami dito sa unit ni Bullet ay wala pa ring umiimik sa amin. Nagsalita lang sya para magpaalam at tuluyan na syang umalis.


"Hays.."



"Lalim nun bes ah !" saad ni Madc na di ko namalayan na nasa likuran ko na pala sa lalim ng iniisip ko.



"Sige bes ikaw na tapos na ko" saad ko at dumiretso ako sa sala. Tinignan ko ung cp ni wala syang paramdam kahit sa text or chat o kahit tawag man lang.


Hays ano bang nangyayari samin ? Ok naman kami kahapon at ang saya-saya namin. Bigla na lang talaga nag-iba nung dumating si Tom pero ang sabi nya naiinis lang daw sya sa presensya neto. Pero kung iisiping mabuti, ung mga kinikilos at pinapakita nya kahapon is a sign of jealousy pero dineny nya. Atsaka di ko din naman nasagot kahapon ung tanong nya kung bakit sya magseselos. Napaisip din tuloy ako bigla kung anong meron samin dahil parang meron na parang wala. Alam mo yun ? Yung parang kayo pero di naman kayo ? Gets nyo ?! Meron din bang ganyan sa inyo ? Yung pinapakita nyang importante ka, special ka pero di nya naman sinasabi ng malinaw. In short M.U kayo. M.U as in Malabong Usapan !


"Ahhhhhhhhhhh !!!" sigaw ko out of frustation habang sinasabunutan ko ung sarili ko.


"Huy bes kalma !" pigil naman sakin ni Madc.


"Anong nangyayari ?!" tanong ni Melvie nang makalapit sya sa amin.


"Pano kasi tong babaeng to sinasabunutan ung sarili ! Ano bang nangyayari sayo ? Simula nung umuwe kayo kagabi parang wala ka na sa sarili mo tapos tignan mo yang itsura mo ! Mukha kang zombie ! Nakatulog ka ba kagabi ?!" dire-diretsong tanong ni Madc.



"Bebe gurl ok ka lang ba ?" nag-aalalang tanong ni Melvie.



"Bes ! Beh ! Huhu !" emote ko sabay yakap sa kanila.



"Naku ! Kwento mo yan bes ! Dali makikinig kami !" sabi ni Madc habang inaalo ako. At ayon kwinento ko sa kanila ung nangyari kagabi pati na rin ung sa amin ni Vice although wala namang kami.



"Hay naku bebe gurl sure akong nagseselos sya dun kay Tom. Kasi kung naiinis lang sya dahil sa kayabangan nito di naman dapat sya kikilos ng ganun !"



"Oo nga bes ! Tsaka sure ako may gusto sayo ung si bebe boy !"



"Eh pano nyo naman nasabi ? Una di ko nga nasagot kung bakit sya nagseselos tsaka sinabi nya na naiinis lang naman sya sa presensya neto. Tapos, pano nyo naman nasabi na may gusto sakin un ni hindi nya nga sinabing gusto nya ko" tanong ko.



"Ganito kasi un bebe gurl.. kaya namin na nasabi na nagseselos sya kay Tom kasi based dun sa kwinento mo kanina nagkaganun lang sya simula nung dumating si Tom tapos parang nakikipagkompetensya kay Tom di ba.. ibig sabihin lang nun na naalarma sya sa presensya ni Tom dahil alam nyang may kaagaw sya pagdating sayo" mahabang paliwanag ni Melvie.



"Kaagaw ?!" tanong ko.




"Hay naku bes ! Di ko alam kung bulag ka ba o sadyang manhid ka lang talaga" iiling-iling na saad ni Madc.




"Paliwanag nyo kasi ng maayos ! Naguguluhan din ako sa inyo !" sagot ko.





"Naku kung di lang kita bff pinalo na kita ng dos por dos !" gigil na saad ni Madc.




INFINITY 💫Where stories live. Discover now