Chapter 25- Pre-Concert Chenelin

7.5K 265 8
                                    

Jaxx

Ang tagal ko ng hindi kinakabahan sa mga concert pero ngayon, kabado ako. Kabado ako sa magiging reaction ni Margaux.

Yung tanong niya kagabi na bakit hindi siya enough... tangina, nanghina ako. She is more than enough... ako ang hindi enough para maging boyfriend niya. Not that she told me that... hindi niya rin pinaramdam. Ako lang talaga ang tanga dito sa sitwasyon namin.

"Jaxx, upo ka na dito. Aayusin lang ang buhok mo." Sabi ni Maureen.
"Si Margaux?" Tanong ko sa kanya.
"On the way na. Natraffic daw siya." Sabi ni Maureen.

Nagmessage ako sa kanya pero mukhang nagmamaneho siya kaya hindi sumagot.

"Jaxx... okay ka lang?" Tanong ni Ryker.
"Okay lang pre." Sagot ko.
"Dinadaga ka?" Seryosong tanong ni Brix.
"Wala pa si Margaux." I replied.
"Dadating din yun." Sagot ni Drake.

"Bakit kailangan pa ng make-up?" Naiinis na tanong ni Brix ng nilagyan siya ng ewan ko kung ano tawag sa cream na iyon.
"Para pogi sa screen." Sagot ni Margaux.
Nakita ko siya sa salamin at nakahinga ako ng maluwag. Nandito siya.

"Okay na kayo? Nasaan si Mia?" Tanong ni Margaux.
"Nasa kabilang dressing room kasama si Kimberly." Sagot ni Maureen.

"Okay na ba for you ang buhok ni Jaxx?" Tanong ng hairdresser na nag-aayos ng buhok ko. Malapit ko na siyang tadyakan dahil ayaw ko ng inayos niya. Bakit ba hindi na lang niya pabayaan?
"No..." Sagot ni Margaux na ikinasimangot ng hairdresser.

Lumapit si Margaux sa akin at tiningnan ako mula sa salamin.
"Hi." Bati ko sa kanya.
"Tahimik mo. Kinakabahan ka?" Tanong niya sa akin.
"Yup." Maikling sagot ko.

Inayos ni Margaux ang buhok ko. Her fingers started to massage my scalp. Hindi siya gumamit ng suklay, she used her fingers to comb my hair. Para akong nakipagsex pagkatapos niyang suklayin ang buhok ko.

"Mas okay kaysa kanina?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako.

Minasahe ni Margaux ang batok ko at narelax ako ng kaunti.
"Kaya mo yan, Jaxx." Sabi niya.

"Huwag mong lagyan ng make-up si Jaxx. Malikot siya sa stage at baka humulas pa ang make up mo." Inisa-isa ni Margaux ang mga make-up na dala ng make-up artist.

"Powder lang beh... Huwag mong lagyan ng tint ang lips niya. Baka magmukhang Paulo." Paalala ni Margaux bago siya lumipat kay Brix na pinatanggal niya din ang make-up na nilagay dahil daw makapal.

"Drake... black liner?" Tanong ni Margaux. Ngumisi si Drake at saka tumango.

Inisa-isa nya talaga kami... Tiningnan niya lahat ng ginagawa sa amin. Hindi lang isang beses napagalitan ang hairdresser ko dahil iniba nito ang ayos ng buhok ko.

"Maureen..." Sigaw ni Margaux.
Lumapit si Maureen sa kanya.
"Saan mo nakuha 'to?" Naiinis na tinuro ni Margaux ang naka-assign sa akin.
"Ma'am, fully book kasi si Karen eh." Sagot niya.
"Ialis mo siya sa line-up. Hirap umintindi. Di ba ang sabi ko sa iyo, huwag mong galawin ang buhok ni Jaxx? Ano ang hindi mo maintindihan?"

"Kailangang magstay ng buhok niya..." Katwiran ng baklang nag-aayos sa akin.
"So kailangan mong punuin ng hair spray? Eh di tumigas ang buhok niya." Sagot ni Margaux.
Inabot ko ang kamay ni Margaux para mabaling ang tingin sa akin.

"Huwag ka ng mastress... Magsha-shampoo na lang ulit ako ng buhok." Sabi ko.
"Lumipat ka kay Drake. Beh, palit kayo." Tawag ni Margaux sa hairdresser ni Drake.
"Paki-shampoo mo ulit si Jaxx tapos tawagin mo ako nakag nablower mo na. Please lang, huwag mong suklayin. Use your fingers to comb his hair." Utos ni Margaux.

Nagkasundo rin si Margaux at ang hairdresser ko sa buhok ko. Dati basta nagsuklay ako ayos na. Mukha talaga akong nakipagsex sa ginawa ni Margaux sa buhok ko.
"Sexy..." Sabi ng baklang hairdresser sa akin pagkaalis ni Margaux.
"Alam niya kung ano ang magandang ayos ng buhok mo ah." Sabi pa nito.
"Stylist siya di ba? Malamang, alam niya." Sarcastic na sagot ko.

Nakaayos na kami at naghihintay ng cue sa amin ng lumapit si Kimberly sa akin.
"Jaxx, si Mia, umiiyak." Bulong niya.
Sumama ako kay Kimberly at lumipat ng kabilang dressing room. Hindi na tumuloy si Kimberly at iniwan na kami ni Mia.

Nakabihis na si Mia pero umiiyak siya sa isang tabi.
"Mia, bakit?" I squatted in front of her para makita ko ang mukha niya.
"Jaxx... ang daming tao sa labas." Sabi niya.
Isinandal niya ang noo niya sa balikat ko at saka umiyak.

"Kimberly, okay na ba kayo..." Hindi naituloy ni Margaux ang sasabihin niya ng makita niya kami ni Mia.
"Sorry..." Sinarado niya ang pintuan.
"Shit... Babalik ako Mia." Sabi ko.
"Jaxx..." Mia pleaded.
"Tawagan mo si Ralph." Sabi ko. Palabas na ako ng pintuan ng bumukas ulit ito at nakatayo doon si Margaux.

"Okay lang kayong dalawa?" Tanong niya.

Diyos ko... Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag iniwasan niya pa ako.

UnpluggedWhere stories live. Discover now