Pantene PH @panteneph Congratulations to our lucky winner! Ms. Jennifer Dee! 🎊 Wait for our text on when and where you can meet Dennise Lazaro!
*****
Mika Reyes @mikaaareyes Olats nanaman. ☹️
|
Ara Galang @VSGalanggg replying to @mikaaareyes Aww. Okay lang yan. Libre na kita ticket, tara. Wag ka na sad. 😂
|
Mika Reyes @mikaaareyes replying to @VSGalanggg Oyy di yan bogus ha. Tara, samahan mo na ng ice cream. 😔 Labyu.
*****
Ara Galang @VSGalanggg
Ye, hehe. Una ka na pauwi.
Ayown, ang galing. 😒
Nakasalubong mo ba ex mo at niyaya ka?
Psh. Ang rupok ha.
Aww, selos ka naman agad! Mas love pa rin kita haha! 💕
Whatever. Buti na lang tapos na game ng Cocolife. Buset.
Ingat ka pauwi.
Yes po. 😅 ingat!
*****
Nanatili pa si Mika ng isang oras bago siya nagpasyang umuwi. Pagkalabas ng Arena, nakita niya ang isang maliit na babae na para bang hindi mapakali kaya't umapit siya rito, to ask if she could offer some help.
"Oh my ghad." Sambit ni Mika nang lingunin siya ng babae matapos niya itong tapikin nang mahina sa balikat.
Iniwas naman ni Den ang kanyang braso at tiningnan lang nang masama ang taong tumapik sa kanya. "What do you want? Wala akong pera." masungit na tanong nito.
Natawa si Mika sa narinig. "Grabe, sa cute kong ito napagkamalan mo akong holdaper." Napahawak siya sa kanyang tyan sa kakatawa. "Sige, hinoholdap kita, akin na puso mo." Ngumiti naman na parang tanga si Mika. Well, at least, natawa si Dennise sa sinabi niya. "I'm Mika, by the way, and ako yung medyo cute na driver, hehe." Pagpapakilala niya sa sarili at inabot ang kamay kay Dennise.
"Really?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Dennise. "Nice to see you!" Kinuha niya ang kamay ni Mika. "Saan ka pupunta?"
"Pauwi na, iniwan ako nung kasama ko para sa ex niya." Paliwanag naman nito at nagpout pa. "Pupunta lang ako sa parking lot, ikaw ba?"
"Hinihintay ko yung sundo ko." Ngumiti naman si Den.
"Samahan na muna kita." Sabi ni Mika at pinagpagan muna ang uupuan niya. Naglagay naman siya ng panyo sa katabing espasyo. "Upo ka, oh. Alam kong pagod ka na." Yaya niya.
"Uyy thanks."
Hindi na sila nag-usap muna dahil nahiya bigla si Mika nang ma-internalize niyang si Dennise Lazaro ang kausap niya. Yung crush/idol niyang matagal niya nang gustong makita nang malapitan.
"Heto na pala." Sabi ni Den makalipas ang ilang minuto.
Tumayo si Mika and offered her hand para tulungang itayo si Dennise. "Ingat kayo." Nakangiting sabi ni Mika.
"Yung panyo mo pala."
"Ako na, okay lang naman."
"Hindi, lalabhan ko muna, nakakahiya." pagpupumilit ni Den.
Umiling si Mika. "Sayo na lang po. Ingat ka, idol."
"Thank you. I'll treasure this, cute na driver." Den winked at pumasok na sa kotse.
Napangiti na lang di Mika at pumunta na sa parking lot para umuwi.
*****
Mika Reyes @mikaaareyes Well, that was unexpected. 🙈❤️
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
|
Mika Reyes @mikaaareyes replying to @mikaaareyes Kaso nakalimutan ko magpapicture, na-starstruck ako masyado huhu. ☹️ I hope may next time pa.
|
Ara Galang @VSGalanggg replying to @mikaaareyes What iz d meaning of diz? 😒