One Shot: Petron

2.3K 76 40
                                    




// This would be the last update in this book hehe. So here's a long one. ☺️ Basahin niyo yung "My Bestfriend's ex-girlfriend" na MikaDen one shot sa possibilities na book pero okay lang naman kung hindi, wala naman masyadong reference don hehe. Enjoy 🌻//

*****


2019

Busy kami sa pag-aayos ng gamit. It has been a rough day for us lalo na't kakabalik lang namin mula sa bakasyon. Ika nga nila, enjoy while it last, mahaba haba nanaman ang season na haharapin namin.

Napabuntong hininga na lamang ako at nahiga habang dinadama yung karayom na tinutusok ni PT sa legs ko. Naupo naman si Mela sa tabi ko at pinunasan ang pawis ko, ang tamis naman non pero kadiri dahil galing na iyon sa mukha niya, walang hiya talaga.


"Part, dadaan si Kimmy dito, sabay ka ba?" Tanong niya.

"Di ko pa alam, Part, may pakiramdam akong may dapat akong gawin e." Sagot ko kahit hindi ko pa alam kung ano yun.

"May ka-tinder ka nanaman noh." Mapang-asar niyang sambit at natawa naman ako saka siya pinalo.

"Kaloka! Hindi! Saka hindi ako nagtitinder noh!" Sagot ko at biglang napangiwi dahil sa ginawa ni PT. "Aray, galit ka? Galit ka?" Tumawa naman din siya at umiling.

"Nagsisinungaling ka kasi ata." Sabay hampas ni Mela sa akin. "Ano na? Single nalang forevs?" Tanong nito.

"Chismis ka nanaman." Tumawa ako nang impit saka napabuntong hininga. "Tanga e."

"Ikaw naman kasi."


She gave me that sayang look. Alam ko naman, sobrang sayang, at hanggang ngayon naman din ay nanghihinayang ako sa nangyari.

After our stint in Japan, hindi ko alam kung anong nangyari. Para bang nawala yung connection na nabuo samin during our stay. Pakiramdam ko sa parte ko ay nagpadala ako na sa kanya umikot yung oras ko nung mga panahong yun. Siguro sa akin nalang din, hindi pa ako handa nung mga oras na yun. Mahigit isang taon na rin ang nakakalipas, minsan naiisip ko pa rin yung mga nangyari— Iniisip ko na sana pwede pa, but she probably hates me now after ghosting her— after giving reasons and reasons not to see her until disappearing in her life.

Yes, I know, the feeling is mutual— I hate me too.

Nakapaglinis na kami lahat lahat saka naman kami tinawag ni coach. Nasa may pintuan siya kaya naman lumapit na kami, nakakahiya naman sa kanya dibuuuh?


"So, alam niyo naman ng hindi makakapaglaro si Buding ngayong conference, may bago na tayong libero." Saad ni coach.


Wala pa man ay kinabahan ako sa narinig. There were talks na lilipat siya, ni hindi ko naman din alam kung tapos na ang contract niya— I'm just here hoping na sana siya nga.

Inaamin ko, maliban sa kaba ay nakaramdam ako ng excitement. Pero hindi ko naman alam kung paano hihinga at kikilos kapag nandyan na siya. Sa kakamuni-muni ko ay hindi ko namalayan na ang sinabi ni coach at nakita ko nalang na pumasok yung papalit kay Buding.

Siya nga.


"Kilala niyo naman siguro siya ano?" Natatawang sabi ni coach.

"Ay oo naman, coach!" Hirit agad ni Mela at tumingin silang lahat sa akin.

Like for real? You guys are making it more awkward for me.

"Kilalang kilala ni Yeye yan. Welcome hug naman dyan." Udyok ni ate Ces.

Parang tanga pero sige pa pls.

"Si Denden, bago nating libero." Pagpapakilala ni coach for formality.


Foolish [MikaDen]Where stories live. Discover now