Chapter15

2.8K 144 2
                                    


Chapter15: Preparing

*****

Kellan POV

"Is he ok. Now?" Sabi nang isang pamilyar na boses.

"I think he is." Sabi naman nang isang baritonong boses.

"He will be fine" pag kakasabi naman nang isa pa.

Narinig ko naman na nag bukas at sara ang pinto, at wala na akong narinig na nag uusap, palagay ko ay lumabas na sila.

"I know your awake."

Napamulat naman ako nang mata at naupo. I saw Brix sitting beside me kung saan ako naka higa. Nilibot ko ang paningin ko at alam kong kwarto niya ito. So ibig sabihin? Hindi panaginip ang nangyari kagabi?!

"How are you? Are you feeling well now? May masakit ba sayo?" Nag aalalang sabi nito saka nilagay yung kamay niya sa noo ko.

Ang sarap sa feeling nang inaalagaan ka nang taong mahal mo, pero sumagi sa isip ko na hindi niya pala ako mahal. Tinampal ko ang kamay niya na nasa noo ko at dahan dahang tumayo, wala namang masakit saakin kaya palagay ko ay ayos lang ako.

"Hey, take some rest first." Sabi nito pero hindi ko ito kinibo.

Tinignan ko ito nang seryoso. Napaka amo nang mukha niya na parang walang bahid nang  kasalanan, ang sarap sa feeling na kasama ko siya ngayon pero mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siya dahil naaalala ko kung paano sila mag halikan nung panahon na nasa harapan pa nila ako.

Tatayo na sana ako nang bigla ako nitong hilain at napahiga ako ulit sa kama niya. Teka? Kaylan pa nag ka kama tong lalaking to? Dinaganan niya ako at siniksik ang ulo niya sa leeg ko.

"You smell good, kahit na hindi ka nakapag hilamos kagabi haha" pang aasar nito.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya magawang itulak, may parte sakin na gusto ko ang ginagawa niya pero nandun parin yung sakit at guilt na kung makita kami nung girlfriend niya sa ganitong sitwasyon ay baka hindi lang balibag ang abutin ko.

Nag pupumiglas ako sakanya at itinutulak siya nang bahagya pero mas lalong humigpit ang pag kakahawan niya sakin.

"Brix. Hindi tama to" mahinang sabi ko sakanya.

Napatingin naman siya sakin na parang napaka inosente niya at wala siyang ginawang kasalanan, teka? Bat naman siya mag kakasalanan? E hindi naman kami, ako lang naman tong mahilig mag assume.

"Hindi tama ang alin?" Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya at dahan dahan nang tumayo.

"Brix, May girlfriend ka. Ayoko naman na mag away kayo dahil lang dito, saka ano mo ba ako? Wala naman diba?" Seryosong sabi ko dito, ayoko nang eksenang ito dahil alam kong iiyak at iiyak ako.

"What? Anong wala, Your my friend." Seryoso ding sabi nito.

Para akong sinibat nang isang daang beses sa sinabi nito. So lahat nang iyon ay wala lang? Lahat nang iyon ay pawang pag kakaibigan lamang? Lahat nang iyon ay dahil kaibigan niya ako?! Putangina!!!

Napayuko nalang ako at nagpunta sa pinto. Pero bago ako lumabas,

"Next time, don't act as if you care. Napaka pa fall mo." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.

*****

Lumipas ang tatlong araw. Ang atlong araw na puno nang drama, pag iyak, at pag sisisi. Maraming bakit, at sana akong gustong sabihin, pero lahat nang iyon ay napako dahil kaibigan lang ang turing nang taong mahal ko saakin. Siguro ganun talaga no? Mahirap tamaan nang pana ni kupido, pero mas mahirap ang mahalin ang taong may mahal nang iba.

That Volleyball Player Is a Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon