Chapter20

3K 124 4
                                    


Maraming maraming salamat po sa inyong pag babasa! Malapit nang matapos ang ating storya pero kahit ganun pa man ay sana patuloy nyo paring suportahan ang aking ibang gawa, lubos po akong nag papasalamt sa pag tyatyaga sa pag babasa, salamat po talaga! 😊❤️

****

Chapter20: History

******

Kellan POV

"Mag pahinga kana muna" nakangiti na sabi ni Aunt Erta at unalis sa harapan ko.

Sumilong naman ako sa malapit na puno, nandito kami ngayun sa likod nang bahay ni Aunt Erta. Napakalaki nang bahay nito, mararamdaman mong makapangyarihan talaga siya base narin sa mga galaw niya. Nakaka takot siya nung umpisa niya akong tinuruan.

Apat na araw na rin ako rito. Hangang ngayun ay pinag aaralan ko parin kung paano pakalmahin ang sistema ko. Madali kasi akong kabahan, napaliwanag narin saakin ni Aunt Erta na hindi kinakabahan ang mga bampira kaya wala silang kinatatakutan. Hindi na kasi tumitibok ang puso nang mga ito kaya wala silang pakiramdam, kumbaga manhid sila. Sabi pa niya na sa pag mamahal lang sila hindi nagiging manhid.

At sa mga taong lobo naman, malakas daw ang pakiramdam nang mga ito, gaya nang mga bampira. Pero ang kaibahan nga lang, naamoy nang mga lobo ang isang nilalang kung ito sa kalaban o kakampi, sa mga bampira naman ay kapag naamoy nila ang dugo nang isang nilalang dun nila malalaman kung kakampi ito o kalaban.

Sa apat na araw kong pananatili dito sa ika apt na bundok ay masasabi kong masaya na mahirap. Masaya dahil nalaman ko na kung sino ang totoo kong ina at ama. Alam ko narin kung paano ko gamitin ang kapangyarihan ko, nabiyayaan din ako nang magandang regalo mula sa diyosa nang buwan. Kaya kong hindi tablan nang kahit anong mahika, May pambihirang harang na naka paloob saakin. Kaya ko ring gumawa nang harang kung sakaling may papuntang sibat o ano mang sandata na maaaring masaktan kami.

Noong una ay natutuwa ko kung paano gamitin ito pero may kaakibat itong malaking pasanin. Kaya pala ako ang puntirya nang mga nakakataas na bampira ay gusto nilang sumanib ako sa kanilang grupo para pamunuhan ang buong mundo at gawing alila ang mga normal na tao.

Sa mga magulang ko naman, sila ay may nilabag na batas kaya sa kasamaang palad ay wala na sila ngayun. Ang aking ama ay isan bampira, at ang aking ina ay isang lobo. Nag karoon sila nang relasyon at doon ay nabuo nila ako, mali ang naging relasyon nila pero ipinag laban nila ako, isa si Aunt Erta sa mga naging saksi kung paano nila ako ipinaglaban. Gusto daw nang mga namumuno sa dalawang lahi (Bampira at Lobo) na ipalaglag ang bata dahil isang malaking kasalanan ang kanilang nagawa.

Inilagay ako nang aking ina sa isang balde na walang tubig at ibinaba ako sa balon. At doon daw ako natagpuan ni Aunt Erta, at ibinigay ako sa mga nakagisnan kong magulang. Sinubukan daw balikan ni Aunt Erta ang magulang ko para tulungan silang maka takas pero nabigo ito. Nakita niya itong naka handusay sa lupa at naliligo sa sariling dugo.

Hindi ko maiwasan ang hindi magalit at maawa sa naranasan nang aking mga magulang. At ngayon nga ay ako ang tinutugis nang mga nakatataas na bampira para anyayaan ako sa kanilang grupo, at kung hihindi ako ay kamatayan ang kapalit. Pero buo na ang desisyon ko, ipag hihiganti ko ang aking mga magulang. Magbabayad sila.

"Ipagpatuloy na natin. Bukas ay mag lalakbay tayo papuntang balonya para maipakilala kita sa iyong mga kamag anak" nakangiting sabi nito kalaunan ay naging seryoso.

Nag lakad ulit ako sa gitna nang malawak na buhangin at umupo. Huminga ako nang malalim na sinabayan naman nang malakas na hangin an tumama sa aking mukha.

That Volleyball Player Is a Vampire Where stories live. Discover now