Prologue

637 30 8
                                    

Third Person POV:



"Sa tingin mo ba, uuwi sila kapag namatay ako?" tanong ng 9 year old na batang babae sa kanyang nilikhang robot. Pero hindi ito sumagot sa kanya, nakatingin lang ito habang siya ay umiiyak na nakaharap sa papalubog na araw. Nakatayo sila sa gilid ng bangin at sa ibaba nito ay ang dagat na 'pag nahulog ka ay tiyak na mamamatay ka.


''bakit ganun, gusto ko lang naman silang makasama" humarap siya sa robot " tell me honestly, pangit ba 'ko?" umiling ang robot at sinabing " hindi, Mara, kahit sino pang tatanungin mo, maganda ka at walang makakapantay sa ganda mo, tandaan mo yan" sabi ng robot sa kanya habang nakatingin ito sa kanya ng mata sa mata.



"paano kung makalimutan ko? paano kung mas gusto kong kalimutan ang lahat, as in lahat sila, at magising ako sa isang umaga na wala na akong kinikilalang mga magulang, mga kaibigan na hindi batid kung tinuring ba talaga akong isang kaibigan. Paano kung yun ang gusto kong mangyari sa buhay ko? yung wala akong kinikilalang kahit sino at wala akong mamahalin, para kahit ilang ulit nila akong iwan at kahit hindi na balikan, hinding hindi ako masasaktan. Paano kung yun ang piliin kong landas? hindi nakasagot ang robot dahil hindi pa naman nito naranasang masaktan dahil sa pang-iiwan.



" ano ba talagang mali sa'kin?"



"ha-ha-hahahahaha....... nakalimutan ko na may deperensya pa pala ako, hahahahaha yun pala ang dahilan" natatawa siyang sinasabi iyon sa robot habang tumutulo din ang kanyang mga luha. Muli siyang humarap sa papalubog na araw.


"alam mo? kung wala ka? hindi ko alam kung sino ang pagsasabihan ko ng lahat ng hinanakit ko, lahat ng sama ng loob." she lean her head on the robot's shoulder.


"lahat ng sekreto ko ikaw ang nakakaalam, kapag malungkot at nasasaktan ako ikaw yung nandiyan para damayan at pagalingin ako, ikaw din ang laging nandiyan kapag masa-- ay hindi pala ako naging masaya" umayos siya ng tayo.


Hayss............


"Nga pala, naka-isip na ako ng pangalan mo, Zymon.........Zymon Aramas, galing yan sa pangalan ko..... Zyra Montana at yung Aramas naman, ahmp.... binaliktad ko lang yung Samara hehehe wala na akong maisip. Ngumiti naman si Zymon na mukhang nasasayahan sa kanyang pangalan. Nakakaramdam si Zymon ng lahat ng nararamdaman ng isang tao, kung titingnan ito ay para talaga itong tao, hindi talaga mahahalata na isa siyang robot dahil kahit sa pananalita niya ay para ring isang normal na tao.



"Zymon....." tawag niya dito at lumakad siya sa harapan ni Zymon, bali nakatalikod si Mara sa bangin.


"Tandaan mo at huwag mong kakalimutan, ........panatilihin mong laging si Faceless Empress ang laging mangunguna at laging mananalo sa lahat, 'wag mong hahayaang magkaroon siya ng kahit isang talo sa lahat ng laban niya, tandaan mo yan. Ipakita mo sa kanila na si Faceless Empress ay hindi talonan." pagkatapos ni Mara na sabihin iyon ay hinaplos niya ang pisngi ni Zymon. "huwag mo ring papabayaan ang sarili mo, mag-ingat ka palagi at lagi mo ring tatandaan na mahal na mahal kita aking nilikhang kaibigan"


"Mara........" nababahalang sambit ni Zymon sa kanyang pangalan, na hindi maunawaan kong bakit niya ito sinasabi at kung bakit marami itong bilin.


Ngumiti si Samara na naluluhang nakatingin kay Zymon habang haplos-haplos ang pisngi ng robot. Humakbang paatras si Samara at sinabi ang kanyang huling salitang ........paalam....... bago ito tumalon sa bangin.

"Samara!!!!!!!"




This is a english filipino story, Taglish.

His Muted Wife Is A Faceless Mafia EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon