Chapter 1

411 17 0
                                    

Sarah POV:

"Magandang umaga po Señorita" bati ko kay Señorita Samara ng makapasok ako sa kanyang kwarto. Hindi siya sumagot dahil hindi naman talaga siya sumasagot, pero hindi dahil snob siya kundi pinagbawalan lang talaga siyang makipag-usap at magsalita. Nakaupo lang siya sa couch at nakatingin sa kanyang laptop habang nakamaskara, dahil hindi rin pwede na makita ng ibang tao ang kanyang mukha maliban sa kanyang mga magulang at lola.

"kukunin ko lang po yung labahan niyo" pagpapaalam ko.

Tumungo na ako sa banyo at kinuha yung basket ng labahan, pagkatapos ay pumunta naman ako sa walk-in closet para kunin ang iba pang damit na kailangang labhan. Nang malapit na akong matapos may biglang kumalabit sa likuran ko kaya lumingon ako at nakita ko si Señorita na nakataas ang kanyang kamay na may hawak na kwentas?

"bakit po Señorita?" at suminyas siya na tumalikod ako kaya yun ang ginawa ko. Isinuot niya mula sa aking likuran ang kwentas na hawak niya kanina at pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa harap ng salamin.

" wow, ang ganda po Señorita" sabi ko ng may galak. Ang ganda talaga nito, isang gold na kwentas at may pendant na maliit na bilog na may nakapalibot na maliliit na diamonds, ang lakas makamayaman look nito, hehe.

"akin na po ba 'to?" tumango naman siya sa tanong ko. Yes!! "totoo po?" tanong ko ulit para makasigurado pero tumango sya ulit kaya napahiyaw ako sa tuwa.

"sobrang maraming salamat po talaga Señorita" sabi ko at niyakap ko siya dahil sa tuwa, pero binawi ko agad ang yakap ko dahil baka masisante pa 'ko.

"sorry po, nadala lang hehe" paghingi ko ng dispensa. Grabe hitsura pa lang ng kwentas na 'to mamahalin na, kahit pagsama-samahin yung sweldo ko sa isang taon di ko parin mabibili 'to. May inabot siya sa 'kin na papel kaya binasa ko ito.


   Thank you for giving me a good service and as a gift I'll give you the necklace but I want you to  always wear it and take care of it. And also, I do fasting today, I started it last night so you don't need to send my foods today until tomorrow night. I also want you to not come in here until tomorrow night cause I want to be alone.

"ah ok po Señorita kayo po ang bahala, bukas ng gabi ko nalang po dadalhin 'tong mga damit niyo" tumango lang siya at lumabas na ng closet, kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko kanina.

Kinabukasan........

Nang matapos na 'kong maglaba at mamalantsa pumunta agad ako sa kusina para kumain ng agahan. Pagpasok ko nakita kong naghuhugas na ng plato ang dalawang katulong at may tatlo pang naglilinis dito sa kusina. Kumuha ako ng plato at kutsara at dinala ito sa mesa kung saan nakahapag ang mga pagkain.  Nang magsimula na akong kumain may lumapit sa aking isang maid na may dalang tray ng pagkain at inumin.

" gumawa ako ng agahan para kay Señorita Samara " sabi niya sa akin at inilapag ang tray sa gilid ko.

"Oh? " sagot ko sa kanya habang nakataas ang kanang kilay ko.

" diba ikaw ang personal maid niya? alam kong marami ka pang ginagawa kaya tinulungan na kitang maghanda ng pagkain ni Señorita" paliwanag niya.

Tumayo ako sa kinauupoan ko at hinarap siya "Una sa lahat hindi ko kailangan ng tulong mo, pangalawa, paano mo nalaman na ako ang personal maid ni Señorita gayong isang araw ka pa lang dito, at pangatlo sa pagkakaalam ko tagalinis ng mga silid ang trabahong nakalaan sayo hindi tagahanda ng pagkain dito sa kusina, tama ba ko?" nakatingin ako sa kanyang mga mata habang sinsabi yun at parang hindi siya mapakali dahil kung saan saan palipat-lipat ng tingin ang mga mata niya. 

His Muted Wife Is A Faceless Mafia EmpressWhere stories live. Discover now