18: THE EVENT

1.6K 56 0
                                    


This is it pancit! Kinakabahan ako, kasi andaming tao dun baka macriticized pa ang family nila dahil sakin, alam niyo na kasi gay ako tapos wala naman akong big name sa business,  tapos-

"Weign tara na kanina ka pa dyan sa kotse, nag ooverthink ka na naman noh? Wag ka nang kabahan, tara na" sabi niya at binuksan ang kotse at inalalayan ako

"Bakit sarado yung pinto?" Takang tanong ko kasi naman

"Para grand entrance ka, sinabihan ko sila na pagkumatok ka pagbuksan ka nila, atsaka nakita na ako kanina sa loob, tagal mo kasi dyan so una na ako" sabi niya at kumatok ng tatlong beses sa pinto at biglang takbo

Puta! What to do? What to do!? Hala ayan na na! Ayan na! Mag oopen na siya! Syet think! Act as a goddess walking at the aisle all eyes will see...

At pagbukas ng pinto nakatingin lahat ng tao sakin, at ang lahat ay gulat ang reaksyon, kahit yung mga nagbukas ng pinto..

Dahan dahan akong naglakad sa gitna at hinanap si mark, at nakita ko siya at ang family niya kaya dumeretso ako dun...

Habang naglalakad naririnig ko ang ilan sa bulungan ng mga taong nakakakita sakin...

"Who is she?"

"I don't know but she looks like a big business holder"

"I've never seen someone like her in this industry, she's so stunning"

"Oh that, I know her we're friends in our highschool" etong statement na toh ang nag palingon sakin, pero hindi ko makita kung sino nagsabi nun

At nagulat na lang ako nang alalayan ako ni mark sa paglalakad at hinatid sa table nila, at nakangiti akong binati ni tita at tito...

"Weign is that you? You look so gorgeous" sabi ng mama ni mark at nag thank you lang ako sa kaniya

"Oh so this is weign? Nice meeting you" sabi ng papa ni mark sakin

"Nice meeting you din po"  sagot ko na lang

"Ladies and gentlemen let us welcome the couple with our applause, Mr. And Ms. Sarmiento"

"Kaya pala di ko nakilala tong gagong toh, from cruz to sarmiento" bulong ko sa sarili ko

"Dagdag mo pang gumwapo talaga ako ng sobra at di mo ineexpect na magiging ganito ko kasuccesful" rinig kong bulong sakin ni mark

"Myghad biglang lumamig" pang aasar ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako

"And let us welcome the successful heir of this family, Mr. Mark henz sarmiento" sabi ng mc at tumayo si mark para pumunta sa stage at pinalakpakan siya ng mga tao

"Firts of all I would like to thank everyone for coming to this very special event, I would like to thank my dad for coming to our life and saving my mom from.......... mom and dad I love you and my wish for you is to live long and be happy together... and mom, dad and everyone I would like to introduce to you the newest member of this family, my one and only fiance, Weign" mahabang speech niya at ikinagulat ko na tinawag niya ako sa stage myghad na freeze ata ako dito

"Weign come here" sabi niya pa ulit at tumayo na ako at naglakad papunta sa stage at ang lahat ay pumalakpak at naririnig ko na naman ang mga bulungan pero hindi bad comments ang binibigay kung hindi good comments at surprised comments

"He's too shy, but, everyone meet my fiance weign the newest part of our family" pag iintroduce uli sakin ni mark at pumalakpak uli ang mga tao

At nag start nang magparty party ang mga tao, I mean alam niyo na pag event na nang elders puro labasan ng alak at kainan lang habang may tumutugtog at kumakanta tapos kwentuhan lang about business at sa table naman namin...

"Omo weign napakaganda mo pa rin talaga, pagkakaalala ko nung grade 8 ka sobramg cute mo lang, ngayon sobrang ganda mo na at napaka fierce mo pa, feeling ko bagay ka sa business industry,  ano bang pangarap mong business?" Sabi ng mama ni mark sakin

"Eh, ang gusto ko po sana is magkaruon ng sariling company, which covers magazine, restaurants and clothing line, but right now dahil sa pang ilang buwan ko pa lang sa company ko, kailangan ko pa mag ipon, atsaka feeling ko po okay na ako sa current na trabaho ko" mahabang sabi ko sa kanila

"So gusto mo pala ng sariling clothing line, why not cosmetics na din, We'll gladly help you" biglang sabi ng daddy nI mark

"Oo nga tulungan ka namin, tutal part ka naman na nang family namin" dagdag pa nang mama ni mark

"Tinatanggap ko po ang offer niyo" nagulat ako ng sabihin ni mark yun

"Ikaw ba tinanong?" Sagot sa kaniya ng kapatid niyang lalake? Don't mind the question mark

"Eh mag ooverthink lang yan, sasabihin niya lang "ah eh" pero gusto niya tanggapin pero ang daming iisipin niyan" sabi ni mark

"Ilang taon na bang kayo at alam na alam mo na lahat sa kaniya" sabi ng mama niya at tumawa ng konti

"Wag kang nung highschool kami di yan matigil kakakwento sakin ng tungkol sa kaniya tapos mamayamaya magdadrama bigla" sabi ni mark at tinignan ko lang siya ng masama para tumigil na sIya

"Paanong help po?" Natanong ko na lang

"May patapos na kaming building na pinapagawa patapos na yun next week, pwede yun mag serve as the main company mo, pwede na din naming bilhin yung pinagtatrabahuhan mo at sila na ang bahala sa magazine line mo at ikaw nang bahal sa clothing at cosmetic line mo" sabi ng papa nI mark, and I'm surprised that he's participating in helping me and I'm amazed that he's entertaining me knowing that I'm a gay person

"Di po ba magiging insult yun sa company ni ms daeliin,  atsaka parang yung biglang pagsulpot ng company ko is insult sa mga matagal na sa industry? " tanong ko dahil kung anek anek na naman ang pumapasok sa isip ko

"Myghad mark tama ka nga overthinker nga toh si weign" natatawang banggit ng mama ni mark

"Oh dear don't worry, naghahanap na din naman ako ng papalit sakin" biglang sabi ni ms daeliin sa likod ko na ikinagulat ko

"Ms daeliin andito po pala kayo" sabi ko at bumati sa kaniya, at pinaupo siya sa tabi ko

"So anong pinaplano niyong gawin?" Tanong ni ms daeliin samin

"Dahil nabanggit ni weign na gusto niya ng sariling comapny which covers magazine, clothing line and gusto ko dagdagan ng cosmetics, may building kami na pwedeng ibigay sa kaniya at magserve as a main company,  at sabi ni hubby na bibilin niya yung company mo para kayo na ang bahala sa magazine line ni weign at bahala na siyang magstart sa clothing at cosmetic line niya" mahabang sabi ng mama ni mark

"Oh, wag na, I can pass it on him naman, tutal I'm old without any successor I can just give it to him" sabi ni ms daeliin na ikinagulat ko

"So it settle then lets continue all of this talkings when the company is completed" sabi ng papa ni mark, magsasalita na sana ako

"Oh dear don't worry kami nang bahalang magstart para sayo, syempre kailangan pa rin namin ikaw para mafinalize lahat lahag, kaya mag isip isip ka na sa damit na irerelease mo" sabi ng mama ni mark

"Thank you po talaga, thank you"  nasabi ko na lang sa kanila

I Fell in Love with A CelebrityWhere stories live. Discover now