Episode 14

31.6K 1.8K 524
                                    

Episode 14:

Naalimpungatan na lang ako bigla. Disoriented pa ako noong una nang magising kaya nagtaka pa ako kung nasaan ako pero mabilis ko rin namang na-realized na nasa room pala ako ni Rosendale. I fell asleep without me knowing. Sabi ko kanina pipikit lang ako, eh.

"Ay, shit." I whispered a curse nang mapalingon ako dito sa babaeng katabi ko at nakitang titig na titig siya sa akin. Naka-side ang bangs niya kaya malaya kong napagmasdan ang mata niya. "Natulog ka ba?"

Bumangon ako at marahang kinapa ang noo niya. Hindi na ito mainit unlike kanina.

"Oo, pero saglit lang." Mahinang sagot niya, obvious na wala pang energy. Mas okay pala talaga siyang kausap kapag ganitong may sakit, eh. Bumabait.

"Ilang oras akong natulog?"

"Three hours, I think." she answered, "Malapit nang mag-two. You haven't eat lunch yet, right?"

Tango ang sagot ko sabay hawak sa tiyan. Saka ko lang naramdaman ang gutom. Great, mas marami pa akong naitulog kaysa sa mismong may sakit.

"Can you move now? Palit ka munang damit, pinagpawisan mo na 'yan, eh."

"Help me."

"Okay."

This was somehow new to me, nag-uusap kami ng walang halong pagtatalo. How I wish she will ailways get sick but that will be so mean in my part.

Nagpunta akong banyo para kumuha ng isang palangganang tubig at towel at inilagay sa sahig, sa gilid ng kama, after that ay kumuha naman ako ng pamalit niyang damit, even her underwear na halos lahat ay kung hindi black, red and purple naman ang kulay. Halos lahat ng damit niya ay tshirt at short, puro pambahay. It's easy to interpret that she's not the type who goes outside a lot.

Nakasandal na siya sa headboard nang maabutan ko. Nakaharang na naman sa mata niya ang mahabang bangs. Lumingon siya sa direksyon ko so I know that she's looking at me.

Tahimik akong naupo sa tabi niya. Binasa ko ang towel at piniga and then I proceeded wiping the skin of her neck gently. She shivered a bit, but didn't say anything so I guess the water's fine.

"Nahihilo ka pa ba?"

"Yes, but it's more tolerable now unlike kanina."

I just nodded. Sinunod ko namang punasan ang braso niya, pati likuran at tiyan. After no'n ay nag-alangan na ako kung pati ba dibdib niya ay pupunasan ko. Damn it! "I-ikaw nang magpunas sa dibdib mo."

Walang imik na sinunod niya ako. I even gasped when she took off her bra at basta na lang iyon inilagay sa tabi. She's still wearing her shirt but...her nipples were so obvious! Napaiwas na lang ako ng tingin. Para akong tanga.

"Done." I heard her say.

This was torture and I didn't fucking know why.

"Punasan mo na rin ang binti mo." I was so thankful that I didn't stutter or else may mahahalata itong babaeng 'to.

She just nodded and obliged. Ang bait talaga kapag may sakit. I was just watching her until she finished wiping her skin. Somehow, nagmukha siyang okay. Still pale but pwede na.

"Kaya mo nang magpalit ng sa sarili mo lang?"

She shook her head. "Assist me."

Tumango ako. Itinaas niya ng bahagya ang kamay. Wala naman sa sarili na itinaas ko ang damit niya paalis. Napahugot pa ako ng malalim na hininga when I saw her upper body without anything. I completely forgot that she took off her bra first!

Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon