Chapter 1 - Gulay

49.2K 155 2
                                    


LIRA

"Uy mare bakit ka umiiyak?" pag aalalang tanong sa akin ng best friend ko na si Jellie. "Diba dapat happy tayo dahil graduate na tayo?"

"Masaya ako Jell, kaso gusto ko sana makapag kolehiyo kaso wala naman akong pera para makapag patuloy sa pag aaral" sagot ko habang pinupunasan ang aking pisngi.

"Wag kang mag alala, maraming paraan. Pwede namang maghanap muna ng trabaho at magipon pagnakaipon na mag working student ka, wag ka mag alala andito naman ako Lir aagapay sayo"

Si Jellie lang yata ang kayamanan ko sa mundo, at kaisa isa kong matalik na kaibigan. Masaya ako para sa kanya dahil kahit na ito ay mayaman ay hindi nya ako nilayuan at may pamilya siyang nakasuporta sa kanya habang sa akin wala.

Matagal nang hiwalay ang mga magulang ko at may kanya kanya na ring sariling pamilya iniwan lamang ako sa tiya ko na kapatid ng papa ko.

Mabait si Tiya Corazon sa akin, pati ang mga pinsan kong si kuya Jason na nasa edad bente otso at si Jacob na kasing edad ko, ngunit tulad ko mahirap lang din ang tiya ko. Sa totoo lang ginapang lang niya ako para makapag aral ng high school dahil hiwalay na rin sila ng asawa nito at tanging pagtitinda ng gulay ang ikinabubuhay nito habang ako at si Jacob ay nag aaral.

Nahihiya na rin ako kay tiya kaya kahit gusto ko sana mag kolehiyo ay hindi ko magawa sa ngayon tutulungan ko muna itong maghanap buhay.

__________

"Tiya tulungan na kitang maglako ng gulay" habol kong saad habang papalabas ang tiya ko. "Wag na Lira, maglinis ka na lamang ng bahay at ako na bahala dito, siya nga pala may uupa na sa kabilang kwarto kaya linisan mo na rin muna" tumango ako bilang pag sang ayon. Hindi muna ako maliligo, nagpalit na lamang ako ng maluwag na puting tshirt mula sa tokador ko at hindi na nag atubiling palitan ang napakaiksi kong short pantulog. Wala naman palaging tao dito kundi ako lang. Maaga pa kung umalis si Tiya upang maglako ng paninda nito at hapon na kung bumalik, habang si Jacob naman palaging nasa lakwatsahan uuwi lang pag kakain at sa barkada niya nawiwili, si Kuya Jason naman ay nagtatrabaho sa isang construction company.

Agad kong kinuha ang susi sa may aparador at sinimulang maglinis sa kabilang kwarto.

"Tara pasok ka sa loob sir..Lira?" rinig ko ang boses ni kuya Jason mula sa sala, andito pa kasi ako kwarto na uupahan na sabi ni Tiya.

"Andyan na" sagot ko nang muling marinig ko ang pagtawag ni kuya Jason sa pangalan ko.7 "Maghanda ka ng makakain namin" utos nito at muling kinausap ang bisita nito. Tumalikod ako at napasimangot, eto lang kasi ang pasaway dito sa bahay. Palagi kasi akong inuutusan daig pa ang may katulong.

Agad kong ininit ang ulam namin ng tanghalian, pati kanin ininit ko na rin baka na naman sungitan ako ni kuya. "Andyan na" sagot ko nang marinig ko ang muling pagtawag nito sa pangalan ko, kumaripas ako ng takbo habang daldala ang isang tray ng umuusok na ulam at kanin.

"Siya nga pala Lira, siya ang boss ko si Sir Mike siya ang uupa sa kabilang kwarto. Sir Mike si Lira pinsan ko." Pagpapakilala ni kuya sa amin. Agad ko namang inabot ang kamay nito at naramdaman ang mabining pagpisil nito sa palad ko babawiin ko na sana ang kamay ko nang mapatigil ako dahil titig na titig ito sa damit ko.

Nabitin tuloy ang pag ngiti ko at takang napatingin sa harapan ng damit ko, ilang segundo din ang lumipas ng mapagtanto ko kung ano ang tinitignan nito.

Nagiinit ang pisnging napatingin akong muli dito, at mas lalong naiinis ako dahil sa nakangisi ito, wari bang nanunukso.

"Excuse po" hila ko sq kamay ko at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko na pawis na pawis, bakit ang tanga ko? of all time ngayon ko pa nakalimutang mag suot ng bra, bakat na bakat tuloy ang hindi dapat makita.

"Kapag minamalas ka nga naman" nagpasya akong hindi na muling lumabas wala na akong mukhang ihaharap sa boss ni kuya Jason. Rinig ko pa ang kwentohan nila at paminsan minsang tawanan.

Halos isang oras din ang lumipas ng marinig ko ang muling pagtawag ni Kuya Jason at pagkatok nito sa kwarto ko.

Bumaba ako sa katre ko at pinagbuksan ito, "Hinihingi ni sir Mike yung number mo ibigay ko ha?"

Kunot ang noo at nagtatakang nakatingin lang ako kay kuya. "Pero bakit?" Infairness ang bait nito sa akin ngayon eh palaging masungit yun.

"Basta" maiksing sagot nito at tumalikod na. Nagkibit balikat nalang ako at nahiga sa matigas na katre.

__________

LIEANN RAYNE "Lira" GOMEZ


Please vote and comment.

🖤Vann

Leandro's Obsession | R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon