She died

241 16 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.

Plagiarism is a crime.

------

Hi guys its me again gagawa na naman ako ng panibagong one shot,kung mapapansin niyo minsan lang ako sumulat o gumawa ng one shot,that's because yung mga one shot na ginagawa ko is based on my dreams/panaginip,usually pag ako nananaginip ng kakaiba or ng kagaya ng mga nasulat kong one shot,sinusulat ko siya agad pagkagising ko kasi pag tumagal nakakalimutan ko na,nawawala na sa isip ko

And kyng mapapansin niyo din kadalasang ginagamit kong names sa story ko eh ang pangalan ko talaga which is Rica,tapos ang partner ko naman ay si ano! Diko na imemention,basta ayon pag names kasi namin yung ginagamit ko sa story mas naiinspire akong magsulat o gumawa

So here it is,hope you like it

*****

RICA

Kasal daw ako,oo tama,kasal ako sa taong hindi ko manlang kilala o nakikita manlang,weird diba?parang forced marriage ang naganap,pero ewan ko ba,wala akong nagawa eh

Bukod dyan namatay din ang lolo ko,oh diba sobrang tragic na agad ng kwento ko eh di pa nga nagsisimula

Nagsimula ang story na to nung pumunta ako at ang mga kaibigan ko sa school nina Nash,ewan ko ba,mga kaibigan ko lang naman talaga ang may gustong pumunta don pero dahil supportive ako eh sinamahan ko na

So as I was saying andito kami ngayon sa isang room,may kasama kaming teachers

"Maganda dyan sa STEM." sabi nung isang teacher na babae sa mga kaibigan ko

"Eto na po yung kukunin namin." sabi nung isa sa mga kaibigan ko,si Vina

"Oh sige,eto yung mga forms o papers para mas mapagaralan niyo pa." tapos inabutan sila nung isang teacher ng forms

"Di ka kukuha?" Tanong nung isang teacher sa kaibigan ko,na katabi ko din,si Zia

Tumingin lang muna sakin si Zia,nagusap kasi kami eh,na di kami kukuha ng STEM na strand

"Kumuha na kayo." sabi pa ni Bea,isa sa mga kaibigan ko

"Kuha na tayo Rics." sabi pa niya,di nalang ako sumagot

Maya maya kumuha na si Zia ng form,dalawa yon at inabot niya saken yung isa

Binasa ko,pero di ko na tinapos wala akong balak

Natapos yung pakikipagusap namin sa mga teacher,kaya ayon lumabas na kami ng room at naglakad lakad

Maya maya nahinto kami sa tapat ng isang room

Then pagtingin ko 10-lacerta nakalagay,which means section nina Nash

Wala silang teacher,kaya nung una nagdalawang isip pa ko kung papasok ako sa loob

"Uy Rics wag mong sabihin na pupuntahan mo siya?" Naiiling na tanong ni Vina

"Edi hindi ko sasabihin." mataray kong sagot at akmang maglalakad na papunta sa room nina Nash ng pigilan ako ni Bea

"Rics naman,wag!" pigil niya pa saken

"Eh nandito na tayo." sabi ko pa tapos tinaggal ang pagkakahawak ni Bea sa braso ko

Pumasok ako sa room nila at sumigaw "nasan si Nash?" Pero walang sumagot na ni isa sa kanila so ayon hinanap ko siya,hanggang sa nakita ko siya sa harapan,mukhang iritado ang mukha niya

Parang di niya nagustuhan ang pagpunta ko,ayaw niya kong makita

"Umalis ka na!" yan lang ang sinabi niya,di ako naka-imik

"Obviously ayaw ka niyang makita o makausap manlang." sabat ni Zion

Lumabas ako ng room nila

Pero maya maya nagdesisyon din akong bumalik sa loob,oh diba muntanga lang?pero diko sasayangin ang pagkakataong ito,sasabihin ko na sa kanya lahat ng gusto kong sabihin,yung mga hinanakit ko,ng matapos na

Tutal ilang buwan din kaming di nagusap o nagkita

"Nash pagod na pagod na ko alam mo ba yon?ang sakit sakit na,unang una kinasal ako sa taong di ko pa nakikita,pangalawa namatay si lolo,di ko na alam,sorry sa abala" then i left him

Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero di ko na siya nilingon

NASH

Days passed after nung nangyare pero di ko na muling nakita si Rica,di na siya nagparamdam ulit,kahit chat o tawag wala eh

Hanggang sa isang araw may biglang nagchat sakin,kapatid ni Rica

Rina: kuya Nash pumunta ka dito sa hospital ngayon,si ate

Pagkabasa ko non agad akong nagtungo sa ospital na sinasabi ni Rina

Kinabahan ako bigla

Nang makarating ako don,agad kong hinanap yung room ni Rica

1824 ang room niya

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Rina nakatayo,then there I saw her,si Rica,nakahiga,walang malay at may tubong nakakabit sa kanya

"Kuya Nash si ate." mangiyak ngiyak na sabi ni Coleen

"Anong nangyare?" Tanong ko

"Naaksidente siya,coma siya ngayon kuya." di ako naka imik sa narinig ko

"Kuya may kailangan kang malaman." sabi pa niya at may iniabot sakin na envelope

"Kasal kayo ni ate,ikaw yung asawa niya na hindi niya kilala." parang tumigil yung mundo ko sa mga narinig ko

Binasa ko yung nasa papeles,tama nga si Rina,kasal kami ni Rica

"Maiwan muna kita kuya,bibili lang ako ng pagkain sa labas." tapos lumabas na siya,ako naman naupo sa may gilid ng kama ni Rica at hinawakan ang kaliwa niyang kamay

"I'm sorry bal,hindi ko sinasadya,gumising ka na dyan oh,namimiss na kita,gusto ko ng makita yung ngiti mo sa labi,gusto ko ng marinig ang boses mo,diba sabi mo hindi mo ko iiwan?kaya lumaban ka ah?wag mo muna akong iwan,hindi pa ko handa,babawi pa ko sayo eh,diba bubuo pa tayo ng pamilya?sabi mo pa nga kambal yung gusto mong maging anak natin diba?sabi mo pa na hindi ka papayag kung hindi ako ang magiging ama ng mga anak mo,gising ka na bal oh,tutuparin pa natin yung mga gusto/pangarap natin,papakasalan pa kita ulit,mahal na mahal kita bal,kung naririnig mo man ako." sabi ko pa habang umiiyak

Maya maya biglang gumalaw yung daliri niya

Nakita ko ding may luha yung mga mata niya kaya agad ko yong pinunasan,

The next thing I knew is nakadilat na siya,nakangiti

"Bal." tawag niya saken

"Bal teka lang tatawag ako ng doctor." sabi ko pa pero pinigilan niya ko

"Bal gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita kahit na anong mangyare,na hindi kita iiwan,sorry din at salamat sa lahat,gusto kong maging masaya ka sa iba,pinapalaya na kita." tapos non tumigil na ang mundo ko

Pumikit na siya ulit,tapos biglang nagflat line

"Bal!" pinipilit ko siyang gisingin pero wala na

Patay na siya,patay na yung babaeng nagmahal sakin ng ilang taon,yung babaeng binalewala ko,wala na

Its too late,

Bakit ngayon pa?kung kelan mahal ko na siya?

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon