Twin Sister

197 9 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are based on the author's imagination and is used in fictitious manner.

This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.

-------

"Margaux!"

"gosh she's here!"

"look at her new shoes!"

"yan yung bagong labas ng immorata diba?"

"gosh siya na talaga!"

Ako si Margaux Elizalde,nagiisang anak nina Julio at Beatrice Elizalde,ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na bilihan ng sapatos ngayon,at 'yon ay ang 'IMMORATA', ang business na ito ay pinalago ng aking ama,isa kasing sapatero ang lolo ko...

Everything was perfect,nasa akin na ang lahat,ang atensyong ng mommy at daddy ko,EVERYTHING,until she came into the picture and she's trying to steal everything away from me,including my parents

Sino ba namang tao ang hindi magugulat kapag isang araw nalaman mo na 'yong kaibigan mo,na halos ituring mong kapatid ay siya palang tunay na anak ng mga magulang mo at hindi lang 'yon,buong buhay ko hinayaan nilang isipin ko na ampon ako,pero at the end of the day malalaman ko nalang na kambal pala kami ni Celine.

Celine is my first ever female friend,kasi simula bata,sobrang higpit na ni mommy sa akin,miski sa kakaibiganin ko,kaya nga bata palang ako,si Ethan at Liam lang ang kasa-kasama ko,until Celine came,ang buong akala ko,hindi siya papasa kay mommy,but I was wrong,gustong gusto siya ni mommy.

Akala ko masaya na maging kapatid ko siya,pero hindi pala,lahat ng atensyon nina mom and dad nasa kanya na,lahat ng hinahanap ni mommy noon sa akin,na kay Celine na,minsan naiisip ko,wala na yata talaga akong pamilya,na invisible nalang ako kasi nandyan na si Celine,'yong tunay na anak.

Ang masakit lang,kambal ko nga si Celine,pero halos di ko maramdaman na kabilang ako sa pamilya gaya noon,pakiramdam ko,maaagaw na lahat ni Celine sa akin,na para bang wala ng matitira?

And I hate being compared with her,she has the looks,matalino siya,lahat na.

Ethan,my boyfriend,they're super close,miski si Liam,ganoon din,he even have feelings for her,can you imagine that?

Nandito ako ngayon sa isang party sa school,at syempre hindi naman ako magpapatalo kay Celine sa pagandahan ng sapatos at ng gown,never akong magpapatalo sa babaeng yon!

"Margaux you're here." nakangiting bati sa akin ni Ethan,kasama din niya si Liam

"yeah haha,so how do I look?" tanong ko sabay ikot

"kailangan pa bang itanong yan?" natatawang usal ni Liam

"of course!" sagot ko pa habang nakangiti ng malapad

"you're gorgeous!" bigla naman akong namula sa sinabing 'yon ni Ethan,binalingan ko naman si Liam pero mukhang tulala ito

Tumingin din ako sa direksyon na tinitignan niya,and there she is,my twin sister,looking so perfect in her pink tube gown

Ngumiti ito at lumapit sa amin,seriously?

"you're perfect." biglang usal ni Liam habang hindi pa din inaalis ang tingin kay Celine,I must admit,she looks perfect

"is that all you've got ha Celine?" tinaasan ko ito ng kilay at pinasadahan ng tingin

Hindi ito nakasagot.

"ang cheap naman ng damit mo." sabi ko pa sabay tawa

"wala naman sa damit yan,nasa nagdadala." sagot nito pabalik,dahilan para mas maagawa namin ang atensyon ng mga naroon

"oh sino pupusta?"

"ako!"

"kanino ka?"

"kay Celine ako!"

"kay Margaux ako!"

Nagawa pa talagang magpustahan ng mga tao dito,how cheap!

"ang panget pa din ng suot mo." sabi ko pa na siyang ikina-ingay ng paligid

"yung suot ko lang naman ang panget,hindi 'yong ugali ko." nakangisi nitong sagot,mas umingay pa lalo ang mga tao na nandito

Hindi ako nakasagot.

"ano margaux?tapos ka na ba?gusto mo ako naman?" puno ng sarkasmo ang boses nito,nakakapanggigil

"maganda nga ang suot mo,panget naman ang ugali mo,sayang ka tsk tsk." ani nito habang pinapasadahan ako ng tingin,walang hiya siya!

"are you insulting me?!" nakakagigil,hindi ko na kinakaya ang tabas ng dila ng isang ito

"I'm not insulting you,I'm describing you!" mas lalong umingay ang crowd,shit!

Wala na akong ibang nagawa kundi umalis sa lugar na yon.

Bakit pa lahat sila kampi kay Celine?bakit ba lahat sila gusto si Celine?

****

"Oh Margaux,lets eat." pag-aaya pa sa akin ni mom,she's in the good mood

Di ako sumagot,naupo nalang ako sa upuan na katabi ni Celine.

"kamusta naman ang party kagabi?nag-enjoy ba kayo?" biglang tanong ni dad,napatingin sa akin si Celine

"the party is fun dad,right margaux?" ani ni Celine sabay baling sa akin

"ah yes dad." walang gana kong sagot

"okay ka lang Margaux?" nagaalalang tanong ni mommy,tumayo pa ito at lumapit sa akin,hinipo ang noo ko

"gosh Margaux may sakit ka!bakit hindi ka nagsabi?wag ka ng pumasok sa school." nagpapanic na si mommy

"para san pa mom?kahit naman magsabi ako hindi niyo ko papansinin,kasi yung buong atensyon niyo na kay Celine na, nakalimutan niyo na nga yata na pati ako anak niyo din." hindi naka-imik si mommy don.

"Margaux tama na yan." saway sa akin ni dad

Tumayo ako at tumingin kay mommy na may bahid ng lungkot ang mga mata "sorry mommy ah?pero totoo naman kasi talaga,simula nung dumating si Celine sa buhay natin,lahat ng atensyon niyo binuhos niyo sa kanya,dahil ano?ang buong akala niyo siya lang yung anak niyo,nakakagulat no?kasi kambal pala kami at pati ako anak niyo din,buong buhay ko inakala kong ampon ako,tapos ngayon kahit na alam ko na yung totoo,pakiramdam ko,mas lalo akong nawalan ng saysay sa pamilyang to,Celine is trying to steal everything away from me,including you!sa sobrang pangungulila niyo sa totoo niyong anak,nakalimutan niyong nandito din ako,si Celine nga yung nawala,pero ako naman yung nawala niyo,do you know how hard it is na maikumpara sa sarili mong kakambal,na one day magigising ka nalang na wow may kambal kana,ang hirap hirap kasi feeling ko hindi ako naging enough sa inyo ni daddy,parang araw araw kong pinagbabayaran yung pagbabalik ni Celine." after saying those,I stormed out of the house,hindi ko na alam kung saan ako pupunta...

Ang sakit sakit.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now