Chapter 16

3.8K 107 1
                                    

"Ivan,halika punta tayo sa basketball court ang daming tao. Meron yatang shooting baka pwede tayong mag extra taga sigaw." Yaya sa kanya ni Cherry.

"Talaga? Sige punta tayo.!"Hindi na nagdalawang isip si Ivanna.

Pag punta nila ng court halos mabingi sila sa tilian ng mga babae at bakla. Nakipagsiksikan sila ni Cherry hanggang makita nila ang mga naglalaro.

"Oh my God!Pogi akin ka na lang !"sigaw ng isang bakla. Halos mahimatay ito habang pinapanood maglaro ng basketball si Adam.

Napataas ang kanyang kilay.

"Anong ginagawa niyan dito?" Tanong niya Kay cherry. Nagkibit balikat lang ito habang di inaalis ang tingin sa mala Greek God na aura ni Adam. Half naked pawisan pero gugustuhin mo pa din makulong sa matipuno nitong dibdib.

"Ang laway mo Cherry tumutulo.!" Siko niya sa katabi ng hindi ito sumagot.

Ilang araw niya itong iniiwasan. Naguguluhan siya kung uuwi na sa bahay nila at harapin ang kanyang kapalaran na ibibigay ng kanyang ama.

"Uy  grabe siya oh.Panty mo Ivan nahulog damputin mo.!" Ganti nitong sagot sa kanya.

"Tse.!" Asik niya dito na tinawanan lang siya. Hindi pa din nito inaalis ang tingin sa mga lalaki na naglalaro.

"Basta Kay papa Brad pa din ako. Go papa shoot!" Nangingibabaw na sigaw ng suki ni Bradley sa banana cue na isang bading.

"O san ka pupunta?" Habol ni Cherry sa kanya.

"Uuwi na baka mabingi ako." Aniya at lumabas na siya nang basketball court.

"Hmm naglalaro pala siya ng basketball?" Bulong  niya sa sarili.

"Ang alam ko varsity player si sir Adam nong nag aaral pa. Dapat nga kunin sa PBA pero ayaw nina madam kasi gusto mag focus sa business nila.". Hindi niya akalain  na sumunod pala si Cherry sa kanya.

"O bakit ka umalis don? Mukhang enjoy ka naman sa loob ah." Sabi niya dito na pilit itinatago ang pagkapahiya.

"Hindi na baka mag selos ka pa!" Sabi nito at saka malakas na tumawa.

"Pinagsasabi mo Cherry?"

"Haha. Interesado ka kay Sir Adam. Aminin!" Sabi nito at sinundot pa ang kanyang tagiliran.

"Ay naku, tigilan mo ako." Tanggi ni Ivanna

"Lagi ka tinatanong ni Sir pag di ka nakikita eh. Nanliligaw ba siya sa iyo?"  Pangungulit nito.

"Ewan ko sa iyo!" Pag iwas niya. At nagmamadali siyang umuwi sa kaniyang inuupuhan na bahay.

"Hoy!" Pagtawag pa ni Cherry pero pinagsarahan na niya ito ng pinto.

Naupo siya sa plastic na upuan pinagdiskitahan niya ang mag fb. Hindi pa siya nakakatagal ng muling me mag bang ng kanyang pintuan.

"Ano ba cherry? Pag masira mo ito ikaw  ang managot sa landlady ko." Sigaw niya at padaskol na binuksan ang pinto.

"Oh!" Mga katagang lumabas sa bibig niya ng mapagbuksan kung sino ang nasa labas ng pintuan.

"Can I  come in?" Tanong nito.

Hindi nakapag salita si Ivanna. Tumayo lang siya sa gilid para makapasok ang lalaki. Napalunok laway siya ng dumaan ito sa harapan niya.

"Pwede ba maka inom ng tubig?" Tanong nito. Nakatayo pa din ito sa gitna ng maliit niyang sala.

"What are you doing here anyway?" Ani Ivanna habang inaabot dito ang one liter na bottle water.

Uminom muna si Adam ng tubig. She can't take her eyes off him.

"I missed basketball. Last time na punta ko dito napansin ko mahilig mag laro ng basketball mga kalalakihan dito." Sabi nito habang mataman siyang tinititigan.

" I don't buy that. This is the last place na gugustuhin mo makisalamuha ang mga tao.". Pagtanggi niya sa rason  nito.

"Bakit naman hindi?" Hindi pa din nito inaalis ang mga titig nito kay Ivanna. Naging uncomfortable naman ang dalaga.

"Stop staring!" Angil niya dito.

"Hahaha!" Malutong na tawa ni Adam.

"Alam mo halata ko na pag tense ka. You speak straight english with very good accent.If not only you live in this place i will say you came from a well off family with good educational background. " dugtong nito.

"It really matters huh?" Mapang uyam niyang sabi. May hesitation itong aminin ang nararamdaman dahil sa estado niya sa buhay.

"No. Actually I came to see your world. I will try to live like you.  Just in case tanggalan ako ng mana for being not a good son, mabubuhay pa din ako.".

"What?" Hindi makapaniwala  si Ivanna sa narinig. Hindi na siya nakaiwas when he cupped her face.

" I will prove to you, hindi kita niloloko o pinaglalaruan lang. " she look into his eyes, hindi niya kayang pangalanan ang emosyon na meron ito.

"I am willing to loss everything i have..Just to have you Ivan." Para siyang malulunod sa mga titig  nito.

"I don't know what to say".hinawakan ni Ivanna ang mga palad nito na nakahawak sa kanyang pisngi.

"I never been like this before. Please give me a chance Ivanna." Pagsumamo nito.

"You are impossible Sir Adam. Kung paanong imposible din tayo.!" Tanggi niya at kumawala dito. Parang nahahapo na naupo siya sa upuan.

"Don't make things complicated Ivan. I like You a lot. And I'm falling in love with you. Just give me a chance.". Naupo ito sa kanyang tabi.

Tiningnan niya ito ng masama.

"Baka balak mong mag suot ng damit?" Seryoso niyang sabi.

Napahalakhak naman si Adam.

"Baka ma convince ka kung me extra help ako ng aking ABS. " pilyo itong kumindat  sa  kanya.

"Mas disturbed ako." Naka irap niyang sabi.

"Okay fine!" Sabi nito at lumabas ng kanyang bahay. Ilang saglit lang at nakasuot na ito ng puting t shirt.

"Ang bilis Ah." Komento niya.

"I just live next door." Sagot nito.

"What? Ikaw ang pumalit kina Wanda?" Ang mag boyfriend na nagtatrabaho sa pabrika ang   tinutukoy niya.

"Fortunately yes!"masaya nitong sabi.

"Oh my God!baka naman hanggang dito maging taga silbi mo ako?"

"Syempre Hindi! Andito ako para manligaw at pag aralan kung paano mabuhay sa mundo mo."

"Seryoso ka? Alam mo ba ang pwedeng mawala sa iyo? Your name ang mana mo. Ang karangyaan na tinatamasa mo ngayon. " Hindi talaga siya makapaniwala sa pinagsasabi  nito.

"Di  ba sabi mo,ikaw na pinakamayaman sa buong mundo basta nagmamahalan? Bakit hindi mo ako mahalin Ivanna para maging pinakayamayaman din ako?Kasi ikaw ang priceless possession ang treasure na gusto ko I keep sa buong buhay ko.and you are right, Ikaw lang sapat na."

Napaawang ang mga labi ni Ivanna sa sinabi nito.

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon