Chapter Six

2.3K 56 7
                                    

VI

Le Horizon has been owned by Harry's family for decades

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Le Horizon has been owned by Harry's family for decades. It has been the top sea-side resort since then. Matagal na panahon na nung huli kaming bumisita rito. Kahit pa ganoon, hindi ko makakalimutan kung gaano kaganda ang isla.

Nag-iwan ng marka ang mga yapak ko sa buhangin habang malaya kong pinagmamasdan ang mga rock formations. Ang bawat pino at maliit na detalye ay hinubog ng panahon. I smiled to myself. Anything transformed by time is graceful.

Banayad ang bawat hampas ng alon. Amoy ang maalat na simoy ng hangin. Talagang nakaka-relax kaya napapapikit nalang ako. Pagkamulat ko, may nakita akong swing na nakatali sa dalawang puno ng niyog. Umupo ako at binuklat ang sketchpad ko. Iginuhit ko ang mga alon ng dagat gamit ang oil pastel.

Gumamit ako ng iba't ibang hues ng kulay para gayahin structure ng mga rock formation. May ibang smooth ang texture. May iba namang rough at pointed ang detalye. Hindi ko mapigilang mamangha sa likha Niya.

I heard a soft girly giggle. Na-distract ako. Nagtaas ako ng kilay at luminga-linga sa paligid.

Tinuloy ko ang aking ginagawa at nang matapos ko, mayroon nanamang bumingisngis. Pagkatingin ko sa likod ko, nakita ko ang isang mestisang bata na naka-pigtails. Nagtatago siya sa likod ng puno.

"Boo!" She happily said and then chuckled.

I cocked an eyebrow at the kid. Malayo at pribado ang parte ng isla na ito. Paano siya nakarating dito?

"Are you lost?" nagtataka kong tanong.

The little girl's reddish lips pouted. "Opo eh. My Kuya and I were playing tago-tago, but then I make takbo sobrang layo. But I'm not sad anymore kasi kita po kita."

Mabilis na tumakbo ang bata sa akin at mahigpit akong yinakap. I awkwardly stared at her and tapped her head. OMG, anong gagawin ko?

Nakahinga ako ng maluwag nang pakawalan ako ng bata. Kumikinang ang mga mata niya sa akin. I'm not fond of kids, but she's cute. Pinisil ko ang pisngi niyang mataba.

"Aren't you supposed to go back?"

Tumango siya at ngumiti. Kumapit siya sa braso ko. "Pero dito muna po ako kasama ninyo," pakiusap niya sa maliit na boses.

"T-teka." Niyakap niya ako ulit, pero this time niyakap ko na siya pabalik.

"Can you be my Ate? My Kuyas po are sobrang tanda na eh. They don't like to make laro na. I have to make pilit them pa," nagtatampo niyang wika habang lumalaki ang mga cute niyang mga mata.

Something about this kid pinched my heart. Masuwerte pa nga siya kasi may mga Kuya siyang napipilit makalaro, samantalang ako wala. My childhood memories are the saddest, if it weren't for Chase I must be depressed.

"Paano mo ako magiging Ate? I'm a stranger. You should not talk to strangers, baka mapano ka. Halika na, taga saan ka ba? Dadalhin na kita sa kanila," wika ko at hinila ang maliit niyang braso.

Reaching for the StarsWhere stories live. Discover now