MAGKAKASAMA

32.3K 354 7
                                    

 by: Yen Edem

Si Hannah Victoria ay isang office worker sa isang malaki at sikat na kompanya dito sa loob at maging sa labas nang bansa.

Mahilig siya sa adventure. Kung may tunay na Dora the explorer ay siya na iyon. Mahilig siyang mag hiking, mountain climbing, sky diving at iba pa. Ang huling ginawa niya ito ay anim na buwan na ang nakakaraan, kaya naman, napag pasyahan niyang gawin ulit ang mga ito.

Nang sumunod na buwan ay nag file na siya nang kanyang leave. One week pa bago siya talaga aalis. Kasalukyan siyang naghahanap nang mga lugar na pwede niyang puntahan. Nang may nakakuha ng kanyang atensiyon. Kahit malayo at mahal bahala na. Basta gusto niyang puntahan at akyatin ang bundok na iyon.

Kinabukasan na ang alis ni Hannah papuntang bansang Greece(a/n: yayamanin siya😄) kaya naman nag half day lang siya para makapag empake. Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa kanilang opisina dahil naglunch na muna siya bago uuwi. Baka magutom pa siya sa daan dahil sa traffic.

Bago makarating sa mismong opisina nila ay madadaanan muna ang comfort room. Medyo madilim doon dahil nagiisa lamang ang ilaw. Nang makalampas siya ay napaatras siyang bigla ng may maaninag doon. Naka uniporme ito, may bahid ng dugo ang damit, punit at maitim ang sa ilalim nang mga mata nito. Itim din pati labi. Oo nakakatakot ito. At ang mas nagpayanig pa sa kanya ay......

Nakataas ang kanang kamay nito at nakalabas ang pang gitnang daliri. Muntik na siyang mapa bunghalit ng tawa kung di lang niya naalala na may mga kasama pala siya dito. Walang hiyang multo, kaya siguro hindi matanggap ni San Pedro ay dahil, kahit multo o patay na, eh ang bastos parin. Napailing iling na lamang siya sa kanyang isipan at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bahagya naman siyang nagulat ng bigla na lang itong sumulpot sa harap mismo ng kanyang mukha. Kung di lamang niya napigil ang sarili ay malamang nag sisigaw na siya ngayon. Nasanay naman na kasi din siya kaya na hahandle na niya ang mga ganoong sitwasiyon.

"Ang galing kong kabute hindi ba? Nagulat kita nong sumulpot ako eh, hahahaha!" Puri nito sa sarili at humalakhak pa talaga. Iniwan na lamang niya ito at dumiretso na sa sariling mesa para magligpit ng gamit.

17 years ago...

Naglalaro ang batang si Hannah kasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si Rebecca. Naghahabulan ang mga ito. Samantalang, nakatingin lamang sa kanilang dalawa ang kanilang lolo na noo'y abala sa paghahabi ng basket. Dahil sa kakulitan at katuwaan ay hindi na napansin kung saan saan na nakakapunta. Umakyat na pala ang batang si Hannah sa puno. Hindi na napansin na patay na sanga ang naapakan dahil sa labis na kaba na baka mahuli nang kalarong kapatid. Lumagitik. Nakalas ang sanga at nahulog kasama sya na ngayon ay tumitili na. Nang marinig naman ito ng kanilang lolo ay dagli itong tumakbo sa kanilang kinaluluguran para maitakbo sa mas malapit na hospital ang bata. May matinding injury ang sa ulo si Hannah dahil doon. Muntik pa itong bawian ng buhay pero but I na lang dahil tumibok muli ang kanyang puso. Simula nang insedenteng iyon ay nagbago na ang lahat. Marami na siyang nakikita na hindi nakikita nang ordinaryong tao.

Flashback ends...

Nang makauwi ay sumunod pala sa kanya ang babaeng multo. "Anong kailangan mo?" Mahinang tanong niya dito. "Gusto kong mahanap na ang aking katawan. Hindi pa kasi ito alam ng aking pamilya na ako'y patay na. Maaari mo ba along tulungan?" Nagsusumamong pahag nito. Tumango na lamabg siya pag sangayon. Kailangan nitong matahimik kaya tutulong siya. "Ibigay mo sa akin kung saan ngayon ang iyong katawan. Maaari kong tawagan ang mga otoridad upang mahanap ang iyong katawan." Paniniguradong sagot niya dito. Ilang saglit pa matapos nilang matawagan ang pulisya ay tumunog ang kanyang aparato na nasa kanyang bedside table. Agad naman niya itong sinagot at sinabi ng mga pulisiya ay may nakita nga slang katawan ng babae.

Princes of Hell ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon