DTKTD

13.9K 183 19
                                    

by: Alyssa Fay Cabrera's OP

Special chapter of DTKTD

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

"Ang Babae sa Salamin"

"Where are you going?"

Napalingon ako sa may-ari ng baritonong boses na nagtanong sa akin. Nakatitig lamang siya sa akin ng walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata. It made my body shiver pero kailangan kong panindigan ang pag-alis ko.

"Gising ka pa pala. Gabi na. Mag-aalas diyes na. You should be sleeping right now." Sabi ko sa kanya habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko.

"It's none of your concern woman kung bakit hindi pa ako natutulog." Malamig niyang tugon sa akin.

"Ang tanong ko ang sagutin mo. Saan ka pupunta ng ganitong oras? Are you planning on leaving me?" Bahagya ng tumaas ang boses niya ngunit may halong pang-uuyam.

"And if I am? May magagawa ka ba? As what you've said, it's none of my concern why you're still awake. Kaya huwag mo akong pakialaman kahit ngayon lang." tuloy-tuloy kong sagot sa kanya. Wala na akong pakialam kung umuusok na ang ilong ng lalaking ito sa inis.

Mabilis kong isinukbit sa aking balikat ang backpack na naglalaman ng mga gamit na kasya lang sa ilang araw na pagliliwaliw ko.

Bahagya ko pa siyang itinulak dahil sa paghaharang niya sa pintuan ng kwarto ko.

"I'm leaving. Will be back after a couple of days." paalam ko ng hindi man lang lumingon sa kanya. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng bahay ay nagawa na niya akong hawakan upang pigilan.

"You're not leaving this house woman." galit niyang turing sa akin habang hawak ng pagkahigpit ang braso ko.

"I'm not asking for your permission. I'm just informing you." matabang kong tugon sa kanya.

"Huwag ako Mister. Baka nga ngayon pa lang may mga tauhan ka nang nakastandby sa kung saan saan para pasundan ako." dagdag kong sabi habang sinasalubong ng tingin ang mga mata niyang nag-aapoy na sa galit na nakatitig sa akin.

Kita ko sa mga mata niya ang bahagyang pagkagulat. Subalit mabilis din itong nawala.

"Nagulat ka ba na alam ko? Pwes ako hindi. Wala na naman kasing bago sa style mong ganyan DiMarco. Now let go of my arm ng makaalis na ako bago pa tayo tuluyang mag-away." Iniwaksi ko ang kamay niya sa braso ko at agad ko na siyang tinalikuran.

Mabilis kong tinalunton ang isa sa mga sasakyan niyang nakaparada. Papaalis na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng katabi kong upuan.

"What do you think you're doing?" bahagyang lumaki ang mga mata ko ng bigla siyang umupo rito.

"Accompanying my wife. Bistado mo na naman ako so why not join you with your so called unwinding." mabilis niyang sagot. Bahagya pa niyang inunat ang mga braso niya.

"Stop staring at me Alyssa and just drive." utos niya sa akin.

"Sigurado ba 'tong taong 'to?" tahimik kung tanong sa aking isipan.

"Siguradong sigurado. Next time kung bubulong ka, siguraduhin mong ikaw lang ang makakarinig. Para kang bubuyog diyan." Salubong ang kanyang kilay nang lingunin niya ako.

"Good night Mishka. Gisingin mo nalang ako kapag nakarating na tayo."

Buntong-hininga ang isinagot ko sa kanya. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan. Maluwag na ang daan. Bukas pa talaga dapat ang alis ko pero mas pinili ko na ngayong gabi bumiyahe para hindi maipit sa traffic.

Princes of Hell ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon