CHAPTER 3

3.4K 112 6
                                    

"SO, you are the owner of this coffee shop?" tanong ni Uran kay Marya habang magkaharap silang nakaupo sa isang pandalawahang lamesa na nasa sulok ng kapehang iyon.

Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ng dalaga kasabay ng pagtango nito. "Yeah!"

"Nice place." anang Uran pagkuwa'y muling inilibot ang paningin sa buong paligid.

"Thank you! Actually, pinagtulungan namin ni Handa ang paggawa ng design and pagpili ng motif nito. And I'm so happy na naging maayos naman ang result niya." pagkukuwento pa ni Marya sa binata.

"You have a good taste to be honest."

"Yeah?"

"Yeah!" anito na may ngiti pa rin sa mga labi. "Maiba pala ako. When did you come home?" tanong nito.

"Um, last month pa actually. A-attend kasi sana ako sa kasal ng kaibigan ko kaya ako umuwi rito." aniya.

"I see." napapatangong saad nito pagkuwa'y matamang pinakatitigan ang dalaga.

"Um..." anang Marya at nag iwas ng tingin dito nang bahagya siyang makaramdam ng pagkailang dahil sa klase ng titig nito sa kaniya. "¿Qué hay de tí?" How about you?

"I'm good and I'm—happy to see you again." ngumiti ito ng malapad 'tsaka muling sumimsim sa kaniyang kape. "I went back to the park the next day, akala ko kasi makikita ulit kita roon. Pero ang sabi no'ng batang kasama mo the day na nagkakilala tayo, wala ka raw." dagdag pa nito.

"Why?" wala sa sariling tanong ni Marya.

"I mean, I just want to see you again."

Nag kibit ng balikat niya ang dalaga. "Biglaan kasi ang pag-uwi ko rito. Nagkaroon din ng problema itong negosyo ko." aniya.

"Well, hindi naman talaga nawawalan ng problema ang isang negosyo." anang Uran.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Yeah! You're right. And I think I'm going crazy because of this problem." pag sang-ayon nito sa sinabi ng binata sa kaniya.

"Just don't lose hope. Kaya mo 'yan."

Muling napangiti si Marya kay Uran. "By the way, ano pala ang ginagawa mo rito? Kailan ka pa umuwi rito?" tanong niya kagaya sa naging tanong nito sa kaniya kanina.

"Vacation. Business matters and, my two cousins got married, so I had to stay here for awhile. Mag tatampo ang mga 'yon kung hindi ako a-attend sa kasal nila." anang Uran.

"Busy ka rin pala."

"Not that really actually. Nag i-enjoy naman ako rito." saad nito.

Saglit na katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. "Sorry pala ulit sa nangyari kanina huh!" mayamaya'y muling paghingi ni Marya ng pasensya sa binata dahil sa pagkakabangga niya ng sasakyan nito.

"I said don't mention about it. It's okay!" nakangiting saad ni Uran. "And one more thing, huwag ka ng mag d-drive sa susunod kung may hang over ka pa. Hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari sa atin. Who knows na hindi lang kagaya kanina ang nangyari sa 'yo."

Sunod-sunod na napatango si Marya sa sinabi ng binata. "Yeah! Thank you! Ang akala ko nga kanina ay mapupunta na naman ako sa presinto. But thanks to God at ikaw ang nabangga ko. I mean, I'm sorry again."

Natawa naman ng pagak ang binata. "Just be careful next time. Hindi lahat ng nababangga sa kalsada ay mababait na kagaya ko."

"Soy tan afortunado." I'm so lucky. Nakangiti ring turan ni Marya.

Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Uran na nakapatong sa lamesa na siyang pumutol sa masaya at humahaba ng kuwentohan nilang dalawa. Saglit na tiningan ng binata ang screen ng kaniyang cellphone. "I don't want to end this conversation right now but um, I think I need to go." anito sa dalaga.

LOVING THE PLAYBOY BILLIONAIREOù les histoires vivent. Découvrez maintenant