Tempting Earth Chapter 1

7.5K 169 4
                                    

Three years ago...

Nakaharap si Aira sa full-length mirror na pinakabagong-addition sa kanyang silid. Wala iyon dati dahil halos ayaw niyang makita ang kanyang sarili noon. After all, hitsura niya ang dahilan kung bakit isa siyang katatawanan sa pinapasukan niyang International School kung saan siya nagtapos ng Elementary at High School.

Children and teenagers could be very very cruel to each other. Kung lilingunin niya ang panahong iyon, hindi naman kataka-taka na maging tampulan siya ng panunukso at pangbu-bully ng mga ito. As a kid, she must have looked like a freak. Fourteen years old pa lamang siya ay halos 200lbs na ang timbang niya, matangkad siya sa karaniwang mga babae sa klase nila kahit pa maraming foreigners ang kanyang kaklase. At kung hindi pa sapat ang malaking balat na halos umuukopa ng ikatlong bahagi ng kanyang pisngi ay nagsimula pa siyang tubuan ng maliliit na pimples sa kanyang noo. Stress daw ang dahilan noon, sabi ng kaniyang dermatologist, and therefore hindi magagamot ng mga mamahaling creams and ointments.

Paano ba naman hindi siya masi-stress?

Ang kanyang ina ay isang former Ms. Egypt at ang kanyang ama ay isang mayamang businessman na nakilala ang kanyang ina sa isang business trip nito sa bansang iyon. Nagkagustuhan ang dalawa, nagpakasal pero hindi nagkasundo kung saan titira kaya sa wakas ay nagkasundo na lang na maghiwalay. Kaya nasa Pilipinas siya kapag may pasok sa eskuwela at nasa Egypt siya kung bakasyon. Minalas pa yata siyang mamana ang lahat ng mali sa genes ng kanyang magulang. Tabain ang daddy niya at dahil sa pagkain siya nakakahanap ng comfort, isa siyang matabang bata. May magandang honey colored skin ang mommy niya ngunit ang presyosong balat ng kanyang ina dahil sa pangangalaga ay translated lang sa pagiging maruming version ng itim na balat sa kanya.

Kapag nagpupunta siya sa Egypt, gustong mahimatay ng ina sa hitsura niya kung kaya't pinagdidiyeta siya nito at itinatago sa publiko na parang isang malaking kahihiyan. Gulay at prutas lang ang puwede niyang kainin bilang parusa raw sa kanya. Sa pagkakaintindi ng bata niyang utak, pinaparusahan siya sa pagiging pangit.

Pagdating niya sa Pilipinas ay babawi siya ng kain ng lahat ng gusto niya at dodoblehin niya ang lahat ng nawala niyang pounds nung kasama niya ang ina. Kukunsintihin naman siya ng ama dahil ganoon ang pagpapakita nito ng pagmamahal, ang payagan lahat ng gusto niya. Matalino kasi siya tulad ng ama kung kaya't para rito ay walang kailangang baguhin ukol sa kanya.

Kung tutuusin, tama ang napakinggan niyang sinabi ng isa niyang kaklaseng African American noon...

"Man, she is butt ugly," sabi nito na tila nadidiri pa sa kanya.

Sanay na siyang masabihan ng kung ano-ano pero nakadagdag nga lang ng sakit ng kalooban niya dahil sinasabi nito iyon sa pinaka-crush niya sa buong kabataan niya - si Jim Alvarez na eksaktong opposite ng kung ano siya.

Narinig niya pang ipinagtanggol siya ni Jim na nagresulta lamang ng lalo pang panglalait sa kanya ng kausap nito, pagkapahiya niya at paglalim ng pagtingin niya sa binatilyo.

Mabait si Jim sa kanya in the sense that hindi ito sumasali sa mga lagi na lang nanunukso sa kanya. Kapag nahuhuli pa siya nitong nakatingin ay nakukuha pa nitong ngititian siya. Lalo niya tuloy itong nagugustuhan kahit pa nga alam niyang wala naman siyang pag-asa rito dahil nasa magkabilang mundo sila, practically speaking.

He was handsome, popular and poor. Yup, he was the poor kid in a school full of really really wealthy students. Ang totoo ay hindi naman ganoon kahirap sina Jim. Athletics coach ang daddy nito sa school nila kaya libre itonng nakapasok doon at ang pagkakaalam niya ay bank executive ang mommy nito. Kung nasa ordinaryong paaralan ito, maituturing na ang mga itong nakakaalwan sa buhay. Pero mahirap itong maituturing dahil ang ibang mga estudyante roon ay tulad niya na anak ng may-ari ng mga businesses, presidente ng mga multinational companies, politicians, diplomats at premyadong atleta. Iyon nga lang, sa kabila ng yaman niya at 'kahirapan' ni Jim, isang malaking biro ng tadhana na ito ang popular at siya ang outcast.

ELEMENTS BOOK 3 Tempting Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now