Chapter One

11.7K 840 97
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Tangina ka kasi! Bakit ka agad na naniwala doon?" Bulyaw ni Thalia sa umiiyak na si Bonifacia. Nakapamewang ito habang nakatayo sa aming harapan, panay ang irap. "Eh, itsura noon? Mukhang sobrang palikero!"

"Sabi niya m-mahal niya ako," humihikbing paliwanag ni Bonifacia.

I don't know what to say, kaya nanatili na lamang ako sa tahimik na pag-alo sa kaniya.

"Mahal amputa! Tanga, bigas na lang mahal ngayon." Naiiling na sagot ni Thalia, na akala mo naman talaga'y maalam sa presyo ng mga bilihin. Hindi naman ito sumasama mamalengke o mag-grocery man lang kay Tita Nae. "Oh, eh, paano ngayon 'yan kung mabuntis ka?"

"Hala!" Sukat doo'y napatuwid ng upo si Iya. Halatang mas na kinabahan, sa gitna ng mga luha ay nagsalita. "H-hindi naman siguro?"

"Hala!" Ginaya ni Taling ang tono nito bago muling umirap. "Hindi siguro ka dyan. Winelcome siya ng pepe mo, tapos sasabihin mong hindi naman siguro. Gaga!"

"Taling," mahinahon kong suway dito. Matatas lang naman itong magsalita pero alam kong tunay ang pag-aalala niya sa kaibigan naming si Iya.

Thalia and Bonifacia are my only friends. Bukod sa mga pinsan kong palagi ko nang kasama simula pagkabata. Kaklase ni Thalia si Bonifacia noong elementary pa. Sa darating na pasukan ay pare-pareho na kaming second year high school. Ang masaya pa doon ay nakumbinsi ko na ang aking mga magulang na hayaan akong pumasok sa eskwelahan nila Taling at hindi na mag home school sa school year na paparating.

We are in the midst of enjoying our summer break, pare-parehong ni-lu-look forward ang darating na pasukan. Tapos ngayon, ito, pinoproblema rin namin ang problema ni Iya.

"Totoo naman kasi," huminga ng malalim si Thalia at bahagya ng bumaba ang tinig. "Fourteen pa lang tayo, Iya. Dalawang linggo mula ngayo'y magsisimula na ang pasukan. Paano ka ngayon niyan kung malamanan ka? Hindi pa ata alam ng papa mo na nagkaroon ka ng boyfriend."

Iya had a boyfriend, Luis daw ang pangalan. Schoolmate nila ni Thalia noong elementary na nakatira sa San Jose. Mas matanda ito sa amin ng tatlong taon, kung kaya nama'y talagang naramdaman ni Iya na espesyal siya nang pagtuunan siya nito ng pansin. Isang buwan din halos ang tinagal ng relasyon nilang dalawa bago bigla na lamang itong hindi na sumagot sa kaniyang mga text at tawag. Tapos ngayon ay nagtapat siya sa amin ni Thalia, pinayagan niyang tawirin nilang pareho ang landas na hindi pa nararapat para sa edad namin. I feel sorry for Iya, and at the same time disappointed for not taking care of herself more seriously.

"Let's just hope for the betterment of your situation," mahinahon kong sabi bago siya alukin ng milkshake na aking hawak. "Uminom ka muna, kanina ka pa umiiyak."

"Kapag talaga nakita ko 'yang si Luis sa pasukan, masusuntok ko 'yan." Galit pa rin si Thalia nang maupo sa tabi namin ni Iya. "Akala mo kung sinong guwapo, eh, napakatulis naman ng baba. Sobrang babaero! Last year, dinig kong pinagsabay niya si Nadine at Loraine kaya halos magsabunutan na yung dalawa sa tapat ng school. Binalaan na kita sa isang 'yan, hindi mo ako pinakinggan. Mas pinaniwalaan mo pa yung mga kiss emoji niya sa messenger."

Sunset State of MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon