Chapter Three

2.3K 96 19
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Leche, Kade! Ang asim mo!" Sigaw ni Thalia sa tabi ko nang makitang tinanggal nito ang suot na t-shirt sa kalagitnaan ng laro.

Natawa naman ako nang agad siyang siniko ni Iya at kinontra.

"Hot mo, Kade! Grabe!"

Tuloy lamang ito sa paglalaro at hindi kami pinansin. Kunot-noo kong nilalabanan ang sikat ng araw at tumayong saglit upang ipahinga ang puwet sa pagkaka-upo. We are in an outdoor grass field near Uncle Roy's villa, watching the boys play polo against each other. I touch the cheeks of my butt that hurt in discomfort from sitting on a wooden plank and car tires the boys had fixed for us.

"Zach, bumaba ka na dyan. Ako na lang maglalaro. Nakakahiya ka." Patuloy na pamba-bash ni Thalia sa mga pinsan namin.

"Taling, umuwi ka na sa inyo. Napaka-ingay mo, pangit ka naman." Si Oxygen iyon nang mapadaan sa amin ang pinatatakbong kabayo. Ibinato niya kay Thalia ang kakahubad lamang na t-shirt.

"Hala? Ang panghe mo, gago." Ibabato sana niya iyong pabalik nang pigilan siya ni Iya upang kunin at amuyin iyon. Nandidiri niya itong itinulak. "Mahilig ka ba sa sinigang? Ang aasim ng mga crush mo!"

"Eksena ka, Thalia! Ang bango kaya ni Oxygen, hmm." Tuloy pa rin nitong inamoy ang damit bago maayos na itiniklop at inilagay sa tabi.

Tumatawang ibinalik ko ang aking atensyon sa laro. The boys are divided into two teams, it's Zach, Oxygen and Daniel versus Kade, Zander and Rance. It was supposed to be a four-on-four match, kaya lang ay wala pa sina Reid at Ethan.

Iya screams when Zander scores another goal. Kanina pa ito nakakapuntos. He's an offensive player, katapat niya si Oxygen mula sa kabilang team. Now is the first time I've seen him play, and I've got to admit that I was surprised he's terrific.

"Kulang ka pa sa practice, Ox!" Malakas na pang-asar ni Thalia. "Kanina ka pa nilalampaso ni Zander. Ano ba naman 'yan?"

Hindi sumagot si Oxygen, namakyu lang.

The teams change field direction. Unlike many other games that change halves at set periods, such as halftime, in Polo, teams switch sides every time a goal is scored. Nang makapuwesto ay napalingon sa aming kinaroroonan si Zander.

I smile at him. Hindi nito iyon ginantihan dahil muli nang nagsimula ang laro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunset State of MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon