Chapter Six

3.2K 60 1
                                    

Chapter Six

SAKAY na sila ni Manuel ng van patungo sa kung saan. Kanina pa nagtatanong si Zel dito kung saan sila pupunta pero hindi ito nagsasabi. Kinulit pa niya ito. “Talagang makulit ka, 'no?” puna nito, natatawa.

            Tumawa rin siya. “Makulit talaga ako, kaya sabihin mo na kung saan tayo pupunta.”

            “Basta… sa may dagat… sa may isda…” sagot pa nito. Pulos ito ‘basta’ kanina pa. “Sa simbahan…” pagtatapos nito.

            Sana nga ay totoo na lang iyon. “Sa may dagat? Sa may isda? Tapos sa simbahan? Saan ba kasi?” aniya, bahagyang hinanaan ang boses. Baka kasi nakukulitan na talaga ito sa kanya.

            Tawa lang ito nang tawa sa kanya. Hindi na ito sumagot. Hindi na rin siya nagsalita. Baka nga naba-bad trip na ito sa kanya. Bawat joke nito ay natatawa talaga siya. Bentang-benta iyon sa kanya.

            “Here we are,” deklara nito. Saka bumukas ang pinto malapit dito.

            “Saan 'to?” tanong niya.

            “Nandito tayo sa Donsol.” Nakalabas na ito. “Sumunod ka na lang sa akin.” Naglakad na ito.

            Dumali-dali naman siya sa paglabas. May nakapa siya. Tiningnan niya iyon. Wallet? Kung hindi siya nagkakamali ay wallet iyon ni Manuel. May nakasiksik na isang papel doon. Hula niya ay isang larawan. Dahil sa curiosity niya ay kinuha niya iyon. Hindi naman siguro masama kung titingnan niya iyon. Kinuha na nga niya habang pinagmamasdan ang papalayong si Manuel.

            Tumambad sa kanya ang larawan ng isang napakagandang babae. Blonde ang buhok nito. Half body lang ang kuha n’yon. Bigla siyang nakaramdam ng insecurity habang pinagmamasdan ang mga mata ng babae, patungo sa ilong hanggang mga labi. Mapupula ang mga iyon. Hula niya ay isang model iyon, pero hindi niya kilala. Binaliktad niya ang larawan.

            My one & only Jessica.

            Napalunok siya. Siguro ito si Jessica. Ito ba ang girlfriend ni Manuel? May girlfriend na ba ito? Siguro naman ay hindi. Faithful naman ito, pakiramdam niya.

            Kung halimbawa mang ex nito ito si Jessica ay nakaka-insecure pa rin. Wala siyang panama sa hitsura nito. Ngayon niya napatunayang malabong magustuhan siya ni Manuel. Paano kung past time lang siya ni Manuel at napag-trip-an lang siya nito?

            Gustong mangilid ng mga luha niya. Napigil iyon nang makita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang paparating na si Manuel. Agad niyang binalik ang litrato.

            “Nahulog ko yata ang wallet ko,” sabi nito nang makalapit.

            “'Eto, nakita ko sa upuan ng van kanina. Nalaglag sa bulsa mo.” Inabot niya iyon dito.

            “Oh, thank God. Hindi tuloy ako nakagpa-reserve para sa apparatus natin mamaya.”

            Hindi na niya pinansin ang mga insecurities. Mahahalata agad nito iyon. “Apparatus?” tanong niya dito.

            “Oo. Mag-i-SCUBA tayo. Gusto ko rin kasing makakita ng mga butanding sa malapitan.”

            Na-excite siya sa sinabi nito. Hindi pa niya nararanasan ang mag-SCUBA. “Talaga? Makakakita tayo ng mga butanding?”

            Nakangiting tumango ito.

            Naglakad na sila. Akala niya ay mag-i-enjoy siya sa halos isang oras na under water experience na iyon pero hindi pala. Insecurities ang nasa isip niya bagkus ay saya na hatid sana ng first time experience na iyon. Binabagabag siya ng tanong sa isip kung sino si Jessica sa buhay ni Manuel.

The Fake Proposal (To Be Published in LIB)Where stories live. Discover now