Chapter Eleven

7.9K 102 46
                                    

Chapter Eleven

PAGKATAPOS ng kasal ay sa bahay muna sila natulog. Bukas na bukas din ay lilipad sila patungong Hawaii upang mag-honey moon. Nai-excite na talaga si Zel. Bumaba siya upang patulugin na si Manuel, kasama nito ang mga kaibigan nitong niyaya itong mag-inuman sa kusina. At may sasabihin din siya ditong isang magandang balita. One-week na kasi siyang delayed.

            Ang inay niya at ang mga kapatid ay umuwi na matapos lang ang reception.

            Napatda siya nang marinig niya ang pangalan niya na sinambit ni Dennis. Lasing na ito. "Kung hindi pa kami nakipagpustahan sa 'yo. Hindi ka pa ikakasal. Eh, di ngayon, ikaw ang unang natali."

            Nagtawanan ang lahat. "Oo nga. Pero, ewan ko dito kay Manuel. Ten thousand lang, inalok ng kasal si Zel? Pambihira!" ani Dustin.

            Napalunok siya sa mga narinig. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito? Pustahan?

            "Kaya nga nagpahabol ako, eh. Sabi ko, p're, limang araw, paibigin mo 'yan. 'Pag hindi mo napa-in love 'yan sa 'yo, mahina ka na sa babae. Pero isang araw pa lang, sumuko na. Pumupurol na si Totoy!" Nagtawanan muli ang apat.

            Sunud-sunod siyang napalunok. Hindi siya totoong mahal ni Manuel? Hindi totoong pinakasalan siya nito kanina dahil mahal siya nito? Sumasakit ang lalamunan niya dahil sa sakit na mga naririnig niya at sa papigil niya sa mga luhang bumagsak.

            Hindi na niya kayang marinig pa ang pinag-uusapan ng mga ito. Mabibilis ang mga hakbang niyang tumungo ng kuwarto at saka mabilis na nag-impake. Habang nag-i-impake ay tumutulo ang mga luha niya.

            May sorpresa pa naman sana siya dito at saka sa mga kaibigan nito, na buntis siya ng dalawang linggo. Pero pagdating niya doon ay siya pala ang masu-sorpresa.

            Bitbit ang mga bag ay lumabas siya ng bahay na walang nakakakita. Ngayon niya lubos naisip na hindi pala talaga lahat ng kasal ay katuparan. Nangyayari lang ang lahat ng iyon sa pelikula at mga nobela. Uuwi siya ng Maynila at doon ay palalakihin niya ang anak niya. Paglaki ng anak niya ay saka na niya pag-iisipan kung paano ipaliliwanag dito kung bakit ito lumaking walang ama.

            Habang sakay ng taxi patungo sa terminal ay iyak pa rin siya nang iyak. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin ng mga tao sa kanya.

            Ang tanga-tanga niya. Bakit siya naniwala sa mga magagandang sinabi nito sa kanya? Bakit hindi niya naisip—noong inalok siya nito ng kasal—na baka hindi pala iyon totoo o trip lang nitong mang-alok ng kasal sa isang babae at siya ang tangang napag-trip-an ng mga kaibigan nito?

            Gusto niyang sabunutan ang sarili.

NAPAPAILING si Manuel sa usapan nila ng mga kaibigan niya.

            "Kung hindi pa kami nakipagpustahan sa 'yo. Hindi ka pa ikakasal. Eh, di ngayon, ikaw ang unang natali," ani Dustin.

            Nagtawanan ang lahat. "Oo nga. Pero, ewan ko dito kay Manuel. Ten thousand lang, inalok ng kasal si Zel? Pambihira!" ani Dustin.

            "Mga p're, nagpapasalamat nga ako do'n, eh. Kung hindi dahil do'n ay hindi nakilala ko si Zel. Pinagsisihin ko na 'yon. Naghahanap lang ako ng tiyempo para ipaliwanag sa kanya kung paano nangyari 'yon. Mahal na mahal ko siya," aniya.

            Natahimik ang tatlo. Tumawa na lamang siya. Nang matapos ang inuman nila ay umakyat na siya. Kailangan pa nilang gumising ng maaga. Bukas na bukas kasi ay magbibiyahe pa sila.

The Fake Proposal (To Be Published in LIB)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu