××Chapter Two××

12 0 10
                                    

Ezeriel's POV

****************

Nandito ako sa ngayon sa canteen kasama si Stanley. Kung ano-anong pinagsasabi eh.


"Alam mo ba pre yung bakla doon sa kanto malapit sa amin, kinikindatan ba naman ako. Iba talaga yung charisma ko eh" sabi niya at inayos ba naman yung buhok niya na parang nagpapacute.


"Kung magbabakla ka rin lang naman, punta ka na lang kay Cristalle!" sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain.


"Cristalle? I don't care bro!" he said and pinagpatuloy na ang pagkain. Di ko na lang siya pinansin.


"Pero musta kayo ni Halaine bro?" malisosyong tanong niya.


"Halaine? Bakit anong meron? Okay lang naman kami ah" I said at uminom.


"Matagal ka ng kinukulit nun diba?" natatawang sabi niya.


"So why are you laughing?" kunot noong tanong ko.


"Easy dude, easy" sabi niya at halatang nagpipigil ng tawa.


"Kahit anong pangungulit niya sa akin, bahala siya. Hayaan mo siyang mapagod. Titigil rin yun" sabi ko. Magsasalita pa sana si Stanley nang may biglang naglagay ng bottled water sa table namin. Tinignan ko naman at kung minamalas ka naman o.


"Oh Halaine? Ginagawa mo dito?" tanong ni Stanley.


"Heyoww!! Pwede makiupo?" tanong ni Halaine. Hindi pa kami nakakasagot nang bigla na lang siyang umupo sa tapat ko.


"Thank you!" sabi pa niya. Oh God! Ba't ko nakilala tong babaeng to?


"Ang dami namang vacant seat, ba't dito ka pa sa amin nakiupo?" I asked but I didn't look at her. I just continued eating.


"Eh kasi nandito ka HAHAHAHA" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.


"Is that an excuse?" I asked habang salubong yung kilay ko.


"Siyempre joke! Wala kasi akong kasama. Kayo lang naman yung close ko dito eh. Look" sabi niya at tinuro pa yung mga nandito sa canteen.

"At kailan ka pa namin naging close?" pagbabasag ko sa kanya.


"You can't do anything about it. Basta close ako sa inyo" sabi niya at kumagat sa burger niya.


"OP ako" pagpaparinig ni Stanley. Sinipa ko naman yung paa niya. Magkatabi sila ni Halaine, katapat naman nila ako.


"Magsalita ka kasi" natatawang sabi ni Halaine.


"Ba't kasi wala kang kasama? Makifriends ka kasi sa mga kaklase natin para di ka maging loner" sabi ni Stanley. Hindi na lang ako sumali sa usapan nila.


"Oh well, hmmm" nasabi na lang niya. Tapos na rin akong kumain kaya tumayo na ako. Tumayo na rin si Stanley.


"Iiwan niyo ako?" tanong ni Halaine. Tinignan ko naman si Stanley at para bang sinasabi na siya na ang sumagot.


"Ah w-we have to go. May pupuntahan pa kasi kami" sabi ni Stanley habang kinakamot ang batok niya.


"Ok sure, no problem. Una na kayo. Kailangan kong ubusin tong pagkain ko, ayaw ko namang iwan, sayang kaya" she replied. Okay good.


"Sige una na kami" sabi ni Stanley. Tumalikod na kami pero may pahabol pang salita si Halaine.


"Byeee! Ingatsss!" sabi niya. Ba't palagi siyang hyper? Naka drugs kaya siya?


************


Nasa room na kami. Vacant namin kaso hindi kami puwedeng lumabas ng room, may pinagawa yung prof namin eh. Hayst.


Para walang manggulo sa akin, sinalpak ko na lang yung earphones ko sa tenga ko. It's my hobby tho, listening to music. Because music can make me feel calm.


Patuloy lang ako sa pagsusulat nang bigla na namang may nanggulo sa akin.


"Ezeriell! Pst!" sabi niya but I pretend like I didn't heard anything.


"Ezeriell!" pagpapatuloy lang niya.


"Ezerrrieeell" sige. Bahala ka diyan.


"Ezeriell" ba't kasi nasa tabi ko siya?!


"Ezeriellll!" asa ka naman na papansinin kita.


"Ezeriell Arcangelll" pwede bang ilayo niyo muna siya sa akin?


"Ezeriell Arcangel" I gave up. Naiinis na ako. Tinanggal ko yung nakasalpak sa tenga ko at tumingin sa ka kanya. Sino pa ba?! Edi si Halaine!


"Ano?!" naiinis na sabi ko pero mahina lang. I don't wanna see my classmates looking at us. They might say we're pissing off each other again. Eventhough she's just the only one who's making me pissed off.


Ba't kasi naging kaklase ko pa ito? Arghh.


"Wala. Kinakabisado ko lang pangalan mo" sagot niya sa akin at ngumiti nang napakalawak.


Mariin na lang akong napapikit. What did she just said?! Fudge.


"Bahala ka diyan!" sabi ko at sinalpak ulit yung earphones sa tenga ko. Nilakasan ko pa yung volume para hindi ko na marinig yung mga sasabihin niya.


Pero talagang hindi niya ako tinigilan. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Gusto ko siyang sigawan kaso taena naman eh. May respeto pa rin ako sa kanya. Pasalamat siya.


Nilabas ko na lang yung phone ko at naglaro. Dito ko na lang itutuon yung pansin ko kesa naman sa mainis lang ako dahil sa babaeng to.


Pero habang naglalaro ako, bigla ko na lang nabitawan yung phone ko nang bigla niya ba naman akong kilitiin. Fudge. Yan yung pinakaayaw kong ginagawa sa akin! Okay I admit! That's one of my weakness. Nagugulantang kasi ako.


Tinignan ko lang naman siya nang masama pero siya humahagalpak lang ng tawa. Naluluha na nga eh habang nakahawak sa tiyan niya.


"Oh my gosh Ezeriel! Ang bilis mo makiliti hahahahahaha" sabi niya.


Can you just please take this girl away from me?



------------~•~•~------------


Name Pronounciations

Ezeriel = I-zer-yel

Halaine = Ha-leyn

Stanley = Is-tan-li

Trishea = Tri-she-ya

Cristalle = Kris-tal


COME BACK, HALAINE (Completed)Where stories live. Discover now