××Chapter Nine××

7 0 0
                                    

Ezeriell's POV

***************

Pagdating namin sa bahay, biglang hinablot ni Trishea yung braso ko.

"Why did you do that to her kuya?! Why did you say those things?!" galit na sabi niya.

"So you're believing her huh?" hindi makapaniwalang tanong ko. Napatingin lang sa amin yung katulong pero hindi kami inawat. Alam kasi nila na ayaw nila na pinapakealaman nila kami. Natataranta nalang nilang tinuon yung ginagawa nila. Sina mom and dad, nasa trabaho pa rin.

"Kuya what if she's right huh?!" inis na tanong niya sa akin. Napahawak na lang ako sa sentido ko at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko pero hindi pa rin ako tinantanan ni Trishea.

"Kuya!" galit na sigaw niya sa akin. Ngayon lang kami nag-away ng ganito.

"I know kuya that ate Halaine's telling the truth!" pagpupumilit niya.

"I can't understand you Trishea kung bakit ka nagpupumulit na paniwalaan siya" walang emosyong sabi ko.

"Because I don't think so na magsisinungaling siya" seryosong sabi niya rin sa akin.

"You know what? She's just doing that para magkalayo kami ni Dymple. Maybe she just doesn't accept the fact that I and Dymple love each other kaya sinisira niya gung relasyon namin" sabi ko sa kanya. Isang malutong na sampal naman ang naabot ko sa kanya. I can't believe her.

"I'll tell you this kuya once. Saka mo lang maappreciate yung effort ni ate Halaine pag tuluyan na siyang lumayo sayo. Saka mo lang marerealize na mahalaga siya pagnawala na siya sayo. Kung siya, iniiyakan ka niya ngayon. Let yourself be ready kuya because you'll be the one who's crying infront of her. I'll tell you" sabi niya at pinanliitan ako ng mga mata.

"As if" tipid lang na sabi ko sa kanya. As if naman mangyayari yon.

"You don't understand her kuya! She's just protecting you. She just want you to stay away from the things na alam niyang makakasakit sayo. I'm also a girl kuya. Isang masakit na salita niyo lang, nasasaktan agad kami. At kitang kita kanina sa mga mata ni ate Halaine na nagsasabi siya ng totoo" sabi niya sa akin. Inis na napasabunot ako sa buhok ko.

"And I also know that Dymple will never do that to me. I know she really loves me. I can feel it" I said. Napailing naman si Trishea.

"Then that's bullsh*t kuya!" sabi niya at padabog na lumabas pero sinundan ko siya hanggang sa kwarto niya.

"Don't shout at me Trishea. I'm still your brother" seryosong sabi ko sa kanya. Binagsak naman ni Trishea yung bag niya sa bed niya at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Yes you're my brother. But do you still care for me as your sister?" pahina nang pahinang sabi niya. Halatang pinipigil ang luha na namumuo sa mga mata niya. Natigilan ako sa tanong niya. Why she's asking that? I love her. She's still my sister. Hindi ako nakapagsalita.

"Kasi kuya if you really care for me. Gagawa ka pa rin ng paraan para magkabonding tayo. Dati naman kuya, ang saya saya natin pero nung naging kayo na ng girlfriend mo, nawalan ka na ng time sa akin. Palaging siya na yung kasama mo every weekends. Everytime na magpapasama ako, sinasabi mong busy ka, na may pupuntahan ka. Buti nga siya, sinasamahan mo. Di mo lang alam kuya kung gaano kasakit sa part ko yun. Oo kapatid mo ko, pero hindi ko na yun maramdaman simula nung maging kayo. Like you're not anymore the kuya Ezeriell I know. You've change a lot kuya. Sina mom and dad, palagi ka nilang hinahanap pag wala ka dito sa bahay. Pati na rin sina mom and dad, nawawalan ka na rin ng time kuya. Yes kuya, I understand you. I know that's what makes you happy, kaya hinayaan ka na lang namin. Pero sana naman kuya, tignan mo rin. Tignan mo rin yung mga totoo at unang nagmamahal sayo" dagdag niya at tuluyan na siyang napahagulgol. Tangna! Ang sakit makita siyang ganito. Naiipit siya sa problemang hindi naman siya dapat involve. Napatakbo na lang siya palabas habang umiiyak. Wala na akong nagawa. Napaupo na lang ako.

Did I really changed a lot?

**************

Kahit gabi na, nagdrive pa rin ako papunta sa bahay nila Dymple. I want to know the truth.

Pero habang nagmamaneho, agad akong napaparking nang makita ko si Dymple sa park kaya agad akong napababa. Nakaupo lang siya sa swing. Gabi na ah. Ano pang ginagawa niya diyan? Lalapit na sana ako nang may biglang lumapit sa kanya. That guy hugged her. Ang saya ni Dymple kasama yung lalaki. Fvck. Tangna! Ang sakit!

Lumapit ako sa kanila pero pinilit na ngumiti. Nanlaki naman ang mga mata ni Dymple.

"E-ezeriell what are y-you doing here?" halata sa boses niya na kinakabahan siya. Taka lang na napatingin sa amin yung lalaki.

"Lawrence, wait for me here" sabi niya sa lalaki at hinila yung wrist ko palayo sa lalaki. Lawrence?  Nabanggit na sa akin ni Dymple ang pangalan. He's her ex-boyfriend.

Nang makalayo na kami, humarap sa akin si Dymple. Hinawakan niya naman yung both hands ko.

"I'm sorry Ezeriell. I'm sorry" sabi niya. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya. Napatingin lang ako sa malayo. I don't want to cry infront of her. I need to be strong. Pero ang sakit.

"I'm sorry Ezeriell for using you. Okay na kami ni Lawrence. I'm really sorry" sabi niya. So ganun ganun lang yon? Ginawa niya lang akong rebound. Minahal ko siya ng totoo tapos ginago niya lang pala ako. Tapos ngayon okay na sila, bigla naang siyang mang-iiwan. Bullsht.

"Let's end this, then. But I'm still thankful, atleast dumating yung araw na ako'y napasaya kahit pansamantala lang pala" sabi ko at ngumiti lang ng pilit bago tumalikod sa kanya.

----------------------

Ngayon ako nagsisisi. Sana pinaniwalaan ko sila. Pero wala na. Nasaktan ko na si Halaine, even my sister. Ang tanga ko.

Nang makauwi na ako, nakita ko si Trishea na nasa garden nakahiga sa grass at nakatingin lang sa kalangitan.  Nang makita naman niya ako, bigla na lang siyang umiwas ng tingin. Mas masakit pala to.... when you're sister starts to avoid you. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Nanatili siyang tahimik.

Hindi ko na napigilan ang umiyak. Pinatong ko lang yung ulo ko sa tuhod ko.

"I'm sorry Trishea. Oo walang magagaaa tong sorry ko. Nasaktan na kita, nasaktan ko na kayo. But I'm really sorry Trishea. Sorry kung nawalan ako ng time sayo. Sorry kung hindi ko kayo pinaniwalaan. Alam ko na ang totoo. Ang tanga ko kasi hindi ko kayo pinaniwalaan. I'm sorry Trishea for hurting you" sabi ko at pinunasan ang pumatak na luha sa mga mata ko. Napaupo naman si Trishea at tinignan ako pero hindi siya umimik.

"I'm still you're brother right?" tanong ko sa kanya. Bigla naman niya akong niyakap.

"You'll always be my brother kuya. And I'm sorry too. Sorry sa mga nasabi ko sayo. But kuya, I'm here... nandito lang ako para damayan ka. I know masakit yung nangyari sayo. But don't forget to stay strong kuya. Nandito pa kami, nandito pa kami na nagmamahal sayo" sabi niya. Naramdaman ko namang nabasa yung damit ko. Kumalas din si Trishea at ngumiti kaya napangiti na lang din ako.

"Thank you" I said.

COME BACK, HALAINE (Completed)Where stories live. Discover now