Chapter 8

6.1K 225 3
                                    

Natapos ang buong klase ko ngayon araw na may ngiti sa aking labi kahit pa na iniiwasan ako ni Collette.

Pero wala na naman bago dun eh, kasi kahit noon paman ay iniiwasan na niya ako. Hindi nga lang katulad ngayon dahil parati itong nakayuko kapag napapalapit ako sa kanya.

Ngayon ko lang din napansin na wala pala siyang kaibigan dito sa loob ng school dahil kahit kanina na kumakain kami ng lunch ay mag-isa lang siyang kumakain at nakayuko pa.

Lalapitan ko sana siya kanina kaso naduwag ako dahil baka may masabi itong masama sa akin dahil sa nangyari sa amin kagabi.

"Kanina lang ang saya mo at panay pa ang ngiti mo pero ngayon ay kang pina-bagsakan ng lupa." Asar sa akin ni Clara na umakbay pa.

"Eh pano' ba naman naduwag lapitan si Collette kanina." Natatawang asar naman ni Jessa. "Hindi na nga ako nagtaka kung bakit hindi mo siya binully ngayon eh na noon paman ay araw-araw mo siyang binubully." Dagdag pa nito.

Tumawa naman silang dalawa ni Clara. "Hoy umamin ka nga? May gusto ka na sa kanya no?" Nagulat ako sa naging tanong ni Clara sa akin.

Kasabay ng pagka gulat ko ang pag tibok ng malakas ng puso ko at hindi ko man lang alam kung paano ko sasagutin ang tanong nila.

Ako? May gusto na sa babaeng binubully ko? Pero hate ko parin naman siya eh. Oo nga at naging masaya ako kanina dahil nakita ko siya pero hindi naman ibig sabihin nun na may gusto na ako sa kanya eh.

"Ha?... gusto? Wala ah!" Sagot ko naman sa dalawa habang nauutal ng kunti.

Sinuri naman nila ako ng mabuti bagi dahan-dahan tumango. "Talaga lang ha." Sabay nilang bigkas.

"Talagang-talaga!" Agad naman na sagot ko.

"Okay." Naging sagot lang nila at hinila na ako papunta sa parking lot dahil uwian narin naman.

Pagkadating namin sa parking lot ay agad kaming pumunta sa aming kanya-kanyang sasakyan.

"Girls next time na tayo mag party kapag graduate na tayo. Daming projects eh at may thesis pa." Sigaw naman ni Clara habang sa amin habang nakahawak na sa pintuan ng sasakyan niya.

"Hayss oo nga eh, sige girls. Ingat kayo... I love you both." Sigaw naman ni Jessa.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa sarili naming sasakyan at nauna nang lumabas ng parking yung dalawang kaibigan ko at ako naman ay nag retouch pa kunti dahil dadaan pa ako sa kumpanya ni Dad.

Nang akmang papaandarin ko na sana ang sasakyan ng makita ko si Collette na parang kinakaladkad ng isang lalaki ay dali-dali akong lumabas at lumapit sa pwesto nila.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Collette sa lalaki habang pilit na inaalis ang kamay ng lalaki sa kamay nito.

I Was There (GxG) 💍Where stories live. Discover now